Lunes at habang wala ang isang professor ay tumambay lang ako sa isang batong mesa na may upuan sa loob ng campus. I just want to read alone at isa pa, wala rin akong kaibigan sa eskwelahan. Si Kuya lang. “Mag-usap tayo,” seryoso ang boses at pautos. Napatingin ako sa lumapit sa akin at tinaasan ko ito ng kilay. “Bakit nanaman ba? Tigilan mo na nga ako. Isipin mo kung anong gusto mong isipin tungkol sa akin. Wala akong pakielam at nag-aaral lang ako nang maayos at isa pa, ginagawa ko ang lahat ng papers mo, assignments at kung anu-ano pa,” nagliligpit na ako ng gamit at tangkang aalis na matapos kong sabihin ang mga gusto kong sabihin sa lalaking nakatayo sa harap ko. “Teka nga. Sabi ko mag-usap tayo at may sasabihin ako.” Huminto ako sa aking ginagawa at kahit ayaw ko, itatry kong pak