“Ganyan talaga kapag gusto agad yumaman. Kakapit sa patalim at papatol sa mayayamang lalaki,” saad ng lalaking nakakainis na lumapit talaga sa amin para iniisin nanaman ako. “Just like you. Pinatulan mo si Cindy dahil sa pera niya. Hwag ka ngang magmalinis,” mas malala nga siya kesa sa akin pero kung makapagbintang sya ay wagas. “Pwes walang mawawala sa akin dahil lalaki ako. Eh ikaw? Kani kanino ka na nagpapagamit para lang yumaman at makuha ang gusto mo.” dagdag pa nitong damuho na ito. Nangangatwiran pa, mali naman. “Luke, ang bibig mo naman. Galangin mo naman si Mary. Tumigil ka na nga,” saway ni Brian sa kaibigan. “Kagalanggalang ba yan? Kadiring babae,” nakangising saad nito “Gusto mo nanaman bang masampal? Ano bang problema mo?” “Ikaw ang problema ko. Nakakairita ka. Sassmpali