39

1706 Words

Hindi na ako galit sa kanya. Wala naman yun sa akin. Sabi nya naman ay nadala lang sya at nagsorry rin naman sya. Importante sa akin na makapag-aral at matapos kahit ang semester lang na ito. Nanghihinayang ako sa pera, panahon at sa pagod na naigugol ko na. Kakausapin ko na lang sya ng maayos at kukumbinsihing tapusin ang sem na ito. Susundin ko na lang lahat ng gusto niya para magkasundo kami. Kailangang makumbinsi ko sya na hwag nya akong gawan ng masama. Hindi ako ready sa ganoong bagay at nais kong sa asawa ko lang ibigay ang bagay na yun. Lagot ako kay mama kapag ginawa ko yun nang di pa kasal. Ayoko ring mabuntis ng maaga at baka di naman ako panagutan ni Luke. Sa aking pag-iisip at sa panonood ng tv ay nakatulog ako sa sofa. Alas otso ng magising ako at madilim na. Ilaw ng tv na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD