“Wala ka na bang idadagdag pa dito? One hundred lang ang dala mong pera?” reklamo pa ni Luke
“Hindi ‘no. Anong akala mo sa akin poor. May 20 pa ako dito pero ‘di ko na ibibigay sa iyo. Ano ka swerte? Ok na yan. Demanding ka pa. Paano kung pababain mo ko, di na ko makakauwi.”
“Kuya, 100 lang premium gas,” sabi niya sa gasoline boy
“Ok po sir,” sagot nito.
“So, magkanong baon mo 200?” usisa ni Luke.
“Ha? Hindi. Ang laki naman nun. 30 lang. Idinagdag lang yang 100 ni mama kasi baka daw maligaw ako pauwi.
“Seryoso? 30? “ gulat na sabi nito.
Hindi makapaniwala si Luke na 30 lang ang baon ni Mary sa pagpasok sa school. Ipinaliwanag naman ng dalaga na para lamang iyon sa pamasahe at sa karinderya ng mama niya siya kumakain. Si Mary naman ang nagtanong kung magkano ang baon ni Luke.
“500 sometimes 1000.”
“Ha? 1000? Yung isang araw mo halos 33 days ko ng baon. Tapos yung 15 ko kailangan maka 66 times na ipon para makabuo ng 1000.”
Inilabas ni Luke ang kanyang cellphone at binuksan ang calculator.
“Paano mo nacompute ‘yon sa isip mo?” takang tanong ng lalaki
“Bakit? Nagcalcu ka pa? Basic lang kaya ‘yon,” natatawang sagot ni Mary
“Genius ka pala,” manghang saad ng binata sa dalaga sa simpleng math equation na sinabi nito.
“Baliw. Ganyan kaming mahihirap dapat kalkulado lahat. Eh kasi kayong mayayaman, paglustay lang ang alam ninyo. Anong bibilhin, anong kakainin at saan pupunta? Ano natahimik ka? Ibalik mo yung 100 ko ha.”
“Oo kahit doble o triple pa. Para isang daan naghahabol ka.”
"Wala ka ngang oang gas dyan. Yabang."
Inismiran pa ni Mary ang lalaji dahil sa kanyang pag-aangas. Du naman kalayuan ang bahay ng mga Salcedo at nakarating din sila agad.
Pagpasok pa lang sa gate ng bahay nina Luke ay namangha nang maigi si Mary sa laki at ganda nito. Napagkamalan pa nga niya itong resort dahil may swimming pool din ito. Palinga-linga si Mary sa lahat ng nakikita niya sa buong paligid ng kabahayan ng mga Salcedo.
“Mamamasyal ka ba o magtuturo? Bilisan mo na.”
“Tumitingin pa. Ayan na nga.”
“Mom, yung tutor.” pakilala ni Luke kay Mary sa kanyang ina.
“Hello po ma’am,” bati ni Mary sa ina ni Luke na todo ang pagngiti sa labi.
“Hello iha. Pasok ka. Luke, bakit late na kayo? 5pm lang ang uwian mo diba?” napatingin si Luke kay Mary.
“Traffic po kasi, Mommy.” dahilan nito.
“Kumain muna kayo bago mag-aral.”
“Hindi na po ma’am. Mag-start na po kami kasi medyo late na at para makauwi po ako ng maaga.”
“Kakain muna ako, kung ayaw mo bahala ka dyan.” nagdiretso ang lalaki sa dinning area at walang magawa si Mary kundi sundan ang lalaki.
Inilabas ni Mary ang mga libro at
inutusan niya si Luke na magbasa habang kumakain ngunit hindi naman siya pinansin nito at nagpatuloy lang sa pagkain. Havang kumakain ang lalaki ay ginawa naman ni Mary ang mga assignment sa math para makauwi siya agad.
“Ok game na, tapos na akong kumain.” saad ni Luke. Sa mesang iyon na rin sila nag-aral dahil wala namang ibang kakain pa.
“Basa na at bilisan mo ha,” nakatitig si Mary kay Luke habang nagbabasa ito. “Parang nakatingin ka lang. Nagbabasa ka ba talaga?”
“Oo nga.”
“Siguraduhin mo kundi pababasahin kita ng malakas.”
Natawa naman ang kapatid nitong babae na si Pia na naroon din sa tabi nila.
“Para kang elementary kuya. Hindi ka pa ba marunong magbasa?” sabay tawa ng bata.
“Umakyat ka na nga sa kwarto mo. ‘Di ka nakakatulong dito,” masungit na sabi ni Luke sa kapatid at nakaramdam ng pagkapahiya.
“Tandan mo yung mga naka-highlight ha. Mag-math na muna tayo pagkatapos ng history,” masungit na sabi ni Mary.
“Oo na nga,” naiinis na sabi ni Luke at wala sa loob ang pag-aaral.
“Math na nga muna. Ang bagal mo at sayang ang oras.”
Itinuro ni Mary ang step by step na pagsolve ng mga math problems. Fraction at decimal point pa lamang. Sa una ay naiintindihan ni Luke ngunit nakakalimutan din agad kung paano. Nilikom naman ni Luke ang mga books niya sa mesa saka tumayo.
“Tara sa taas tayo.”
“Dito na lang magtatagal nanaman eh,” inis na saad ng dalaga dahil hindi ito sanay magbyahe ng malayo at iniisip kung paano sya makakauwi kapag lalo syang ginabi sa bahay ng binata.
Ngunit walang nagawa si Mary kundi ang sumunod dahil umakyat sa si Luke sa 2nd floor na dala ang mga libro. Pumuwesto sila sa may mababang lamesa na maraming throw pillow sa sahig. Nakaupo sila sa mga pillows at kinopya naman ni Luke ang mga sagot ni Mary sa math sa kanyang notebook. Habang hinihintay matapos magsulat si Luke ay humiga saglit si Mary sa mga unan saka pumikit. Ilang minuto ang nakaraan at di namalayan ng babae ang oras dahil sa kantang pagtulog. Nang dumilat siya ay madilim na sa paligid at wala na si Luke sa tabi niya.
“Hala anong oras na ba? 11 na pala. Hay, paano pa ako uuwi? ‘Di man lang ako ginising ng Luke na ito at hinayaan ako dito. Sira ulo talaga! Saan kaya dito ang kwarto ng lalaking ’yon?" Saad niya sa kanyang sarili.
“Ate, nandito ka pa pala. Iniwan ka na ni Kuya. Sa guest room ka na matulog,” sabi ni Pia nang makita si Mary na naroon sa lugar kung saan sya iniwan ng lalaki.
“Hindi na, nakakahiya. Uuwi na ako. Nakatulog kasi ako. Tapos pinatayan na ako ng ilaw ng kuya mo .”
“Nakakatakot na kaya magbiyahe ng ganitong oras. Doon ka na lang sa guest room.”
“Saan ba ang room ng kuya mo?” tanong nito sa batang babae.
“Doon ka matutulog?”
“Hindi. May kukunin lang ako at uuwi na ako. Bakit naman ako doon matutulog?”
“Doon sa dulo na ‘yon ang kwarto niya. Puntahan mo na.”
“Ok salamat.”
Dahan-dahang tumayo at naglakad si Mary paunta sa kwarto ni Luke. Kumatok muna ito para makasiguro na iyon nga ang tamang kwarto.
“Luke,” tawag niya
“Oh!” sagot ng binata na may inis sa boses. Binuksan ang pinto nito saka pumasok. Namangha din siya sa lawak ng kwarto nito na parang isang buong bahay na.
“Hoy, bakit ka pumasok?”
“Hoy ka rin, bakit iniwan mo ako doon sa labas. Di mo talaga ako ginising.”
“Eh tulog na tulog ka na kaya ‘di na kita ginising. Tsaka pagod na akong mag-aral.”
"Sabi na nga ba. Para makatakas ka sa pag aaral kaya di mo ako ginisong. Hoy. Ang laki ng tv mo at ang laki ng kwarto mo. Parang isang buong bahay na talaga ito ha. Tapos ‘di naman nag-aaral ng maayos. Sayang lang pinapaaral sa ‘yo ng mga magulang mo.” sabay langaral sa lalaking pasaway.
“Inggit ka lang.”
“Oo naman nakaka-ingit ka talaga. Kaso, yung mga magulang mo ‘di naman masaya sa mga ginagawa mo. You’re blessed but you’re not thankful.”
“Who wants material things kung di mo naman nakakasama ang mga parents mo palagi.”
“Kayong mayayaman talaga. Kulang sa attention at dapat iniintindi mo na lang. Malaki ka na. Ako nga, di ko rin naman nakakasama palagi ang mga magulang ko kasi ofw dati si Mama. Si papa naman, palaging wala sa bahay pero ok lang sa akin. Wala sila apos di naman kami yumaman. Same same tayo pero di same pagdating sa financial.”
“Tss, dami mong sinasabi.”
Sinisingil niya ang binata sa 100 pesos na hiniram nito kanina. Ngunit walang maibigay sa kanya at tulog na rin ang mama nito. Nag-alala si Mary na di makauwi dahil 20 na lang ang natira niyang pera.
“Baka kulangin ang pamasahe ko. Ihatid mo kaya ako pauwi.”
“Bahala ka d’yan. Tulog ka kasi ng tulog. Maglakad ka pauwi,” pang-iinis nanaman nito sa kanya.
Nang magring ang phone ni Mary ay hinahanap na siya ng Mama niya. Tinatanong siya kung nasaan na at bakit hindi pa nakakauwi. Sinabi niyang ginabi siya kina Luke at baka doon na matulog.
“Hoy, Luke. Ihatid mo na ako para makauwi na ako. Kasalanan mo to.”
“Hindi kita girlfriend para ihatid kita at inaantok na ako. D’yan ka na matulog sa labas kung gusto mo,” humiga na ito sa kanyang kama at umaktong matutulog na.
“Ok fine. Dito na ako matutulog sa kama mo,” sabay tawa ni Mary.
“Bahala ka”. sagot ng lalaki sa kanya na mukhang walang pakielam.
“Hala! Ok lang sa ‘yo?” takang saad ni Mary.
“Basta hwag mo kong gagawan ng masama at d’yan ka lang sa isang gilid.”
“Baliw!” hinampas naman ni Mary ng unan si Luke. “Pahiram ng damit ha. Ano ba ‘yan first meeting pa lang natin tapos. We’ll sleep together na agad.” biro ni Mary sa binata.
“Hoy, hwag kang mag-ilusyon. Kahit maghubad ka sa harap ko ‘di kita papatusin.”
“Grabe ka! Matulog ka na nga. Dito muna ako at lilipat ako sa labas mamaya. Baka pagalitan ako ng mama mo.”
Nagising ng madaling araw si Mary saka lumipat sa salas sa 2nd floor kung saan sya nakatulog habang tinuturuan si Luke. Ayaw niyang may masabi si Mrs. Salcedo na magkatabi na agad sila ni Luke sa kwarto nito.