Tanghali na tuloy ako nagising kinabukasan. Tumawag lang si mama kaya nagising ako. “Di ka ba uuwi?” tanong nito sa akin. “Di po muna. Nakakapagod po mag-byahe at magpapahinga na lang muna ako dito sa dorm.” ilang weekends na rin kasi akong di umuuwi. “Oh sya, may pera ka?” napangiti ako sa tanong nito. “Syempre wala.” sagot ko sa aking ina na nakangoti pa rin at mukhang bibigyan ako ng pang gastos. “Sige ipapadala ko na lang sa atm mo. Papahulog ko bukas sa kapatid mo.” “Thanks, Ma. Ingat kayo dyan. Salamat po.” ang saya naman ng gising ko at sa ipapadala ni mama. Kahit papaano ay makakakin ako ng masarap kapag may padalang pera si mama. Halos pang-upa ko lang kasi sa dorm ang sweldo ko sa bar at pamasahe sa school. “Ikaw din mag ingat ka. Hwag kang masyadong magpagod ha. Hating