"Hay, nainis lang naman ako eh. Tapos damay-damay na. Anong gagawin ko ngayon? Kaya pala galit na galit sya. kasalanan naman niya ang lahat." “Ok lang yan. Tutulungan kita kapag nagkaproblema ka sa tuition fee next school year.” “Hindi na. Kaya naman siguro ni Mama. Nakakahiya sa ‘yo tsaka magigigng ok rin kami ni Luke.” Maya-maya ay dumating ang lalaking kanilang pinag-uusapan. “Si Brian naman ang binobola mo dyan.” “Luke, ano ka ba?” naiinis na sabi ni Brian. Dumaan si Luke sa likod ng dalawa at agad pinaringgan si Mary. “Isip bata. Sige na alis na ko,” mabilis na umalis si Mary at nagtungo na sa upuan niya. Graduation day na nila. Ayaw nya ring makita si Luke dahil sobra ang inis niya rin sa binata. Alam niyang galit rin sa kanya si Luke at nadamay pa ang buong pamilya nito sa awa