“Hoy, kilig na kilig ka dyan?” sabi ni Mary sa kaibigan na parang may bulate ang puwet.
“Si Luke oh. Papalapit sa atin. Ayan na sya at ang gwapo nya talaga,” bulong ng kanyang kaibigan sa kanya.
“Oo nga no. Ang gwapo lalo na kapag nakangiti,” napatitig na lang sya sa naglalakad na animo ay anghel na bumaba sa lupa.
“Pare ang tagal mo,” nahimasmasan ang dalawang dalaga ng may nagsalita sa kanilang likuran. Si Brian pala na kaibigan ni Luke. sya pala ang pakay at di silang magkaibigan.
Umalis rin ang mga nasa likuran nilang mga lalaki pagdating ni Luke.
“Sobrang gwapo talaga niya,” kilig na kilig si Claire na kahit wala na si Luke.
“Oo. Ang gwapo talaga niya kaso hindi naman tayo papansinin noon. Mataman yung mga yun.”
Si Luke Salcedo na isang mayaman at heartrob sa kanilang school kaya naman maraming nagkakagusto dito at isa na doon si Mary Gonzales at ang kaibigan na si Claire. Pare-pareho silang grade 10 at graduating students. Kaso lang ay napabayaan ni Luke ang pag-aaral nito at madalas na kasama ang barkada. Nang malaman ito ng kanyang ama ay nagalit ito sa anak at sinabihang aalisin na ang allowance at pagtatrabahuhin na lamang bilang waiter sa isa nilang restaurant. Natakot ang binata kaya agad naghanap ng tutor ang ina nito.
Si Mary naman ay kinapos ang pamilya financially dahil sa pagkakatanggal ng ina sa trabaho abroad. Nang magkakilala ang mga ina nila sa isang tagpo ay nagkakwentuhan at nag-alok ng scholarship ang nanay ni Luke para kay Mary kung babantayan at tuturuan ang kanyang anak.
Masayang umuwi ang ina ni Mary at agad ibinalita sa anak na may nag-alok dito na magpatutor.
“Sino naman, Ma?” tanong ni Mary.
“Yung may-ari ng apartment sa tabi ng tindahan natin. Mahina daw sa math yung anak at tamad mag-aral.”
“Naku mukhang pasaway naman yata yung batang yun at baka makurot ko pa. Ilang taon na ba at ‘di nila mapasunod?”
“Eh, 16 na at grade 10 katulad mo. Kaya matigas na ang ulo.”
“Grabe naman! Grade 10 na tapos magpapaturo pa. Anong pong pangalan, Ma? Baka kakilala ko.”
“Ano nga ba? Ang alam ko ay Salcedo ang apelyido nila.”
“Sigurado ka, Ma? Salcedo talaga?”
“Oo. Si Mrs. Salcedo yung may-ari ng apartment. ‘Di ko naman natanong ang pangalan ng anak niya. Kilala mo?”
“Kung iisa nga talaga ang sinasabi nyo at iniisip ko. Wala namang ibang Salcedo kundi si Luke lang. Kaya pala hindi ko na siya masyadong nakikita sa school. Kahapon lang at umalis din agad kasama ang barkada niya.”
“Baka siya na nga yun, Mary. Basta ibinigay ko ang number mo at tatawagan ka daw bukas. Ok na rin ‘yon para makatulong sa pag-aaral mo yung su-swelduhin mo sa pagtututor. Paghusayan mo anak para makapag senior high school ka pa next year.”
Sa kwarto
“Omg! Ang crush ko na si Luke sa akin magpapatutor? Waaahhh sobrang omg talaga!” mahinang sabi ni Mary na kilig na kilig sa loob ng kwarto niya kaharap ang sarili sa salamin na nagtatatalon at saka nagpagulong-gulong pa sa kanyang kama. Hating gabi na ay di pa rin siya makatulog kakaisip kay Luke.
“Napaka-suplado pa naman ng lalaking ‘yon. Baka naman hindi makinig sa akin. Tapos pagtripan lang ako. Hay, sana maging mabait ka sa akin Luke. Para maka-move up na ako next year,” saad ni Mary sa kanyang sarili.
Muntik nang ma-late si Mary sa paggising dahil sa puyat kakaisip kay Luke. Agad siyang naligo ng makitang alas sais na at alas siete ang kanyang first subject. Mabuti na lang at late din ang kanyang teacher at halos sabay lang silang pumasok sa room.
sa buong klase niya ay ang lalaki lang ang tumatakbo sa kanyang isip at di makapagconcentrate sa pagaaral.
Tanghali nang tumawag si Mrs Salcedo kay Mary.
“Iha, ako pala ang mommy ni Luke. Gusto ko siyang paturuan sana sa iyo. Nabanggit ba ng mama mo kahapon? Napakatamad kasi at medyo mahina sa math pero mabait naman yan. Sumama ka sa kanya mamaya. Hihintayin ka sa parking lot ng school at dito kayo sa bahay mag-aaral.”
“Sige po ma’am. Anong oras po ba ang labas niya?”
“5pm ang last subject niya.”
“Ok po. I mi-meet ko na lang po siya mamaya.”
“Salamat iha, Mary ang name mo di ba?”
“Opo maam.”
“Ok see you later.”
Alas quatro ang last subject ni Mary at may time pa siya para tumulong sa kainan ng kanyang ina. Magserve ng pagkain at maghugas ng mga platong kunainan. Mag-aalas singko ng hapon ng bumalik siya sa school at nag-intay sa lalaki sa parking lot. Nag powder at lipstick pa siya at konting cologne. Napapangiti sya habang naroon at kinikilig pero 5:30 na ay wala naman siyang Luke na nakikita. Nakaramdam sya ng pagkainip sa paghihintay. Maya-maya ay may nagtext sa kanya na unknown number.
Unknown: Are you the tutor? Can you wait until 7pm? I’m still here at my friend’s house.
“Aba? Pag-intayin talaga ako ng ganun katagal. Damuhong ‘to.” sambit ni Mary sa sarili at nakaramdam ng inis. Nagreply naman siya ng.
MAry: My time is also important. I’ll wait untill 6pm only. No extensions!
Akala mo maaangasan mo ako ha?Sobra ka naman sa 7pm. pasaway talagang lalaki.
Alam ni Luke na mapapagalitan siya kapag di niya isinama ang tutor niya sa bahay kaya dali-dali siyang umalis sa bahay ng kaibigan at bumalik sa kanilang campus.
Nang marinig ni Mary ang malakas na ugong ng sasakyan, ‘di n’ya pa ito matanaw ngunit rinig na rinig n’ya na ang ingay ng lowered na racing car ni Luke. Humamarurot itong pumasok sa gate at biglang tumigil sa kanyang harapan.
“Sakay,” galit na sabi nito kay Mary.
Agad niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan at saka siya sumakay sa tabi nito. Sumulyap si Mary sa mukha ni Luke na nakasimangot at mainit ang ulo nito.
“What?” masungit na sabi ng lalaki.
“Wala lang. Bakit ka galit? Ako na nga ang pinag-intay mo.”
“Can you just shut up?” maangas na sabi pa ni Luke sa babae.
“Sabi mo what tapos ngayon shut up.”
“Nakakabadtrip ka, kung ‘di lang ako mapapagalitan na di kita kasama, ibababa kita sa gitna ng kalye,” saad ng lalaki habang nagdadrive na papalayo ng campus.
Bumuntong hininga na lang si Mary at di na sinabayan pa ang init ng ulo ng binata.
“Kalma! Kalma! Kalma!” sabi ni Mary sa sarili.
“F*ck!” biglang sabi ni Luke
“Anong nangyari? Nakabangga ka ba? Ano?” taranrang saad ng babae
“Naiwan ko yung wallet ko kina Bryan! Bw*sit.”
“Balikan mo bukas. Mawawala ba ‘yon? Yun lang pala, pinakaba mo pa ako. Magkano bang laman noo ?”
“Not that. Wala na akong gas. Paano ako makakauwi.”
“Oh, 100. Pagas mo na lahat yan. Simple problem, cannot be solved. Natataranta ka kaagad.”
“Nagpapatawa ka ba? Saan aabot yang 100 mo. I need 2000 para i-full thank itong sasakyan ko.”
“Bakit? Saan ba tayo pupunta? Sa Tagaytay?” maangas na tanong ni Mary sa lalaking mayabang. “Sakto na yan hanggang sa inyo. Choosy ka pa. Kapag tayo tumirik, makakauwi pa ako sa bahay namin at iiwan kita dito at ikaw, kahihiyan ang aabutin mo. Maganda nga ang sasaktan mo, wala namang gas. Ano, tatanggapin mo o hindi?”
“Ok, fine,” tanging naisagot ni Luke at wala na rin naman siyang magagawa pa kundi tanggapin ang isang daang piso ng dalaga.