Nag-make up na rin sina Claire at Carlo para magmukhang zombies. Nag-sneak sila sa mga gilid na daanan ng bahay ni Cindy para walang makakita sa kanila.
“Pagpatay ng ilaw, doon ka Mary sa malapit sa pool, ikaw Claire dyan sa may table at ikaw Carlo, dun sa may puno na yun ha,” instruction ni Brian sa mga kasama.Namatay nga ang ilaw pero aninag ang pagdating nila at pumuwesto na sila sa instruction ng lalaki. Pagbukas ng ilaw ay napasigaw ang ibang bisita na lalaki at babae sa gulat o takot sa mga itsura nila saka nagpalakpakan na akala ay pakana iyon ni Cindy. Medyo bored na rin kasi ang mga bisita na nakalublob lang sa pool at ang iba naman ay nag-iinom sa mesa.
“Sobrang saya ko na nandito ka. Sobrang ganda mo ngayon,” bati ni Luke kay Mary nang makita ito pero lumayo rin agad at baka magalit si Cindy sa paglapit sa babae.
“Ahh, talaga ha?” pahabol na sagot sa papalayong lalaki.
Niyaya ni Brian ang mga kasama na magsayaw sa isang bahagi malapit sa pool. Ang ibang bisita ay nakisali na rin sa pagsasayawan nila.
“Hi! Alam ko na ang pangarap ko sa buhay?” saad ng isang lalaki na sumasayaw kasama nila.
“Ano naman pare?” tanong ni Brian
“Maging isang zombie. Kasi nakita ko na ang bride ko,” nagtawanan naman ang lahat pati si Mary kahit korni ang joke ng lalaki.
“Hoy, nakikita mo bang may kapartner na yan?” biro ni Brian sa kanyang kaibigan saka inakbayan si Mary. “Ako ang groom nito, ok.”
“Ay sorry pare. Ikaw pala yung groom n’ya. Kaya pala nawala ka kanina. Sinundo mo pala ang bride mo.”
“Oo sinundo ko lang kasama pa nga ang mga abay o,”sabay turo pa sa dalawa nilang kasama.
“Eh di sa abay na lang ako. Hi I’m Paolo,” pakilala ng lalaki.
“Claire,” saad ng kaibigan ni Mary na nakipagshake hands sa lalaki.
“Siguro naman hindi mo ‘to jowa,” sabay tinuro ang katabing si Carlo
“Anong akala mo sa akin tomboy? Pareho kaming girls no,” mataray na sagot ni Carlo sa lalaki na umirap pa.
“Sorry, sorry ulit. My bad.” saad ng lalaking bisita.
Nagkatuwaan naman ang mga lalaki sa pagbibiro kay Carlo na game din sa pagbibiruan. Wala ng nagawa si Cindy sa mga dumating na gate crashers dahil naging alive naman ang party n’ya. Maya-maya ay paupo na rin ang apat nang magutom at mauhaw kakasayaw. Madaming handang pagkain si Cindy para sa party niya. Halos di nagagalaw ang mga pagkain at puro inumin ang nauubos.
“Hi! I like your bride outfit,” sabi ng isang sexing babaeng lumapit sa kanila na naka two-piece swuimsuit.
“Thank you,” sabay alis na rin ng babae na sumali na rin sa iba pang nagsasayawan.
“Grabe ang sexy naman nun,” saad ni Mary na sinusundan ng tingin ang babaeng bumati sa kanya.
“Sabi na nga ba. Magpigil ka nga. Sabi mo hindi ka tomboy,” nakasimangot na sabi ni Brian kay mary.
“Tange, nasexihan lang tomboy na agad. Di ka ba nama-machohan kapag nakakita ka ng abs?” tanong ni Mary
“Hindi no, yuck kaya ‘yon. Ano ako, bakla?”
“Nagpa-lipo ba yang mga yan? Bakit walang puson. Samantalang ako,” pagkapa ni Claire sa tiyan ay napabuntong hininga na lamang.
“Tigilan mo na yang pagkain mo para ‘di lumaki ang tiyan mo,” inagaw agad ni Carlo ang plato ng kaibigan na naiingit sa mga babaeng nakabikini.
“Ok lang sa babae yung may puson kesa walang matres. Akin na nga ang plato ko.” inis na inagaw ni Claire ang palato kay carlo.
“Ah, talaga ha.”
“Joke lang baks. Peace!”
“Di mo ba sila pupuntahan Brian?” tanong ni Mary dahil naroon pa rin ito at katabi nila.
“Sina Cindy? Hayaan mo sila doon. Mas masaya dito kasama kayo.”
“Mukhang bored na bored na si Luke. Kawayan mo kapag tumingin dito tapos tawanan natin.”
At tumingin nga si Luke. Kinawayan lang siya ni Brian at napangisi si Mary dahil sa kitang-kita sa mukha ni Luke na nababagot na ngunit ‘di niya maiwan si Cindy.
“Puntahan ko na nga. Kawawa naman,” ani Brian saka tumayo at nilapitan ang kaibigan.
“Bromance.” natatawang saad ni Mary.
“Lamon pa more Claire,” pang aasar nanaman ni Carlo.
“Sarap kaya. Walang ganito sa atin,” sabay subo ng liempo kay Carlo. “Kumain ka rin at minsan lang ito.”
“Hi pwedeng magpa-picture?” saad ng isang lalaki na lumapit sa kanila “Tara, sama kayo guys.” sigaw niya sa iba niyang kaibigan.
“Sige po. Pwede naman,” sagot ni Carlo.
Tumayo naman ang tatlo at tinawag din si Brian para kumpleto ang mga zombies. Kasama din sina Luke at Cindy at lahat ng um-attend ng party. Nahila si Cindy ng mga kaibigan niya na nag-uumpukan sa isang sulok. Nakatakas naman si Luke sa mahigpit na nobya at nakalapit sa grupo ni Mary.
“Susunduin daw ako. Tapos nasa pool party pala kasama ng mga sexy,” pang-asar na sabi ni Mary kay Luke nang magkalapit sila.
“Selos ka naman. Sorry na. Ang higpit ng gwardiya.”
“Joke lang. Ok lang yun. Buti nagpunta si Brian at nanalo kaya kami. Nakita mong pictures namin?” sabi ni Mary habang nakaakbay kay Brian
Saka inilabas ni Carlo ang phone niya at pinakita ang mga pictures sa campus at sa park.
“So, close na kayo at nakaakbay ka pa dyan,” tinapik ang kamay ni Mary para matanggal sa balikat ni Brian.
“Ano ka ba? Selos ka ba ha? Isusumbong kita kay Cindy,” saad ni Brian na kinuha muli ang kamay ni Mary at inilagay ito sa balikat niya.
“Love triangle ba itu?” nang-iintrigang sabi ni Carlo sa dalawang lalaki at kay Mary.
“Nangangamoy nga,” pag-sang-ayon pa ni Claire.
“Hoy tumigil kayong dalawa. Prang kapatid ko lang itong dalawang ito. Mas type ko yata yung sexing yun.” ngumuso si mary sa babaeng sexy na lumapit sa kanya kanina.
“Hay, tumigil ka nga dyan. Hahalikan na kita para matauhan ka,” nagmamaktol na parang bata si Brian. Ayaw pumayag na mas gusto ni mary ang babae kesa sa kanya.
“Joke lang. Baliw ka,” sabay kuskos ni Mary sa ulo ni Brian na parang bata.
“Hoy, tara na sayaw pa tayo,” Hinila naman ni Carlo si Claire. Sumama na rin ang mga boys na kaharutan kanina ni Carlo.
“Ano Mary?”
“Anung ano?”
“Pinagpalit mo na ba ako kay Brian?” kumpronta ni Luke sa babae.
“Tumigil ka ng kakaganyan? Harot mo!” lalo kasing nafa-fall ang babae sa mga sinasabi ng lalaki kahit alam niyang biro lang ito.
“May Cindy ka na di ba? Doon ka na nga. Cindy si Luke oh,” tawag ng malakas ni Brian para mapaalis si Luke sa tabi nila
Umahon naman bigla si Cindy sa pool at lumapit sa kanila.
“Why? What’s the problem here?” seryoso ang mukha nito. Halatang may inis pero walang magawa sa mga bisitang di nya ineexpect.
“Wala lang babe,” makulit lang itong si Brian. Halatang takot ang lalaki na ayaw lang na magkaeksena sa party.
Nakayapos naman si Brian kay Mary at nakahilig sa balikat nito.
“Kayo na ba?” tanong ni Cindy
“Uhm,” sagot ni Brian.
Natatawa lang si Mary at nakikinig sa kanilang usapan.
“Anong uhmm?”
“Basta uhmm. Di ba Mary?” saad ni Brian na nais pang magkumpirma si Mary sa sagot niya.
“Uhmm,” lang din ang sinagot nito.
“Parang mga baliw talaga,” umirap si Cindy saka umalis na sa tabi ni Luke.
“Hindi pa ba tayo uuwi? Nakakairita na tong make up ko.”
“Mamaya na ihahatid naman kita. Tsaka enjoy pa yung dalawa kasasayaw.”
“Bakit mo pa ihahatid? Nakakauwi naman yan mag-isa,” masungit na sabi ni Luke kay Brian.
“Gabi na kaya. Delikado ang makakasalubong nito. Baka atakihin sa puso.”
Sabay tawa ng dalawang lalaki at napasimangot naman ang babae sa pang iinis sa kanya.
“Baka mabugbog pa ako ng mga tambay sa sobrang takot sa mukha ko. Sayang naman ang kapandahan ko.”
“Tara na ihahatid na kita,” alok ni Luke sa dalaga.
“Ako na nga pare. Tatawagin ko ulit si Cindy. Sige ka,” pababanta pa ni Brian
Tumayo na si Mary para kausapin ang dalawang kaibigan at ayain nang umuwi. Hating gabi na rin at mapapagalitan na sila.
“Guys, uwi na tayo. Di pa ba kayo pagod?”
“Mamaya na 12am pa lang.”
“Kaya nga umuwi na tayo kasi 12 na.”
“30 minutes pa. Ngayon lang ako nakakita ng mga gwapo, sis. Sa campus natin walang ganyan.” saad ng beking kaibigan na enjoy na enjoy sa party.
“Oo na. 30 minutes na lang ha.” wala na syang nagawa at pinagbigyan na lang ito.
Bumalik na lang si Mary sa upuan kasama sina Brian at Luke.
“Naiinip ka na?” tanong ni Brian
“Pagod na ang zombie. Kanina pa tayo party ng party. Gusto ko nang matulog.”
Makalipas ang 30 minutes ay nagyakag na muli si Mary. Wala nang nagawa ang dalawang kaibigan kundi sumabay na rin pauwi. Inihatid sila ni Brian sa kanikanilang mga bahay na magkakalapit lang naman. Nagpaalam na sila sa ibang mga bisita at si Luke ay naiwan pa sa pool party ni Cindy.
Kinabukasan ay November 1 at walang pasok sa school. Tanghali na nagising si Mary dahil sa pagod at late na nakauwi. Bumaba siya mula sa kanyang kwarto at nagpunta sa kusina. Parang wala ang ina at ang kapatid niya. Wala siyang naririnig na kahit na anong ingay mula sa mga kasama sa bahay. Sinilip ang kwarto ng mama niya ngunit wala ito doon. Umakyat siya muli para tingnan ang kwarto ng kapatid at wala rin ito sa loob. Sa cr ay wala din at sa likod bahay.
“Nasaan kaya sila,” pagtataka ni Mary.
Idinial niya ang numero ng kapatid sa cellphone ngunit hindi ito sumasagot. Nag-send na lang siya ng text para malaman nilang hinahanap sila ni Mary. Nagluto lamang siya ng itlog at nagsaing para sa kanyang almusal sabay tanghalian na rin. Habang kumakain at nanonood ng tv ay tumunog ang kanyang phone. Binasa niya ang natanggap na text.
Trixie: Ate nasa Laguna kami ni mama. Sinama kami ng kumare niya. Hwag ka na daw gisingin kasi puyat ka tsaka taong bahay ka na lang daw.
Me: Ang galing ninyong dalawa. Gumala kayo at di nyo ako sinama. Basta mag-uwi kayo ng pasalubong.
Nakahiga siya sa sofa habang nanonood ng tv. Nang may tumawag sa kanya mula sa labas
“Mary! Mary!”
“Oh, sino yan?” napabalikwas siya mula sa pagkakahiga at nagtungo sa may pintuan.
Lucas Salcedo? Bakit sya nandito?
“Baket? Wala namang pasok! Anong ginagawa mo dito?”
Pumasok na rin si Luke kahit hindi pa sya pinapapasok ni Mary.
“Nakakabored sa bahay. Dito na lang muna ako.”
Umupo ito sa sofa at inilipat ng istasyon ang tv.
“Aba, bakit dito? Hay, ayoko pa naman ng may kasama habang nanonood,” nakapamewang na nadismaya sa pagpunta ni Luke. Akala niya ay masosolo ang bahay at ang tv pero may istorbong dumating.
“Nasaan pala sina tita at yung kapatid mo?” tanong ng lalaki.
“May pinuntahan. Taong bahay na lang daw ako. Di ako sinama.”
“Ayos, tayong dalawa lang ang nandito.” masayang saad nito.
“Anong ayos doon? Sira ka talaga.”
“Para tayo lang kakain ng pizza. Ayaw mo?”
“Anong pizza? Nasaan?” agad syang natakam ng banggitin ito ni Luke.
“Mamaya. Paparating na yun.”
“Wow! Masaya ka pala ka bonding. Juice sir, baka gusto nyo po?” alok ng babae dahil nasiyahan siyang may pa pizza ang lalaking bisita.
“Nag-order na rin ako ng softdrinks. Hwag ka nang mag-abala pa.”
“Uy, ano pa?” tuwang-tuwang sabi ni Mary
“Yun lang. 500 na kaya ‘yon. Allowance ko yun bukas.”
“Magtipid ka kasi para di lang pizza ang orderin mo. Sana may pasta at chicken din para talagang matuwa ako sayo.”
“Takaw mo naman. Daming request.”
“Papuntahin din natin si Brian para masaya.” suhestiyon ng dalaga na di nagustuhan ni Luke.
“Hwag na. Hindi masayang kasama ‘yon. Istorbo lang yun eh.”
“Malay mo mag-order ng ibang food. Para maraming food.”
Nakakasundo na rin ni Mary ang lalaking si Brian. Palabiro kasi ito at may kakulitan.
“Hwag na nga. Tayong dalawa na lang dito. Asungot lang ‘yon.”
“Si Cindy pala? Di kayo magkikita ngayon? Di kayo pupuntang sementeryo?” usisa nito sa lalaki. Alam niyang hawak ni Cindy si Luke at sinusunod ng lalaki ang hiling ng nobya.
“Umuwi ng Batanggas kaninang umaga. Doon sa lola niya.”
“Bakit di ka sumama?”
“Ayoko. Mabobored lang ako doon. Di ko naman close ang mga pinsan niya. Kahit nga sila hindi close sa isa’t isa.”
“Tao po! Mary Gonzales. Delivery po.” narinig nilang may tumawag mula sa labas.
“Ayan na. Hoy Lucas, bayad mo.”
Kinuha ni Mary ang dineliver na pizza at softdrinks. Inilapag sa center table ng sala at kumuha ng dalawang baso para sa 1.5 liter na softdrinks saka kumain ang dalawa habang nasa harap ng tv.
“Ok ba?” tanong ni Luke.
“Ok naman. Masarap siya.”
Naghanap sila ng mga movies na pwedeng mapanood sa internet. Comedy, action at rom-com ang napili nila. Pagdating ng hapon ay nagluto lang si Mary ng instant pancit canton at ininit ang natirang pizza para kainin nila ulit.
“Mary?” may tumawag ulit sa kanya sa labas.
“Sino kaya yun?”
Lumabas siya at tiningnan kung sino ang tumatawag
“Oh, Bakit nandito ka rin?” takang tanong niya sa lalaking dumating rin sa bahay niya.
“Nandiyan si Luke?”
“Oo, kanina pa. ‘Di pwedeng pumasok ang walang dala.” biro nito sa lalaki.
“Ay oo. May dala pala ako. Nasa kotse lang, kukunin ko.”
“Pasok ka na lang tapos sara mo ang gate ha.” pumasok na si mary sa bahay at hindi na hinintay si Brian.
Pagpasok ni Brian ay nagkatinginan sila ni Luke. May bitbit din itong pizza.
“Akin na to. Upo ka,” saad ni Mary at agad kinuha ang dalang kahon ng pizza.
“Bakit nandito ka?” sabay na sabi ng dalawa.
“Hoy Brian, kanina pa ako dito kaya umuwi ka na.” masungit na saad ni Luke.
“Kanina ka pa pala kaya umuwi ka na, Luke.” di naman nagpatalo ang isang lalaki.
“Pinag-aawayan nyo ba akong dalawa? Ganda ko ha. Manood na lang tayo ng payapa, ok. Boys don’t fight. Ako lang ‘to. Grabe naman kayo”
“Kapal mo!” sabay sabi ng dalawa.
Napatawa ng malakas si Mary at hinampas pa si Luke at si Brian.
“Yung pancit pala, si Brian kasi.”
Nanood naman ng movies ang tatlo ng maayos at kumain na lamang. Hindi na nagtalo pa ang dalawang binata at naka dalawang movies pa sila mula ng dumating si Brian. Alas otso na at wala pang gustong umuwi sa dalawa.
“Di ka pa ba uuwi, Brian,” ani Luke.
“Naka dalawang movies pa lang ako. Ikaw yata, nakaapat na, umuwi ka na.” pagtatalo nanaman nilang dalawa.
“Di ko kayo iiwan na dalawa baka kung anong mangyari sa ‘yo.”
“Sa kanya talaga? Si Brian talaga ang inaalala mo?” ani Mary
“Kaya ko ang sarili ko no. Kung may gawin man sa akin si Mary, nasa akin na ‘yon kung papayag ako o hindi,” sagot pa ni Brian sa kaibigan.
“Wow! Kakahiya sa inyong dalawa ha. Ako pa ngayon ang may gagawing masama. Sipain ko kaya kayo. Mabuti pa at umuwi na kayo at uuwi na rin sina Mama. Malisyosa pa naman ang kapatid ko.”
Hinila niya ang dalawa at tinulak-tulak pa palabas ng pinto para lang umuwi na.
“Ang kulit mo kasi. Pinaalis tuloy tayo,” saad ni Luke
“Ikaw nga diyan eh.”
“Sige na. Hwag kayong mag-away ha. Salamat sa pizza. Bye!” paalam ni Mary sa dalawang makulit na lalaki na panay ang pagtatalo hanggang sa pag-uwi.