Kinabukasan ay nagising ng maaga si Mary.
“Alas singko pa lang pala. Pero nakakahiya kaya aalis na ako kahit maaga pa.”
“Iha, dito ka pala natulog,” bati sa kanya ng Mama ni Luke na biglang lymabas myla sa kwarto nito.
“Opo kasi 11 na po kami natapos ni Luke tapos ayaw po akong bayaran sa hiniram niya na 100.” sumbong pa niya.
“Naku, talaga ‘yang batang ‘yan. Sige, ok lang naman at sana sa guest room ka natulog. Pero kumain ka muna bago ka umalis. Magluluto na si Manang ng almusal.”
Nakiligo muna siya sa guest room. Binilinan lang siya ni Mrs. Salcedo na tutukang maigi ang pag-aaral ni Luke at inabutan siya nito ng 500 para sa utang ni Luke at para sa iba pa niyang panggastos.
“Thank you po ulit Ma’am. Sobra-sobra po ito,” nahihitang saad ng talaga pero hindi na niya matanggihan ang pera na kailangan nya rin.
“Naku wala ‘yan. Basta makapasa si Luke at turuan mong mabuti.”
Pagkaligo ay isinuot niya ulit ang pantulog na hiniram kay Luke at umakyat siya sa kwarto ng binata ng dahan-dahan.
“Luke, pahiram ulit ng damit ha.”
“Ano ba ‘yan? Uubusin mo bang mga damit ko? Sige na, kumuha ka na d’yan.”
“Daming sinasabi. Pangalawa pa lang naman ‘to,” bulong niya sa sarili.
Pumasok siya sa walk-in closet ni Luke na well organize ang gamit. Sama sama ang magkakakulay na shirts at kumuha ng isang white t-shirt. Paghubad ng suot niyang tshirt ay bumukas ang pinto nito.
“Hoy ano ba?” agad niyang tinakpan ang kanyang dibdib ng hinubad na damit.
“Ito oh, maliit na sa akin ito,” sabay hagis ng isang blue na tshirt na Gues kay Mary. Parang balewala naman dito na nakitang naka-bra lang ang dalaga. Pagkasuot ng damit ay lumabas agad si Mary sa walk in closet.
“Bakit naninilip ka?”
“Sabi ko sa ‘yo kahit maghubad ka sa harapan ko, balewala sa akin. Mas Malaki pa dyan ang nakikita ko.”
“Maniwala? Nakakita ka na? Kanino?”
“Tsismosa. Ang aga mo naman mang-istorbo ng natutulog. Ganyan lang suot mo? Yang pajama ko?”
“Ok naman ha. Parang slacks kasi itong pajama mo tapos tshirt. Ituck-in ko lang ‘to at yung sneakers ko. Ayos na at ang astig kaya,” habang nakatingin sa sarili sa salamin na sumasayaw-sayaw pa.
“Pasaway ka. Alis na nga.”
“Tara kain na tayo ng almusal. Bumangon ka na. Sabayan mo ko,” pangungulit nito sa binata.
“Ang aga pa. Ang kulit mo!”
“Sige na. Bilisan mo na. Ayokong bumaba mag-isa. Nahihiya ako sa mama mo.”
Bumangon na rin si Luke dahil sa pangungulit ni Mary. Nagulat naman ang Mommy ni Luke sa maagang pagbangon ng anak
“Ang aga mo ha. Papasok ka na rin ba?” tanong ng ina.
“Hindi ha. 9am pa ako di ba. Si Dad nandyan pa?” tanong ng binata sa ina.
“Nakaalis na at hindi na nga nakapag-almusal. Alam mo naman yang daddy mo, work lagi ang nasa isip.”
“Lagi naman siyang ganyan. Walang time sa atin.”
“Hayaan mo na. It’s for you din naman ‘yon. Sa inyo ng kapatid mo,” paliwanag ng ina kay Luke na nais ng atensyon mula sa ama.
“Right mom.” maangas na pagsang-ayon na rin niya sa ina at wala rin naman syang magagawa pa.
Pagkakain ay nagpaalam na si Mary na papasok na sa school. Nagtext na lang ito kay Luke na sa canteen na lng sila mag-aral sa araw na iyon at hwag na sa bahay ni Luke dahil nalalayuan siya rito.
Mary: ayoko na ring makitulog dyan at nakakahiya sa mama mo.
Sumagot lang ng ok si Luke sa kanya.
Sa first subject ni Luke ay sinilip ito ni Mary. Kinawayan niya ito ngunit hindi naman siya pinansin ng lalaki. Akala niya ay close na sila ng lalaki at magiging magkaibigan pero ang sungit talaga nito sa kanya. Umismid naman ang dalaga saka umirap at umalis na lang.
Sa second subject naman ng lalaki ay naki-sit in si Mary sa math subject ni Luke habang naka break time siya at walang klase. Nasa bandang hulihan siya umupo malapit sa pinto.
“Ms. Mary Gonzales, can I help you?” tanong ng teacher sa kanya.
“Binabantayan ko po si Luke para hindi mag-cutting classes.”
Nagtawanan ang mga kaklase ni Luke at tumingin ng masama kay Mary ang binata. Narealize niyang mali ang ginawa niya at ang sinabi niya. Napahiya si Luke at malamang na galit ito sa kanya. paniguradong suaungitan sya nito.
“Alright. Speaking of you, Mr. Salcedo? Don’t skip on your special classes. First grading pa lang naman ang ibinagsak mo kaya makakahabol ka pa.” bilin ng kanyang teacher.
“Yes sir. Thank you po sir.”
Natapos ang klase at palabas ang dalawa sa room
“Ano bang problema mo at bakit mo ako binabantayan? Pinahiya mo pa ako sa klase ko. Nang-iinis ka ba?” galit na sabi ni Luke at masama ang tingin kay Mary.
“Eh, sorry. Nabigla kasi ako ng tanungin ako ni Sir eh.” paliwanag ni Mary sa binata.
“Nakakainis ka talaga. Kapag hindi ka umayos, papapalitan kita kay Mommy.” banta nito sa dalaga dagil sa sobrang pagkapahiya.
“Uy, hwag naman kailangan ko ito e. Pang tuition ko ‘to kaya nagtututor ako sa ‘yo. Sorry na ”
“Kaya ayusin mong buhay mo at hwag ka nang lumapit-lapit pa sa ‘kin. Mamaya na tayo magkita pwede at ayokong may makaalam na tinuturuan mo ako,” naglakad na ito ng mabilis palayo kay Mary
“Sungit naman,” saad niya sa sarili.
Pumasok na ulit sila sa kani-kanilang klase nila at nang matapos na ang klase ni Luke ay nag-umpisa na silang mag-aral ng math. Nasa labas sila ng canteen at may mga upuan doon.
"Dito na lang tayo mag aral at ano namang masama kung malaman ng iba na nagpapatutor ka?"
"Oo na. Dito na nga lang."
"Korek. Di naman yun big deal. Matutuwa pa ang mga nakakakita sayo na nag aaral ka."
"Oo na. Ingay mo nanaman."
Malapit na silang matapos ng may lumapit kay Luke.
“Hi Luke, ang sipag mo namang mag-aral.”
“Hi! Kailangan eh para makagraduate.”
Napataas naman ang dalawang kilay ni Mary dahil sa malambing na sagot ni Luke sa magandang estudyanteng lymapit at kinausap ang binata.
“Invite sana kita sa 16th birthday ko. Punta ka ha.” sabay abot ng invitation ng babae
“Syempre naman. Malakas ka sa akin. Pupunta ako.”
Saka umalis ang isang 4th year student din na katulad nila. Maya-maya ay may lumapit nanaman sa kanya.
“Uy, bagong buhay pare?” natatawang saad ni Brian na kaibigan ni Luke
“Hwag kang magulo at nag-aaral ang tao.”
“Sungit talaga nitong pare ko na ‘to. Hi miss! I’m Bryan,” pakilala ng isang lalaking estudyante kay Mary.
Ngumiti naman si Mary sa lalak na bumati sa kanila.
“Hindi yan miss. Lalaki kya ‘yan. ‘Di ba halata?” sabat ni Luke sa lalaking kausap na tatawa tawa.
“Ows talaga ba? Tomboy ka? Sayang naman.”
Napatawa lang si Mary at di na sumagot pa.
“Doon ka na. Pang-gulo ka lang e,” naiinis na sabi ni Luke sa kaibigan.
“Sige, kita tayo mamaya ha.”
“Oo na.”
“Bye miss.”
Kumaway lang si Mary nang paalis na si Bryan
“Akala mo naman magkakagusto ‘yon sa ‘yo. Magaganda lang ang nagugustuhan ni Bryan.”
“May sinabi ba ako? Masama bang ngumiti at kumaway. Ang laki ng problema mo ‘no kaya mag-aral kang mag-isa at gawin mo ‘yang mga assignments mo mag-isa,” sabay alis niya kahit hindi pa sila tapos mag-aral. Napikon si Mary sa lalaking masyado syang iniinis.
Dumiretso ang babae sa karinderiya ng ina. Tumulong sa pagtitinda at pagliligpit kasama ang ina at kapatid. Mga bandang alas sais at pasara na sila nang may tumigil na sasakyan sa tapat ng kanilang tindahan. Nagkatinginan ang magkapatid at nagtatakang may dalang magandang sasakyan pa ang kakain sa kanilang karinderya. Pagbaba ng nakasakay sa kotse ay tumingin ito ng matagal kay Mary.
“Sino yun ate? Kilala mo ba? Nakatingin sayo at ang gwapo,” usisa ni Trixie na kapatid ni Mary
“Hay, yung lalaking pasaway na tinututuran ko.”
Papalapit naman ang lalaki sa kanila.
“Pauwi na po ba kayo? Ihahatid ko na po kayo sa inyo,” anyaya ni Luke sa ina ni Mary.
“Hwag na, madami kaming dala at magta-tricycle na lang kami,” pagtanggi at masungit na sagot ni Mary.
“Oo nga iho, hwag na,” pagtanggi rin ng Mama ni Mary ngunit malumanay ang pagsasalita.
“Hoy, umuwi ka na Mr. Salcedo,” pagsusungit pang muli ni Mary sa lalaki
“’Di ba sa inyo tayo mag-aaral? Kaya ihahatid ko na kayo.”
“Oo nga Ma, ate. Ano ba kayo? Magpahatid na tayo. Ang dami nating dala at ang hirap sumakay sa tricycle,” sabat pa ni Trixie na intrimitida.
“Hay tumigil kang bata ka. Hindi ka na nahiya,” saway ng kanilang ina sa batang babae
“Sige, sakay ka na,” saad naman ni Luke sa bata.
“Yes! Bahala kayong dalawa d’yan. Sasakay na ako.”
Binitbit naman ni Luke ang ibang gamit na dala ng mama ni Mary at isinakay na sa likod ng kotse niya. Kaya napilitan na rin silang sumakay dito at magpahatid sa kanilang bahay.
“Hoy, teka wala akong sinabi na mag-aaral tayo sa amin. Bakit mo oa ako pinunrahan?”
“Bakit mo ko iniwan? ‘Di pa tapos ang mga assignments natin. Tsaka hindi pa ako kumakain. Balita ko masarap ang pagkain nyo.”
"Balita mo lang pero ni minsan di ka kumain dito," pagtataray pa ng dalaga at sinaway naman sya ng kanyang ina.
“Ganun ba? Naku sa amin ka na nga kumain at may mga natira pa naman sa mga luto ko.” anyaya ng ina ni Mary na may kasama pang ngiti sa mga labi nito.