"BAKIT ganyan ka makatingin sa akin?" tanong ko kay Rafael habang nagbo-blower ako ng buhok ko. Nakaharap ako sa salamin samantalang siya ay nakatitig sa akin. "You're very beautiful." Ngumiti ako sa kanya. "Thank you." Kanina pa niya ako sinasabihan na maganda, at kahit paulit-ulit niyang sinasabi iyon ay masarap pa rin pakinggan. Nagpabago ako ng style ng buhok ko para sa gaganapin na pageant bukas. Ito ang pang-final preparation ko para bukas at sisiguraduhin kakabugin ko si Jane. Hindi siya nakatiis. Hinawakan niya ang balikat ko at saka inamoy ang leeg ko. Tamang-tama dahil bagong paligo ako. "Ang bango-bango mo." Sabay dinilaan niya ang leeg ko. Umakyat ang kuryente sa katawan ko nang maramdaman ko ang dila niya sa leeg ko. Kinagat ko ang ibaba ng aking labi upang pigilan ang i