"Hindi pa rin ba dumarating si Rafael?" Hindi na maipinta ang mukha ko nang tanungin ko ang katulong namin. Alas-tres na ako ng hapon umuwi ng bahay dahil bumisita ako sa restaurant ko. Ilang araw na rin kasi akong hindi bumisita roon, ngunit nakatulog na ako lahat-lahat ay wala pa rin si Rafael. Umiling ang katulong namin. "Hindi pa rin po siya dumarating." Sinipat ko ang relong pambisig ko at nakita kong alas-otso na nang gabi. Ibig sabihin lang ay buong magdamag na siyang hindi umuuwi. "Sila Mommy, nandiyan ba?" "Hindi po sila umalis ng bahay." "Okay, kapag dumating si Rafael ay tawagin n'yo agad ako." "Yes! Ma'am." Bago ako tumalikod ay tinawag ako ng katulong namin. "Sandali lang po Ma'am!" Huminto ako. "Bakit?" "Nakapagluto na po ako ng pagkain. Kumain na po kayo." "Thank