“Chin up!” umaalingawngaw na sigaw sa akin ng baklang nagtuturo sa’kin kung paano maglakad sa entablado. Pinilit kong maglakad kahit tila madadapa ako sa suot kong stilettos. Naghalo na rin ang pawis ko at sa luhang lihim kong tinatago ko sa baklang si Teroy. I want to curse him, and break his neck tulad na lang nang ginagawa ko sa mga lalaking nagtangkang pambabastos sa’kin sa Amerika.
Kasabay nang pagpitik ng kanyang kamay ay ang sunod-sunod na reklamo niya sa ‘kin. “Hindi ka pa rin natuto? Sumasakit na ulo ko sa ‘yo isang linggo na natin pinapraktis ang paglalakad, bakit hindi mo pa rin masaulo!” halos yumanig ang boses niya sa loob ng malaking silid.
Huminto ako at mariin tinikom ang kamao ko sa inis. Konti na lang talaga ay sasapakin ko na siya.
Namaywang siyang humarap sa ‘kin at tinaas ang kilay niya. “Hindi mo ba alam isang araw lang ko lang ‘yan itinuro kay Belinda ikaw isang linggo hindi mo pa rin kayang gawin maglakad ng maayos.”
Pailalim ko siyang tinitigan bakit kasi kailangan kong matutunan ang paglalakad ni Belinda puwede namang idahilan na naapektuhan nang pagkakasakit ang paglalakad ni Belinda.
”Ano? Hindi ka pa kikilos diyan?” sigaw niya.
Kinuha ko ang towel kong nakasampay sa gilid ng upuan pagkatapos ay naglakad ako palabas ng silid na ‘yon.
”Bella! Come back!” sigaw ni Teroy
Hindi ko siya pinakinggan sa halip ay dumiretso akong lumabas at sumakay sa kotse ko. Pinaharurot ko palayo ito hanggang sa makarating ako sa hospital, kung saan magtatatlong buwan ng nakaratay si Belinda.
Naabutan kong kinakausap ng Doktor si Mommy. Lumapit ako sa kanila.
”Bella, your sister.” Sabay yakap sa ‘kin ng mahigpit ni Mommy.
Niyakap ko ng mahigpit si Mommy upang pagaanin ang loob niya. Alam kong sobrang bigat ng dinadala niya.
”Mom…”
Kumalas si Mommy sa pagkakayakap sa ‘kin nang marinig namin ang boses ni Belinda. Sobrang payat ni Belinda, nangingitim ang gilid ng kanyang mga mata. Hindi na rin niya kayang ikilos ang kanyang katawan. May stage 4 lung cancer si Belinda. Kahit anong dami ng pera ay hindi namin kayang dugtungan ang kanyang buhay.
Hinawakan ni Mommy ang palad ni Belinda at hinalikan. “What can I do for you?” saad ni Mommy.
”I want to talk to my twin sister, Bella,” tumingin siya sa ‘kin. “B-Bella..”
Parang nadudurog ang puso ko na makita ang kakambal kong nilalabanan ang kamatayan. Nararamdaman kong anumang oras ay mawawala na siya sa amin, at kahit alam namin na mawawala na siya hindi pa rin madali sa ‘min tanggapin ang bagay na ‘yon.
Pilit akong ngumiti sa kanya nang lumapit ako sa kanya. “Belinda.”
Sa kabila ng hirap na nararamdaman ni Belinda ay nakuha pa rin niyang ngumiti sa ‘kin. “Promise me, Belinda, you will take care of my husband.”
Tutol ako sa gustong mangyari ni Belinda, dahil sa gagawin ko ay para na rin namatay ang katauhan ko. Ako ang papalit bilang wife ng asawa niya, ngunit para sa kakambal na malapit ng mawala sa mundo ay wala kang magawa kung hindi ang sumunod sa gusto niya.
Tumango ako. “Gagawin ko ang lahat para hindi niya malaman ang totoo.”
Ngumiti siya. “Thank you, nararamdaman kong hindi na ako magtatagal sa mundo.” Tumulo ang luha niya. “Mom, Bella, pagod na ako, gusto ko ng magpahinga.”
Humagulgol ng iyak si Mommy maging ako ay hindi ko mapigilan na tumulo ang luha sa sinabi niya.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. “Huwag kang susuko, kaya mo ‘yan.”
”H-Hindi ko na kaya, I-Im sorry.”
”Belinda! Don’t sleep!” Umiyak nang malakas si Mommy.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay ni Belinda. “Belinda! Don’t close your eyes!”
Tumawag ng Doktor si Mommy upang puntahan si Belinda.
”I-I love you both…”
Tuluyan ng pumikit si Belinda.
”Belinda!” sigaw namin dalawa ni Mommy.
Sinubukan i-revive si Belinda ngunit tuluyan na itong sumuko. Labis ang sakit na nararamdaman namin ni Mommy ngayon. Sobrang sakit na mawalan ng mahal sa buhay lalo na’t identical twin mo pa, parang kalahating buhay ko ay nawala na rin.
DAHIL na rin sa naging habilin ni Belinda. Hindi namin ipaalam sa ibang tao na namatay na siya. Ang pamilya at kamag-anak lang namin ang nakakaalam nang nangyari kay Belinda. Pina-cremate namin ang katawan niya dahil na rin sa kagustuhan niya.
”Anong plano mo ngayon?” tanong ni Mommy, habang nakatayo kami sa pinaglagyan ng urn ni Belinda.
”Susundin ko ang huling habilin ni Belinda. Magpapanggap ako bilang siya.”
Tumingin sa akin si Mommy. “Sana hindi ka mahalata ni Rafael.”
”Gagawin ko ang lahat para hindi niya ako mahalata.”
Mula nang mag-aral ako ng college sa Amerika ay mas pinili kong doon na rin manirahan. Naging busy ako sa trabaho kaya hindi ako umuwi ng Pilipinas. Maging ang mga espesyal na okasyon ay hindi ako umuwi, maging ang civil wedding ni Belinda ay hindi ako um-attend. Umuwi lang ako nang malaman kong may sakit si Belinda. Huli na ang lahat dahil konting panahon lang ang binigay sa ‘min para makasama ko siya at ‘yon ang isa sa pinagsisihan ko.
Bumuntong-hininga si Mommy. “Nami-miss ko ang kambal mo.” Nagsimula namang tumulo ang luha ni Mommy habang nagsasalita siya. Hindi ko siya masisi dahil si Belinda ang kasama niya nang matagal.
Marahan kong hinimas ang balikat ni Mommy. “Mom, tanggapin na lang natin na kinuha si Belinda ni God.”
Pinunasan ni Mommy ang luha niya sa pisngi. “Ma-iwan na akong mag-isa sa mansyon dahil doon ka titira sa bahay nila Rafael.”
”Mom, malapit lang naman ang Maynila puwede naman kayong bumista kahit araw-araw o puwede akong bumisita sa ‘yo.”
”Kung hindi ko lang inaalala ang huling habilin ni Belinda sa ‘yo hindi ako papayag na pumunta ka ng Manila.”
”Alam mo naman na ginagawa ko lang ‘to para sa kakambal ko.”
”Paano ang buhay mo? Para ka na rin patay.”
”Mom, hindi naman ako magpapanggap ng matagal kapag nakaisang taon na si Belinda ay sasabihin ko na rin ang totoo sa asawa niya. May karapatan si Rafael na malaman ang totoong nangyari sa asawa niya.”
Tumango si Mommy. “Mag-iingat ka sa Manila.”
Sinuklay ko ang buhok ni Mommy at ngumiti ako sa kanya. “Huwag n’yo akong alalahanin kaya ko ang sarili ko.”
Muling tumingin si Mommy sa puntod ni Belinda. “Hindi man lang siya nagkaroon ng anak bago nawala.”
Hindi ako kumibo sa sinabi ni Mommy. Kung nagkaroon siguro ng anak si Belinda hindi siguro siya mag-iisip na magpanggap akong siya.
Isa-isa kong nilalagay sa maleta ko ang mga gamit ko. Naghahanda na ako pabalik ng Manila. Dinala ko lang ang mga importanteng gamit ko dahil mga gamit ni Belinda ang gagamitin ko kapag nasa Manila na ako.
”Bella, anak!” Narinig kong sigaw ni Mommy habang kumakatok siya sa pintuan ng kwarto ko.
Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Mommy na may hawak na kulay puting box. “Mga gamit ito ni Belinda, dalhin mo na ‘to dahil magagamit mo ang mga ito.” Inabot sa ‘kin ni Mommy ang puting box.
Mga Atm card at mga alahas ang laman ng box na ‘yon. “Kailangan ko ba itong dalhin?”
Tumango si Mommy. “Makakahalata si Rafael kapag hindi mo ginamit ang mga alahas na regalo niya kay Belinda.”
Maganda lahat ang mga alahas ni Belinda at masasabi mong mahal ang presyo ng mga ito.
”Sige, dadalhin ko na rin ang mga ito. “Muli kong ipinagpatuloy ang pagliligpit ng mga gamit ko habang si Mommy ay pinapanood ako.
Bumuntong-hininga siya. “Gusto sana kitang makasama anak…”
Tumingin ako kay Mommy. “Babalik naman ako rito para kunin ka.”
”Hindi ko maiiwan ang lugar na ‘to nandito ang puntod ng Daddy at kapatid mo. Bumalik ka at isama mo si Rafael. Hindi pa nakakapunta si Rafael dito simula nang mag-asawa sila ni Belinda.”
Mabuti nga si Mommy nakita na niya ang asawa ng kakambal ko. Ako kahit sa larawan ay hindi ko pa siya nakikita. Hindi ko alam kung bakit hindi pinapakita ni Belinda noon ang larawan ng kanyang asawa sa tuwing nagkakausap kami.
Ngumiti ako. “Hayaan n’yo Mommy, pupunta kami rito para dalawin si Belinda.”
Niyakap ako ni Mommy. “Good luck, anak.”
Hinimas ko ang likod niya. “Thank you, Mom, mag-iingat ka rito.”
ILANG BESES akong bumuntong-hininga bago ako bumaba ng kotse. Ito ang unang beses ko na makilala ko ang asawa ni Belinda. Tiningala ko ang mataas at malawak na mansyon ni Rafael at Belinda.
Ang laki pala ng mansyon nila.
”Ma’am, hindi po ba kayo papasok?” tanong sa ‘kin ng isang katulong na nakasuot ng kulay asul na uniforme ng katulong.
Tumingin ako sa kanya. “Later, magpapahinga lang ako saglit.”
”Okay, Ma’am.” Tinawag ng katulong ang isang matandang lalaki upang bitbitin ang mga dala kong gamit.
Ang alam ng mga tao sa loob ng mansyon ay nagkasakit si Belinda nang magbakasyon siya sa Probinsya.
”Hey!” Tawag ko sa katulong.
Humarap sa ‘kin ang katulong. “Ako po ba?” Turo niya sa sarili.
”I forgot your name.”
”Felia po ang pangalan ko at yung lalaki na nagbitbit ng mga gamit niyo ay si Temyong.”
Tumango ako. “Pasensya na dahil naging makakalimutin ako dahil sa mga gamot na pinainom sa ‘kin,” alibi ko.
”Okay lang po ‘yon Ma’am, sinabi na rin ni Sir. Rafael na marami nga kayong mga bagay na nakalimutan.”
”Thank you.”
”Ihahatid ko na po kayo sa kuwarto n’yo.”
Tumango ako sa kanya at pagkatapos ay sumunod ako sa kanya para puntahan ang kuwarto nila Belinda.
Mukhang kailangan kong kabisaduhin ang pasikot-sikot ng bahay.
”Magpahinga na po kayo Ma’am, mamaya pa darating si Sir. Rafael.”
”Salamat.”
Nang umalis ang katulong ay humilata ako sa kama. Sobrang napagod kasi ako sa biyahe dahil sa matinding traffic mula sa probinsya hanggang sa mansyon nila. Hindi ko na namalayan na nakatulog ako.
Nagising ako dahil sa malakas na ingay. Kinapa ko ang phone ko pero wala naman tumatawag sa ‘kin. Muli kong ipinagpatuloy ang tulog ko pero hindi naman tumigil ang tunog sa phone.
Bumangon ako. “Letche naman!”
Hinanap ko ang pinagmulan ng ingay at nakita ko ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng table. Bigla kong naalala na cellphone ‘yon ni Belinda at nagpapanggap pala akong siya.
Rafael calling…
Agad kong sinagot ang tawag ni Rafael.
”H-Hello.”
”Sweetheart, bakit ang tagal mong sagutin ang tawag ko?”
Ang baduy naman ng endearment nila.
”A-Ah, tulog kasi ako napagod ako sa biyahe. “Pinipilit kong pakalmahin ang boses ko kahit nanginginig na ako sa sobrang kaba.
”Oh, I’m sorry kung naistorbo kita. Sobrang na-miss kasi kita. May pasalubong pala ako sa’yo.”
“A-Ano ‘yon?”
”Open the door.”
Parang slow motion akong tumingin sa pintuan. Kapag binuksan ko ang pinto ay makikita ko ang asawa ni Belinda. Ang bilis ng kaba ng dibdib ko dahil sa kaba at takot na baka mahalata ako.
”Sweetheart, nandyan ka pa ba?”
”Y-Yes, open ko lang ang pinto.”
”Okay, maghihintay ako.”
Pakiramdam ko nakalutang ang mga paa ko habang naglalakad ako palapit sa may pintuan. Nangingig ang mga kamay kong pinihit ang seradura ng pinto.
Ano ka ba? ‘wag kang masyadong kabahan.
Slow motion para sa ‘kin nang buksan ko ang pinto.
”Hello, Sweetheart, welcome home.” Nakangiting sabi ng guwapong lalaki na may bitbit na kulay brown na teddy bear na kasing laki ng tao.
Nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat nang makita ko ang lalaking asawa ni Belinda. Nabitawan ko ang cellphone ko sa pagkagulat.
No, hindi ito pwedeng mangyari!
”What’s wrong?” takang tanong ni Rafael.
Lumunok ako habang nakatitig sa kanya. Para akong istatwa nang yakapin niya ako ng mahigpit.
Rafael Velasco Arkillar.
Paanong hindi ako magugulat? Nasa harap ko ngayon ang lalaking kumuha ng virginity ko noong nasa college ako.
Oh, s**t!