NAKAHARAP ako sa harap ng salamin habang nilalagyan ko ng lipstick ang labi ko. Kulay pula ang kulay ang shades niya kaya bumagay ito sa suot kong damit na kulay puti. Itinali ko ang buhok ko upang malinis tingnan. "I'm ready!" Sabay titig ko sa salamin. Kinuha ko ang maliit ngunit mamahalin kong bag upang maging kapareho ng suot ko. "Manang!" tawag ko sa katulong. Agad namang lumapit sa akin ang katulog. Halatang nagmadali siya dahil basa ang suot na palda niya. Pinagmasdan ko siya. "Kapag may naghanap sa akin lalo na ang asawa pakisabi naghanap ako ng Afam." "Po?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Tama ang narinig mo, sabihin mo naghanap ako ng Afam para magwala sa galit ang asawa ko." Pailalim ko pa siyang tinitigan bago ako umalis. "Ma'am! Sandali lang!" Hindi ko siya pinakinggan