CHAPTER 2

1632 Words
Dahan-dahan kong kinuha ang gown na nagmukhang basahan dahil sa nagusot at naipit sa ilalim ng upuan ng kotse. Habang sinusuot ko ito ay nakatingin ako sa tulog na si Rafael. Ingat na ingat akong huwag siyang magising dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nang tuluyan na akong nakalabas ng kotse ay pumasok ako sa loob ng bahay ni Thesa. Mga tulog pa ang mga ito sa sofa dahil sa kalasingan at ang tanging gising ay ang kasambahay nila. "Kukunin ko lang ang pouch ko." "Kumain muna kayo bago umalis." Umiling ako sa kanya. "Nagwawala sa galit ang Mommy ko kailangan ko ng umuwi ng maaga,"alibi ko. "Mag-iingat po kayo." "Maraming salamat." Bumalik ako sa kotse saka sumakay. Binilisan ko ang pagmamaneho ng kotse ko para makarating ako sa bahay. Bukod sa inaantay ako ni Mommy, gusto ko na rin matulog dahil sobrang nahihilo ako. Humigit kalahating oras ang ginugol ko sa biyahe. Mabilis naman akong nakarating dahil walang traffic. "Senyorita, saan po kayo galing? Kagabi pa kayo hinahanap ng Mommy niyo," bungad na sabi ng kasambahay namin na nagbukas ng gate namin. "Gising na ba si Mommy?" "Nakatulog na siya kahihintay sa iyo. Kumain muna kayo bago matulog." "Dalhan n'yo na lang po ako ng kape sa kuwarto ko." Sunod-sunod ang naging tango niya sa akin. "Okay, Senyorita." Dumiretso ako sa loob ng kuwarto ko. Pagdating ko sa kuwarto ko ay agad kong hinubad ang suot kong gown at hinagis sa laundry basket. Wala akong suot na damit ng tumapat ako sa shower. Ang tanga mo talaga! Ang tagal kong nakikipag-inuman sa mga barkada, at marami na rin akong nakasama pero kahit kailangan hindi ko nagawang makipagtalik sa lalaki. Ngayon lang ito nangyari sa akin. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa lalaking magiging asawa ko. Ilang beses kong kinuskos ang katawan ko nang sa gano'n ay hindi ko maramdaman ang halik na pilit na sumisiksik sa aking isip. Hindi mawala sa isip ko ang mga sandali ng aming pagtatalik. Bakit hindi ka mawala sa isip ko. Mahigit isang oras akong nasa loob ng banyo ng mapagpasyahan kong lumabas ng bangyo.Nakita ko sa ibabaw ng table ang umuusok na kape. iniinom ko iyon habang nagbo-blower ako ng buhok. "Bella!" Huminto ako sa pagbo-blower ng buhok nang marinig ko ang boses ni Mommy sa labas ng kuwarto ko. Alam kong nalaman niyang dumating ako, marahil ay sinabi ng kasambahay namin. Nilugay ko muna ang mahabang buhok ko upang hindi makita ang tattoo ko sa batok at likod. Walang alam si Mommy na nagpalagay ako ng tattoo at kapag nalaman niya ay siguradong magwawala siya sa galit. "Good morning, Mom," sabi ko nang buksan ko ang pinto. Kasing taas na yata ng building sa Makati ang kilay niya nang tumingin siya sa akin. Nakapameywang pa ito. "Bakit ngayon ka lang umuwi? Alam mo ba kung anong oras na?" Bumuntong-hininga ako. Umpisa naman kami ng paliwanagan ni Mommy dahil siguradong may mahabang sermon naman siya sa akin. "After ng party namin sa school, pumunta kami sa birthday ng classmate ko. Nagkayayaan ng inuman kaya nalasing kami. Hindi na kami pinauwi ng Mommy niya," alibi ko. "Masyado ka naman yatang friendly, at lahat na lang ng kaibigan mo na may birthday party pinupuntahan mo. Tuwing friday pa tumatapat ang birthday ng kaibigan mo." panunuya niya. "Mom, mamaya mo na lang ako sermunan dahil talagang inaantok na ako." Kung hindi ko puputulin ang panenermon niya sa akin ay baka abutin kami ng maghapon ay hindi pa siya tapos sermunan ako. Kung magsermon pa naman si Mommy ay parang may storytelling. Magmula noong bata ako hanggang pagtanda ko ang sermon niya. "Bella!" sigaw ni Mommy. "Mom, kung ngayon n'yo ako sesermunan hindi ko iyan maipapasok sa utak ko dahil nahihilo at inaantok na talaga ako." "Magtutuos tayong dalawa mamaya!" Tumalikod siya sa akin at nagmartsa paalis. Bumutong-hininga ako at sinarado ang pinto ng kuwarto ko. Inubos ko muna ang kape bago ako nakatulog. Nagising ako ng alas-kuwarto ng hapon. Sa haba ng tinulog ko ay nakalimutan ko ng kumain ng breakfast at lunch. Kumakalam na ang sikmura ko nang bumangon ako para maligo. Imbes na lumabas para kumain ay mas inuna kong maligo at mag-toothbrush. Tunog nang tunog ang cellphone ko nang lumabas ako ng banyo. Agad kong kinuha ang cellphone ko para tingnan kung sino ang tumatawag sa akin. "Hello, Thesa?" "Bella, bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko kanina pa ako tumatawag sa iyo." "Kagigising ko lang bakit ba?" "Hindi ka namin naabutan nang magising kami." Inangat ko ang kilay ko. "Tinawagan ako ni Mommy at galit na galit sa akin kaya hindi ko kayo hinintay na magising. Ano ba ang problema?" alibi ko. "Hinahanap ka ng pinsan ni Andy." Bakit kailangan niya akong hanapin? "Baka nagandahan sa akin 'wag mo niyong sasabihin kung saan ako nakatira tatablahin ko kayo." "Sinabi ko nga kay Andy na 'wag sabihin dahil magagalit ka." "Tama, dahil kapag tinuro n'yo ang address ko, isusumbong ko kayo sa mga magulang n'yo." "Don't worry hindi namin sasabihin kung saan ka nakatira." "Good, tatawag na lang ulit ako sa iyo mamaya kakain muna ako." "Okay, bye." Nagbihis ako ng damit at lumabas ako ng kuwarto para kumain. Huminto ako nang makita ko si Mommy at Belinda na kumainan. Aatras sana ako ngunit lumingon naman si Mommy. Sumimagot siya. "Mabuti naman at nagising ka na." Sabi niya sa akin." Napilitan akong lumapit sa kanilang dalawa. "Kambal, kumain ka na," wika ni Belinda. Kinuhanan siya ng plato at nilagay sa table. Napilitan akong tumabi kay Belinda at nagsimula na akong kumain. "Bella, tumawag pala sa akin ang professor mo na si Ma'am Valesia." Bigla akong humito sa pagkain at tumingin kay Mommy. Kinakabahan na ako sa posibleng sinabi ng professor ko. "Anong sinabi niya?" Sumeryoso ang mukha na Mommy. Napansin ko rin ang kuyom niyang kamao. Ano kayang sinabi ni Ma'am Valesia? "Totoo ba na nag-drop ka raw sa subject niya?" Tumingin sa akin si Belinda. "Next semester na lang ako kukuha ng subject niya. Hindi kami magkasundo ni Ma'am. Valesia." "Baka akala mo hindi ko alam kung anong kalohan ang ginagawa mo? Lagi kayong nag-cutting class ng mga classmate mo? Bakit mo ginagawa 'yon, anong problema mo?" "Mom, relax lang po kayo sinisigurado ko naman na lagi akong present tuwing exams namin." "Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Bella?" Tumahimik ako, maging si Belinda ay nanahimik rin dahil galit na galit na si Mommy." "I'm sorry." "Kung babagsak ka sa dalawang subject mo mapipilitan akong dalhin ka sa Amerika para ang mga Lola mo ang bahalang dumisiplina sa iyo." "Mom, pagbigyan n'yo na si Bella." "Manahimik ka Belinda!" Yumuko so Belinda. "I'm sorry, Mom." "Magtapat ka nga sa akin, matagal mo na bang alam ang ginagawang kalokohan ng kakambal mo?" Tumango siya habang nakayuko. Natampal ni Mommy ang mukha sa labis na inis sa akin. Hindi ko siya masisi dahil kasalanan ko naman talaga. "Bakit hindi ka gumaya sa kakambal mo na hindi naging sakit ng ulo sa akin?" "Mom, magkaiba kami ni Belinda, 'wag n'yo kaming ikumpara." "Paanong hindi ko kayo pagkukumpara, hindi mo inaayos ang pag-aaral mo puro ka barkada bad influence na 'yan mga barkada mo." Tumayo ako. "Tapos na akong kumain." "Hindi pa tayo tapos mag-usap." Tumingin ako kay Mommy. "Mom, inaamin ko na ang kasalanan ko." Humakbang ako palabas ng kusina at bumalik sa kuwarto. Patihaya akong humiga sa kama saka hinawakan ang tiyan ko. "Hays! Nagugutom na ako." Gusto ko pa sanang kumain kung hindi lang nagalit si Mommy sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko para um-order ng pagkain online. Sigurado kasing hindi papayag si Mommy na gamitin ko ang kotse ko kung sakaling aalis ako. "Bella!" Narinig kong tawag sa akin ni Belinda. Bumangon ako para buksan ang pinto. "Bakit?" Dire-diretso itong pumasok sa loob at umupo sa gilid ng kama. Ilang beses pa itong bumuntong-hininga bago magsalita. "Narinig ko si Mommy na tinatawagan niya si Tita Sol." "Oh, ano naman ngayon?" Inaasahan ko ng magsusumbong si Mommy kay Tita Sol. Ito kasi ang pinaka-close niya sa kapatid ni Daddy. "Tatapusin mo na lang daw ang semester na ito at sa Amerika ka na mag-aaral." Tumahimik ako. Desido talaga si Mommy na papuntahin ako sa Amerika para doon ako magpatuloy ng pag-aaral sa Amerika. "Magkakahiwalay tayong dalawa kambal." "Kahit hindi naman tayo magkahiwalay ay para naman tayong magkalayo, wala namang pagkakaiba." "Gusto mo ba na hindi makasama ang mga kaibigan mo? Hindi ka makakagalaw sa Amerika dahil maraming nakabantay sa iyo do'n Kung ako sa iyo pipilitin ko si Mommy na huwag ako papuntahin sa Amerika." Tumahimik ako. "Okay, kakausapin ko na siya ngayon." "Sasamahan kita sa kanya." Tumayo siya at inalalayan ako papunta sa kuwarto ni Mommy. Nagsusuklay ng buhok si Mommy nang pumasok kaming dalawa. "Mom, may sasabihin sa iyo si Bella." Seryoso ang tingin ni Mommy nang humarap siya sa amin. Bumuntong-hininga ako. "Mom, alam kong marami akong kasalanan sa iyo sana mapatawad mo ako." "Mom, pagbigyan mo na si Bella," sabi ni Belinda. "Promise, pagbubutihin ko na ang pag-aaral ko." "Dapat noon mo pa 'yan inisip. Hindi na mababago ang desisyon ko, sa Amerika ka magpapatuloy ng pag-aaral kapag may bagsak ka ngayong semester." "Mom, tatlo na nga lang tayo paaalisin mo pa si Kambal,"sabi Belinda. "Tatlo na nga lang tayo binibigyan niya pa ako ng sakit ng ulo. Hindi n'yo ba alam kung gaano kahirap ang mawala ang Daddy n'yo? Lahat ng trabaho naiwan niya ay ako ang sumalo. Kahit napapagod ako hindi ako puwedeng sumuko dahil iniisip ko kayong dalawa. Iniisip ko ang kinabukasan n'yong dalawa." "Mom." Niyakap ni Belinda si Mommy nang umiyak ito. Yumuko ako. "Sorry, promise ko sa inyo magiging proud din kayo sa akin." Tumalikod ako at lumabas ng kuwarto ni Mommy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD