"BELLA!" tawag ng Mommy ni Steven nang lumabas ako ng kotse ni Steven. Kagabi bago ako matulog ay tumawag sa akin si Steven at sinabi niyang nami-miss daw ako ng Mommy niya kaya naisipan ko ngayon ko na bisitahin dahil bukas ay gagampanan ko naman ang trabaho ko bilang si Belinda. May naiwang malaking trabaho sa akin si Belinda. At ito ay pagmo-model ng isang kilalang brand na damit. Ang sabi sa akin ng trainor na si Teroy ay ito raw ang matagal na hinihintay ni Belinda dahil kapag nagustuhan ka nila ay bibigyan ka kontrata para maging permanenteng model nila. Nakangiti ako na sinalubong siya at niyakap ko siya ng mahigpit. "Ang tagal na po natin na hindi nagkita." Hinawakan niya ang bewang ko at naglakad kami papasok sa loob ng malaking bahay nila. "Mom, ako po ang anak n'yo," sabat ni