bc

Sinful Duty (Taglish) - ON HOLD

book_age18+
631
FOLLOW
3.3K
READ
opposites attract
arranged marriage
kinky
aloof
sensitive
royalty/noble
heir/heiress
gxg
like
intro-logo
Blurb

Pinalaki si Lady Amelie Poole na bawal ang magpakita ng kahit anumang emosyon lalo na sa hindi nila kauri ng antas sa buhay. Dahil napaka-konserbatibo ng kaniyang abuelo, lumaki siyang konti lang ang alam sa relasyon ng isang babae at lalaki.

Isang araw, aksidenteng nasaksihan niya ang isang binata at dalaga na patagong nagtagpo. May napukaw sa dibdib at sa katawan ng dalagita ng mga sandaling 'yon. Gusto niyang tanungin ang binata ngunit hindi na niya ito nakita. Lumipas pa ang ilang taon at nalaman niyang nakatakda siyang ipakasal sa isang Marquis kaya laking gulat niya nang makita ang fiance sa isang piging. Ito pala ang passionate na binata na nakatagpo niya noon.

Ito ang kuwento ng isang stoic na babae at ng isang passionate na lalaki. Makakaya kaya ni Lady Amelie ang mga ipapagawa at gagawin ng Marquis sa kaniya sa larangan ng makamundong ligaya?

(Explicit) Erotic - Romance

chap-preview
Free preview
Prologue
 “SALBAHE kang bata!” Isang napakalas na sampal ang binitiwan ng matanda.   Napahawak si Lady Amelie Poole sa kaniyang pisngi. Umatras siya ng konti hanggang sa naramdaman niya ang bookshelves sa kaniyang likod. Nanginginig ang kaniyang katawan sa magkahalong takot at galit.   “Hindi ba sinabi ko sa’yo na huwag kang magpapakita ng kahit anumang emosyon sa ibang tao lalo sa mga hindi natin kauri?” Nanlilisik ang mga mata ng matanda.   Alam niyang napalaking agwat ang antas sa pagitan ng apo ng Earl at ang mga anak ng tenants sa Burke Park. Nag-iisa lang siyang bata sa mansion at nababato siya kadalasan kaya hindi niya pinansin ang habilin ng abuelo na hindi puwedeng makihalubilo sa hindi kauri. Sinuway niya ang payo nito at nakipagkaibigan sa mga ibang bata sa estate.   “Hindi ko naman alam na darating kayo sa may sapa,” pangangatwiran niya. Nagtatampisaw lang naman silang magkakaibigan sa sapa nang biglang dumating ang lolo niya at ang kasamang bisita nito.   Napaupo siya nang makita ang isang librong lumipad papunta sa kaniya. Mabuti na lang at mabilis ang kilos niya kaya ang bookshelf sa likuran ang natamaan.   “Ingrata!” Uugod na lumakad ang matanda sa pinakamalapit na silya at umupo. “Ipinahiya mo ako sa aking kaibigang Duke at sa kaniyang tagapagmana.”   Alam niya na may bisitang darating kaya umalis siya ng mansion para umiwas sa de librong galaw. Nakita niyang nangingisda ang mga kaibigan sa sapa kaya sumali na rin siya sa mga ito. Hindi naman niya inasahan na dadaan pala ang abuelo at ang ang mga bisita roon nang paalis na ang mga ito mula sa Burke Park. Kaya napilitan ang abuelong ipakilala ang madungis niyang mukha sa kumpadreng Duke at sa binatilyong kasama nito.   “Ilang beses na kitang pinagsabihan na hindi pwedeng magpakita ng kahit anumang emosyon pero ang tigas ng ulo mo,” malumanay na sabi ng Earl.   Namutla siya bigla nang napakinggan ang tono ng boses ng abuelo. Narinig niya na minsan ang malumanay na boses ng Earl at ang kasunod ay matinding parusa.   “Ngayon malalaman mo ang realidad ng magkaibang mundo Amelie.” Nagtagis ang mga bagang nito.   Biglang bumukas ang pinto at namilog ang mga mata niya sa nakita. Hawak-hawak ng mga lalaking katulong ang mga magulang ng kaniyang mga kaibigan.   Lumingon siya sa kaniyang abuelo. “A-anong ibig sabihin nito?”   “My lord?” nagtatakang tanong ni Mr. Brinkley, ang ama ng malapit niyang kaibigang si Margie.   “Mag impake kayong lahat ngayong gabi at umalis sa Burke Park. Hindi ako mag-aatubiling ipapabaril kayo sa mga tauhan ko kung makikitang umaaligid pa kayo sa rito sa estate,” walang emosyong pahayag ng Earl.   Napasinghap ang mga tenants ng Burke Park sa narinig. Sa kanilang pagkakaalam, ilang siglo nang naging tenants ang kanilang mga ninuno sa bawat Earl of Hardings at dito na rin sila lumaki at nagkapamilya.   “My lord, bakit ho?” nangangatog na tanong ni Mrs. Hemsworth, ang ina ng kaibigang si Jim.   Tumingin ang matanda sa kaniya at tumango. “Amelie, ngayon alam mo na kung ano ang pagitan ng nobility at commoner?”   Lumingon siya sa mga magulang ng mga kaibigan at napakagat-labi. “Lolo, gagawin ko po ang lahat huwag mo lang silang paalisin sa Burke Park.”   Tumaas ang kilay ng matanda. “Nagsusumamo ka ba Amelie? Anong sinabi ko sa’yo kanina?”   Huwag magpakita ng kahit anumang emosyon sa harap ng ibang tao. Ito ang pinakaunang leksyon na itinuro ng abuelo simula nang tumira siya rito limang taon na ang nakalipas. At ilang beses na rin niya itong sinuway.   Alam niyang mas magagalit ang abuelo kung magsusumamo siya pero ayaw din niyang paalisin ang mga pamilyang ito sa Burke Park. Dahil isang konserbatibong nobility ang Earl at nandidiri ito sa usapang negosyo dahil masyadong bulgar kaya hindi nito alam na ang mga pamilyang nasa loob ng study room ay isa sa mga nagpapalago ng estate.   Tumingin si Amelie ng diretso sa mga mata ng matanda. “Gagawin ko ang lahat ng sasabihin mo, huwag mo lang silang paalisin.”   “At bakit hindi Amelie?”   Parang biniyak ang puso niya sa mga gagawin pero hindi siya dapat magpakita ng kahinaan sa harapan ng abuelo. Kaya nilunok niya kung anumang emosyon ang natitira sa kaniya. “Papaano mo masisiguro na nakaya ko ang mga temptasyon kung aalisin mo ang mga ito?”    “Sinusubukan mo ba ako ulit, Amelie?” Tumayo ang matanda at lumapit sa kaniya.   Nangangatog ang kalamnan niya kasi hindi niya alam kung ano ang gagawin ng abuelo. Pero wala nang emosyong makikita sa mukha niya.   Bumuntong-hininga ang Earl at humarap sa mga tenants. “Bueno, pwede pa rin kayong manatili rito. Huwag niyong kakalimutan na nasa mga kamay ng aking apo nakasalalay ang inyong mga buhay.”   May lungkot sa mga mata ng tenants nang tingnan siya ng mga ito. “Maraming salamat Lady Amelie.”   Namumutla siyang tumango.   Sa gabing ‘yon nakita ng mga tenants at mga katulong ng Burke Park ang pagbabago ng dose anyos na si Lady Amelie Poole. Sa mga sumusunod na araw hanggang sa naging mga taon, nasaksihan nila ang pagkawala ng ngiti sa mga labi nito at hindi na rin nila narinig ang tawa at halakhak ng babae.        

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
458.3K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
188.3K
bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
508.9K
bc

NINONG II

read
631.2K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
417.9K
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
84.2K
bc

Just A Taste (SPG)

read
911.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook