[Yami's pov] Matagal kong pinangarap na makita ang mga kaanak ko. Mga tatlong taon gulang kasi ako ng kuhanin ako ng mga Taguhara. Halata rin naman sa kanila ang kasabikan na makilala ako. "woah! Ang bait pala ng mga amo mo" sabi ni Kuya James, isa sa mga nakakatandang pinsan ko "oo, tinuring nila ako kapamilya nila" nakangiting sabi ko Napatingin ako kay master at katabi niya si Yumi. Napangiti ako ng mapait. Close kami noon ni Yumi. Naalala ko ang iyak ni Yumi noong kinuha ako ng mga Taguhara. Handa pa nga siyang pumalit sa akin noon pero hindi sumang-ayon ang mga Taguhara dahil ako ang pinili noon ng batang Yuukito sa aming kambal noong pinanganak kami. Isipin mo na itinuro ako ng isang taong gulang na Yuukito para maging alipin niya. "hindi namin akalaing pumayag ang Taguhara na