[Alona's pov] Kainis! Ilang araw ng hindi pumapasok si Kit pati si Yami. Ano na kaya ang ginawa ni Kit kay Yami? *green imagination* "kyaaaa!" tili ko "mapapatay kita Kit kapag ginalaw mo si Yami!" Buti na lang ako ang nasa hardin ng school kundi naku baka kung ano ang isipin ng nakarinig sa akin. *sniff* *sniff* Nakarinig ako ng naiyak. Hay... Hinanap ko ang pinaggagalingan ng iyak ng iyon. Tila nagulat ang babae ng makita ako. "ayos ka lang Miss?" tanong ko Umiwas ng tingin ang babae. Ang tanga naman kasi ng tanong mo Alona. Siyempre naiyak iyan obvious na hindi siya okay. "care to share with me" sabi ko "okay yung may paglabasan ka niyan kaysa sa itago mo lang sa loob mo" Lumingon ang babae at tila nahihiya. "ano kasi..." nahihiyang panimula niya "hindi ko alam kung maniniw