Chapter 2

4724 Words
[Yami's pov] "Taaadaaa! Breakfast for my master are bacons, hotdogs and bread with your favorite hot black coffee!" Masayang sambit ko habang pinapakita ang niluto kong pagkain kay Master Yuukito. Kita ko ang pagputla ng mukha ni master nang makita ang mga putahe na nakahain sa mesa. "Do you call this food?" Sabi ni master habang nakakunot ang noo nakatingin sa pagkain. "Niloloko mo ba ako Yami? Luto ba ang tawag mo rito? E halos magkulay itim na ito sa sunog! Gusto mo ba ako mamatay sa pagkain niyan?" Reklamo pa niya at tinulak palayo ang mga niluto ko. Napayuko ako ng aking ulo. I admit hindi ako marunong magluto. Si Ma'am Sophia kasi ang nagluluto noon pa man. Minsan ay tinuturuan naman ako ngunit wala talaga ako talento sa pagdating ng pagluluto. Ngunit sa iba namang aspeto ay alam kong nakakahigit ako. Akala ko mapapansin ni master na sunog yung pagkain kaso masyado pala siya observant. Nakabusangot si master at sinubukang inumin ang kapeng ginawa ko para sa kanya. "Pwe! Ang pait ng kape mo!" Naiinis na sigaw ni master sa akin at padabog itong binaba sa mesa. Tinalikuran na ako ni Master Yuukito. "Mas mabuti pa na school na lang ako kakain! Baka wala pang isang araw na wala sina mama at mamatay ako sa luto mo." Sabi ni master at kita ang frustration sa kanyang mukha dahil sa pagkain na inihain ko sa kanya. Tinignan ko ang kanyang papaalis na pigura sa mansyon. Napatingin ako sa mga pagkain na niluto ko na hindi man lang nagalaw. Napahawak ako sa aking tiyan ng tumunog ito. Gutom na rin ako kaya ang nangyari ay ako na rin ang kumain sa sarili kong luto. Napangiwi ako ng matikman ang mga ito. Mapait pait pa dahil sa mga sunog na parte tapos may ilan pa na hilaw ang pagkakaluto. Gayun pa man ay nakakain pa ang mga ito. Pagkatapos kumain ay nilinis ko muna ang buong mansyon. Ayoko naman na madatnan ni master na madumi mamayang pag-uwi niya kaya talagang pinag-igihan ko ang pag-alis ng bawat alikabok sa bawat sulok. Nang matapos ay mabilis akong naligo at nagbihis. Nilock ko ang mansyon at nagsimula na magtungo sa aking school, ang Taguhara University. Mula pa lang sa pangalan ay pagmamay-ari ito ng pamilya ni Master Yuukito. Dahil may kalapitan ito sa mansyon ay madalas na nilalakad ko lang ito tuwing pagpasok at pag-uwi. Ewan ko nga kay master kung bakit nakakotse pa kung pumasok. Pollution lang naman ang dinadagdag niya sa hangin. Pagdating sa school ay naagaw ko na ang atensyon ng lahat. Tinignan nila ako ng buong paggalang at paghanga. Kinikilala ako bilang kinatatakutang presidente ng Student Council. Nakuha ko ang posisyon iyon mula sa aking pagsisikap at pagtitiyaga. Kahit nga sina Ma'am Sophia at Sir Fred ay proud sa aking achievement. Ayaw nila na dahil isa akong lifetime servant ni master ay pababayaan ko ang aking sariling pangarap. Dahil doon ay taas noo ako ngayong nakapaglalakad rito sa eskwelahan. "Good morning Yami!" Masayang pagbungad sa akin ng aking bestfriend nasi Shia Melendes Si Shia ay nakilala ko sa first day ko pa lang sa unibersidad. May katangkaran siya, balingkinitan ang katawan at may katama tamang kulay lang balat. Marami rami na rin ang nagkakagusto sa kanya ngunit hindi niya man lang ito pinag-uukulan ng pansin. "Good morning bes!" Magiliw ko ring bati sa kanya. "Kamusta ang bakasyon mo?" Tanong ko pa sa kanya. "Ay naku Yami! Ang ganda ganda ng mga beach sa La Union. Sinubukan ko mga mag-surf at mamasyal sa iba ibang lugar roon." Masayang pagkwekwento niya. "Sayang hindi ka sumama sa akin!" Ngumiti ako. "Sorry abala ako nitong summer vacation kaya hindi ako makasama." Pagdadahilan ko. "Next time na lang." "Basta promise iyan." Nakanguso niyang sambit. "Lagi ka na lang hindi sumasama kaya nakakatampo na minsan." Pilit ako ngumiti sa kanya. Hindi ko masabi sa kanya ang totoo kaya hindi ako sumasama sa kanyang mga inaalok na lakad. Pagbaliktarin man kasi ang mundo ay isa akong tagasilbi ng aking master. Wala akong kalayaan na tulad ng isang normal na estudyante. Napatingin kami sa kabilang direksyon dahil dumating ang tatlong prinsipe ng school. Maangas silang naglalakad na tila pagmamay-ari nila ang daan. Sabagay may maipagyayabang naman sila dahil mula sila sa pamilya na may malaking koneksyon sa eskwelahan. Nangunguna na roon si Yuukito Taguhara ang aking master. Siya lang naman ang nag-iisang anak ng nagmamay-ari ng school kaya hindi na nakapagtataka. Bukod sa Taguhara University ay may iba ibang hawak na mga business ang kanilang pamilya. Pagmamay-ari nila ang isang malaking airline at iba't ibang hotel sa buong mundo. Sumunod ay si Nigel Allen Schuck. Siya naman ang anak ng isa sa pinakamalaking sponsor ng school. Ang pamilya niya ay naghahawak ng mga sikat na restaurant. Tahimik siya at misteryoso. Madalas ay makikita mo siya nag-iisa at nagbabasa ng mga novel book. At ang huli ay si Kenji Moriyama. Siya naman ang anak ng isa rin sa anak ng sponsor ng school. Ang pamilya nila ay kilala sa mga paggawa ng mga damit. Hawak ng pamilya nila ang karamihan na sikat na brand ng mga damit. Siya rin lang naman ang ultimate crush ng aking bestfriend na si Shia. Pinanuod lang namin na dumaan sa harapan ang tatlong prinsipe. Saglit na lumingon sa akin si Master Yuukito at binigyan ng matalim na tingin bago pasimpleng binangga sa balikat. Hindi ko na lang iyon pinansin at napanggap na walang nangyari. "Hi Kenji!" Pagpapansin ni Shia sa kanyang crush. Huminto naman ang lalaki at malanding ngumiti sa aking bestfriend. "Hello Miss Beautiful" Pacute na sabi ni Kenji sa kanya bago sumunod sa mga kasama kaya eto si Shia kulang na lang ay maglupasay sa sobrang kilig. "Kyaaah! You saw it! You saw it! Binati rin ako ni Kenji" Kinikilig na tili ni Shia saka ako pinaghahataw sa aking braso. Pinigilan ko ang kanyang kamay. "Shia, stop it." Pagpigil ko sa kanya. "Ano ngayon kung binati ka? Malamang hindi lang naman ikaw ang ginanyan niya. Magaling sa ganyang lip service ang lalaking iyon." Napasimangot si Shia sa sinambit ko. "Yami, minsan panira ka." Nanlulumo niyang sabi. "Gusto ko lang minsan umasa. Kaunting suporta lang bes." Nagkatinginan kami ni Shia saka sabay na tumawa sa isa't isa. Yumakap pa siya sa aking braso at inakay ako patungo sa aming classroom. Hindi pa kami nakakalayo ni Shia ng biglang may humigit ng kamay ko. Kunot noo akong lumingon sa humawak sa akin. "Come with us for a minute, Miss Pres." Nakangiting sabi ni Kenji sa akin. Nagkatinginan muna kami ni bes. Binigyan niya ako ng isang tango at saka binitawan. "Sige bes, mauuna na muna ako sa classroom." Pagpapaalam ni Bes Shia na may pilit na ngiti sa kanyang labi. Tinignan ko muna ang papaalis na pigura ni Shia bago ko hinarap si Kenji na may nagsusumamong mukha. Alam ko naman ang pakay niya sa akin. Gagamitin lang nila akong mascot para lumayo ang mga babaeng walang ginawa kundi tumili na parang kinakatay sa kanila. Sa huli ay napairap na lang ako dahil wala akong nagawa nang matangay niya ako papunta sa direksyon ng cafeteria. Sumalubong sa amin ang mga nagkakaguluhang mga kababaihan at kabebekihan na sumisilip sa loob. Nang makita ako ay agad sila mga nagsikalasan. "Iba talaga ang powers mo, Miss Pres." Natutuwang sabi ni Kenji at walang pakundangan akong hinila sa loob ng cafeteria. Agad na bumungad sa amin si Master Yuukito na masaganang masagana na kumakain na akala mo aagawan. "Bro, kailan ka pa naging patay gutom?" Natatawang sabi ni Kenji sa kanya. "Naghihirap ka na ba?" Nilunok muna ni master ang pagkain sa kanyang bibig. "Ulul!" Pagsinghal na sagot ni master saka napaangat ng tingin kaya nakita niya ako na kasama ng kanyang kaibigan. Nasamid si Master Yuukito kaya nataranta kami at inabutan siya ng tubig ng kaibigan na si Nigel. Nang mahimasmasan ay matalim na tingin ang binigay niya sa akin. "What is she doing here?" Gigil na sabi ni master sabay turo pa sa akin. Nagtataka naman tumingin sa akin ang kanyang mga kaibigan na sina Nigel at Kenji. Wala kasi nakakaalam na ako si Mayami Guna, ang kinatatakutang Student Council President, ay isang lifetime servant ni Yuukito Taguhara, isang school prince. "Do you have problem with Miss Pres?" Nagtatakang tanong ni Kenji at nagpalipat lipat ng tingin sa aming dalawa. Natatarantang napaiwas ng tingin si master. "W-W-Wala! N-Nagulat lang ako na nandito siya!" Pagpalusot ni master saka nagpatuloy sa kanyang pagkain. Napairap na lang ako ng hindi oras sa kanya. Maling salita lang niya ay maaaring malaman nila ang aming sikreto. "Nairita kasi ako sa mga  tilian ng babae kanina kaya dinala ko rito si Miss Pres." Nakangiting sabi ni Kenji sa kanila. "Effective naman di ba?" Hinila ako ni Kenji paupo sa katapat na upuan ni master. Masamang tingin ang binibigay niya sa akin na akala mo napakalaking kasalanan ng ginagawa ko ngayon. "By the way Yuukito, aga aga ay badtrip ka." Puna ni Kenji sa kaibigan at inakbayan ito. "Alam mo na usapan iyan ng mga fan mo. Halos magdikit ang dulo ng iyong mga kilay." Lalong bumusangot ang mukha ni Master Yuukito.  "Tss. May engot kasi na nagmamarunong magluto e hindi naman pala marunong."  Nakasimangot niyang sabi habang patuloy pagbibigay ng masama ng tingin sa akin saka pasimple ako sinipa sa ilalim ng table. "Pffft! Siya ba iyong sinasabi mong monster na nakatira sa bahay niyo?" Natatawang sabi ni Kenji. "Woah! I'm really want to meet her. Siya lang ang may lakas loob na sumalungat sa iyo." Monster? Ako ba ang tinutukoy niya? Pinagtaasan ko ng kilay si Master Yuukito at nakipagsukatan ng tingin sa kanya. "Huwag mo ng balakin baka kainin ka ng buhay. She is not worth seeing." Sabi pa muli ni master saka pinagpatuloy ang kanyang pagkain. Nagkatinginan sina Kenji at Nigel sa isa't isa saka ngumisi ng kakaiba kay master. "Hindi na kami magtataka kung magkagusto ka sa kanya." Komento ni Nigel na kanina pang nanahimik. "Di ba may kasabihan na 'the more you hate, the more you love.' " "No way!/ Nooo!" Sabay kami napasigaw ni master sa sinabi ni Nigel. Nagtataka naman napatingin sa akin ang kanyang mga kaibigan. Napakagat labi ako ay agad na nag-isip ng pwedeng ipalusot. "May nagtext kasi sa akin... tinatanong kung pwede maging textmate ko." Pagpapalusot ko kahit wala naman talaga. "Siyempre hindi ako papayag baka mamaya r****t pa iyon. Iba na ang panahon ngayon hindi dapat agad magtiwala." Nawi-weirdohan nila ako tinignan. Mukhang hindi ka-convince convince ang ginawa ko. Tumingin ako kungwari sa oras. "Pwede na ba ako umalis? May gagawin pa ako e." Paraan para tumakas sa kanilang nagdududang tingin. Hindi ko na rin hinintay ang pagpayag nila dahil dali-dali ako umalis at iniwanan sila. Weew! Muntikan na ko mabuko roon. *** Pagkatapos kong gawin ang mga tungkulin ko sa student council roon ay dumiretso ako ng classroom. Naabutan ko maiingay ang aking mga kaklase pero agad sila napatahimik nang makita ako. Hindi ko na lang ito pinansin at nagtungo sa aking upuan. Umupo ako sa tabi ng lalaking nakadungaw sa bintana at mukhang walang pakialam sa paligid. Dumating si Sir Millano pero ganito pa rin ang kanyang porma kaya binigyan ko ito ng seryosong tingin. Naramdaman niya naman ang tingin na binibigay ko sa kanya at nakipagtagisan ng tingin. "Why?" Pabalang na pagtatanong niya sa akin. Tinuro ko ang aming guro na patuloy sa kanyang pagtuturo. "Makinig ka sa klase." Pagpuna ko sa kanya. Saglit lang niya iyon tinignan saka binalik ang tingin sa akin. "Bakit pa? Alam ko na lahat ng tinuturo ng matandang iyan." Sabi niya saka muli dumungaw sa labas ng bintana. Napahalukipkip na lang ako ng braso. Alam ko naman na may kakaiba siya tinataglay na talino. Ngunit wala naman mawawala kung magpapanggap siyang nakikinig sa aming guro. Kaunting respeto lang naman sa aming guro na nagpapakahirap na magturo sa harapan. Ngunit dahil alam ko na may katigasan ang ulo niya ay kahit anong pagpupumilit ko ay hindi ito susunod. Napabuga na lang ako ng hininga at sa huli ay hiniyaan siya. Nang matapos ang klase ay tumingin sa amin si Sir Millano. "Mr. Taguhara at Ms. Guna, pinapatawag kayo ni Sir Roy" Pag-iinform niya sa amin bago umalis ng classroom. Bakit kaya? Nagkatinginan kami ni master saka tumayo sa kinauupuanm Tahimik kami naglalakad papunta sa faculty room. "Miss Pres and Mr. Taguhara." Nakangiting bungad sa amin ni Sir Roy at pinaupo kami sa upuan na kanyang hinanda. "Sir, pinatatawag niyo raw po kami." Sambit ko na puno ng pagtataka. Tumango tango si Sir Roy at tinignan niya kami na puno ng paghanga. "Gusto ko sana kayo sabihan na kayo ang napiling panlaban ng school sa 'Tagisan ng Talino'." Sabi niya. "Kayo dalawa ang nangunguna sa buong eskwelahan pagdating sa academics kaya alam ko na hinding hindi niyo kami mabibigo." Napatingin tuloy ako kay master alam ko na naiirita na naman siya sa presensiya ko. Tapos kami pa ang napiling panlaban kaya magkakasama pa kami habang nagsasanay. "Don't worry ie-excuse kayo sa mga klase niyo for a week to prepare to the event." Nakangiting sabi ni Sir Roy "And I will be the one who will guide the two of you." Tumayo si master at mapagmatang tinignan si Sir Roy. "Fine. I'll join but I'll do it alone. Also, I don't need to do this preparation. It is a waste of my time." Pabalang niyang sabi. Iiling iling naman ng ulo si Sir Roy na tila hindi inaasahan ang gagawin niya. Alam niya kung gaano katalino si master at kahit siya na aming guro ay wala patama sa taglay nitong talino. Ngunit gayun pa man ay hindi maitatanggi na isa sa mga ginagalang na guro si Sir Roy. "We all know your capabilities, Mr. Taguhara. Ngunit by partner ang event kaya you will still need to cooperate with Miss Guna." Pagpapaitindi ni Sir Roy sa kanya na nasa maawtoridad na tono na tila hindi naman nagustuhan ni Master Yuukito. Oh no! Nagkakainitan na sila. Agad ako nagpagitna sa kanilang dalawa. "Hahaha! Sir, nagbibiro lang po siya!" Singit ko "Huwag niyo na po pansinin ang sinabi niya." Hinawakan ko sa kamay si master saka pinandilatan ng mata para sumakay na lang sa aking sinabi. Ngunit nag-igting lang lalo ang kanyang mga panga. Bago pa man may masabi muli ang aking magaling na master kay Sir Roy ay hinila ko na siya palabas ng faculty room. Inis na kinuha ni Master Yuukito ang kamay niya sa aking pagkakahawak. "Who said I am joking?" Iritadong sabi niya "I can win ALONE that f*****g event!" Hinarap ko siya. "Master naman alam ko na kaya mo gusto mag-isa sa event dahil ayoko mo ko makasama. Pero hindi mo na sana binastos si Sir Roy." "Sinesermunan mo ko? Hoy babae! Isa ka lang alipin ko! Kaya wala kang karapatan na sabihan ako ng ganyan!" Galit na paninigaw ni master sa akin saka ako tinulak ng isa niyang kamay kaya tumama ang likod ko sa doorknob ng isang pintuan. Napadaing ako sa sakit. Sinubukan kong indahin iyon at hinarap muli si master na tila walang nangyari. Ngunit natuod siya na tila pati siya ay nagulat sa ginawa niya. "Y-Yami..." Nag-aalalang sabi ni master. Umakto ako na ayos lamang ako. "Wala lang ito, master! Wala akong karapatang magalit o magreklamo dahil alipin mo lang ako." Nauunawaang sabi ko saka naglakad palayo sa kanya habang sikretong iniinda ang sakit na pagkatama ng likod ko. *** [Yuukito's pov] Pagkatapos ng aming pag-uusap ni Yami ay hindi siya pumasok sa aming klase. Alam ko na hindi siya okay. Masyadong malakas ang pagkatulak ko sa kanya. Hindi ko iyon sinasadya. "Hoy Yuukito! Kami ay nahihilo sa iyo." Puna ni Kenji sa akin. "Kanina ka pa diyan naglalakad ng pabalik balik. Ikaw ba ay na-c-c-r?" Tinignan ko ng matalim si Kenji saka nagpatuloy sa aking ginagawa. Talagang inuusig ako ng aking konsensiya. "Aissh! f**k! What have I done?" bulalas ko sa inis at sinabunutan ang aking buhok saka ginulo ito. Biglang naglayuan sina Nigel at Kenji sa akin na tila nasisiraan na ako ng bait. "Nigel, mukhang nababaliw na siya." Natatakot na sabi ni Kenji. "Tumawag na kaya tayo sa mental?" "Tss. You're not helping" Naiinis kong baling Kenji saka hinagisan ng nadampot ko sa table. "f**k! Laptop ko iyan!" Hiyaw ni Kenji ng mabilis na sinambot ang inihagis ko "Alam kong mayaman ka pero may sentimental value ito kaya hindi ito basta mapapalitan!" Dagdag niya at mahigpit na niyakap ang gamit. Kung hindi ko lang kaibigan siya, iisipin kong bakla si Kenji. "Ulul! Hoy hindi ako bakla!" Depensa ni Kenji na tila narinig ang aking naisip sa kanya. "Defensive masyado bro" Natatawang pang-aalaska sa kanya ni Nigel Sumimangot naman si Kenji. "Yuukito, you have a problem, right?" Pag-iiba ni Nigel sa usapan "Spill it out baka may maitulong kami sa iyo." Tinignan ko sila muna na tila tinitimbang kung dapat ko ba ikwento ang nangyari ngunit maaari rin ako makahingi ng payo sa kanila. "Si monster..." Panimula ko na kumuha sa kanilang atensyon at  nag-iintay na sasabihin. "What did she do this time?" Nag-iintrigang tanong ni Kenji. Napasimangot ako at napahalukipkip ng braso. "She got mad at me." Sabi ko na bago sa madalas kong ikwento sa kanila. Madalas kasi ay puro rants sa mga ginagawa niya ang sinasabi ko sa kanila. Sila ang ginagawa kong sumbungan dahil ang magulang ko ay lagi sa kanya kumakampi. "That's new." Komento ni Nigel. "What did you do?" "Sumobra na kasi ang pagiging pakilamera niya kaya sinabi ko na huwag niya akong sermunan dahil alipin ko lang siya then..." Pagkwekwento ko sa kanila "Then?" Nag-iintay na sabi ni Kenji sa aking karagdagan ng aking kwento "A-A-Accidentally naitulak ko siya at malakas na tumama ang likuran niya sa pintuan." Sabi ko at napasabunot sa buhok "H-Hindi ko sinasadya! Oo, madalas kami mag-away pero never ko siyang sinaktan. Tapos sabi niya wala lang raw iyon kasi wala siyang karapatang magalit o masaktan sa ginagawa ko." Napailing ang dalawa sa sinabi ko. Alam ko naman na ako ang nasa kamalian ngayon. "What do you think?" Tanong ko sa kanila. "Naguguilty ka, Yuukito" Nakangising sabi ni Kenji na parang kinakanta pa. "Hindi ka mapakali dahil guilty ka." "Suyuin mo siya." Suggest ni Nigel. "Maling mali ang ginawa mo sa kanya. Alam namin ang sitwasyon sa pagitan niyo. Naging alipin mo siya bilang pagsunod sa kontrata ng inyong pamilya. Una pa lang ay unfair na ang posisyon niya kaya sana kahit papaano ay tratuhin mo siya ng nararapat." "Sang-ayon ako." Pagkampi ni Kenji sa sinabi ni Nigel. "Bigyan mo ng bulaklak at chocolates saka ka humingi ng sorry at aminin mo ang pagkakamali mo sa kanya." "W-What? Ano ako nangliligaw sa kanya?!? No way!" Matinding pagtutol ko sa ideya niya. "Sige ka baka magsumbong iyon kay Tita Sophia." Banta ni Kenji sa akin. Alam ko na hindi kaya gawin ni Yami sa akin iyon. Noon pa lang ay alam ko na hindi siya gagawa ng pwedeng ikapahamak ko. Her loyalty is mine alone. Alam rin iyon ng aking magulang kaya lubos ang tiwala nila sa kanya. "Ikaw rin. Wala kang gawin at hayaan mo na lang ang sarili mong lamunin ng konsensiya mo." Nakangising pangongosensiya ni Kenji sa akin. *** [Yami's pov] Pagkatapos ng aming pagtatagpo ni master ay nagtungo ako ng school clinic. Hindi inaasahan ng nurse doon ang bugbog na nakuha ko sa aking likuran. Sinubukan pa niya ako tanungin kung paano nakuha ang injury kaya gumawa na lang ako ng ibang kwento. Sinabi ko sa kanya na nadulas ako at tumama ang likod sa isang doorknob. Binigyan naman niya ako ng pain reliever at pamahid para mabilis na gumaling ito. Hindi ako nakapasok sa iba kong klase dahil pinag-stay ako ng nurse sa clinic para maobserbahan. Maaari raw kasi natamaan ang spinal cord ko kaya gusto niya muna masigurado na hindi ito lalala. Nang makasigurado ay pinayagan na rin niya ako makauwi. May mga pagkakataon na nanakit ito habang naglalakad ako pero mas kaya ko na kumpara kanina. Bago ako umuwi sa mansyon ay naisipan ko muna na rin dumaan sa paboritong restaurant ni master para ipagtake-out siya ng makakain. Alam ko naman na ayaw niya sa luto ko at ayoko na hayaang magutom siya. Habang namimili ay naisip ko na isa akong failure bilang servant niya. Wala man lang ako matinong mailuto para ipakain sa kanya. Tapos ang mga ginagawa ko ay laging ikinakagalit niya. Masyado na siguro ako naghihimasok sa buhay niya kaya tama lang na ipaaalala niya na isa lamang akong alipin. Marahil ay dapat ko baguhin ang paraan ng paninilbihan ko sa kanya. Nagulat ako ng may tumapik sa aking balikat. "Hi Miss Pres!" Nakangiting bati sa akin ni Kenji. "Nandito ka rin pala." Napatingin ako sa paligid kung sino ang kasama niya. "Are you looking for them?" Tanong ni Kenji "I'm alone. May pupuntahan pa si Nigel at si Yuukito naman ay namamadaling umuwi." "Aaah..." Nauunawaang bulalas ko sabay kuha ng mga bag na laman ay inorder ko. Napatingin si Kenji sa dala ko. "Gusto mo rin ba ang food rito, Miss Pres?" Nakangiting tanong ni Kenji. "Si Yuukito kasi ay paborito ang luto rito dahil na rin sa kanya kaya nakahiligan ko rin ang pagkain dito." Pilit na ngiti ang ibinigay ko sa sinabi niya. Sa tagal ko na naninilbihan kay Master Yuukito ay alam na alam ko na rin ang mga bagay na gusto niya. "T-Talaga? W-What a coincidence!" Sabi ko at pinilit na tumawa. "May nagpabili lang sa akin rito kaya hindi ko pa nasusubukan." Pagsisinungaling ko. Inangat ko ang dala ko. "Sige, inaantay na ito." Pagpapaalam ko. Lumabas ako ng restaurant ngunit hindi ko inaasahan na sinundan pala ako ni Kenji. "Saan ka ba uuwi? Hatid na kita" Offer niya. Nanlaki ang mga mata ko. "No!" Todo ko pagtanggi sa alok niya."I mean... no thanks." Nagdududa napatingin si Kenji sa naging reaksyon ko. "You sure?" Pagtatanong muli niya saka tumingin sa mga hawak ko. "Ang dami mong dala." Pilit na ngiti muli ang binigay ko sa kanya. "I'm fine I can handle it by myself." Sabi ko "Sige mauna ako! Bye!" Bago pa muli siya makapagsalita ay mabilis ako pumara dumaang taxi. Pagkatigil nito ay agaran ako sumakay sa loob. Nagwave ako kay Kenji pagkasara ko ng pinto ng taxi. "Sa *** street po, Manong." Bulong ko sa driver Tinignan ko si Kenji hanggang mawala sa paningin ko. Natatakot ako na baka mamaya sundan ako ng lalaki tapos malalaman niya sa Taguhara mansion ako nakatira. Alam ko na nagdududa siya sa ginawa kong pagtanggi sa kanya kaya mahirap na. Nag-iingat lang ako malaman ng lahat ang sikreto ko kaugnayan kay Master Yuukito. Natatakot ako na kapag nalaman nila ay mabago ang turing nila sa akin. Pagdating ko ng mansyon ay nandoon na ang kotse ni master harapan. Akala ko ay pagpapalusot lamang ang sinabi ni master kay Kenji na uuwi na siya. Kilala ko kasi siya na hanggang kaya niya ako hindi makita ay gagawin niya. Inaasahan ko na gabing gabi na ito uuwi sa mansyon dahil na rin wala ang kanyang magulang. Pagpasok ko sa loob ay naabutan ko siya na nakaupo sa nakatitig sa kawalan. Nakakunot ang noo nito at tila may malalim na iniisip. Mapait akong napangiti nang maalala ang nangyari kanina. Nilampasan ko na lamang si master at dumiretso ng kusina. Isa isa ko nilabas sa bag ang mga pagkaing binili. Nang maamoy ko ito ay nakaramdam na rin ako ng gutom. Totoo naman ang sinabi ko kay Kenji na never ko pa natikman ang lutuin sa restaurant na iyon. Dahil na rin isa iyon sa kagustuhan noon ni Master Yuukito. Ayaw niya na makisalo ako sa kanya sa kanyang pagkain. "Saan ka galing?" Seryosong tanong ni Master Yuukito na nasa hamba ng pintuan at nakahalukipkip ng kanyang braso. Act normal Yami! Kahit may sama ka ng loob ay huwag mong ipakita sa kanya. Alamin mo kung saan ka nararapat. Yumuko ako sa kanyang harapan.  "Master, binili ko kayo ng makakain niyo for dinner." Magalang na sabi ko saka ngumiti ng pilit sa kanya. "Galing po ito sa paborito niyong kainan." Natuon ang tingin niya sa mga putaheng kakalabas ko lang sa bag saka tumingin muli sa akin. Tinignan niya ako na tila may gustong sabihin pero nanatiling tikom ang kanyang bibig. Hindi kaya gutom na si master? Nahihiya lang siguro siya magsabi. Mabilis ko na hinain ang pagkain sa hapagkainan. Ramdam ko na pinapanuod ni master ang bawat paggalaw ko. Naninibago ako sa kanyang inaasta kaya nakaramdam ako ng pagkailang. Nang matapos sa pag-aayos ay todo ngiting hinarap ko siya. "Master, kain na po kayo!" Sabi ko at pinag-urong siya ng upuan Tahimik naman siya umupo roon pagkatapos ay tumayo sa sulok kung saan hihintayin ko matapos ang aking master sa kanyang pagkain o hintayin na may ipag-utos siya. Nakatitig lamang si master sa kanyang harapan at biglang nagbuntong hininga. Napakunot tuloy ako ng noo dahil ayaw niyang galawin ang pagkain niya. "Master, may iba po ba kayo gustong kainin?" Natatarantang tanong ko. "Oorder po ako agad." Iniling niya ang kanyang ulo. "No! it's okay Yami!" Sabi ni master pero umiwas ng tingin sa akin "I just felt na hindi pala masayang kumain ng mag-isa." Napalihis ako ng ulo at iniisip ang gustong sabihin ni Master Yuukito. Sabagay, ito ang unang beses na pareho wala ang kanyang magulang para sabayan siya sa pagkain. Aw! Namimiss na niya sina Ma'am Sophia at Sir Fred. Lumapit ako sa telepono. "Gusto mo po master tawagan ko sila Ma'am Sophia?" Tanong ko. "Namimiss niyo na po ba sila?" Napatapal sa noo si master dahil sa sinambit ko. "Hindi, hindi iyon ang gusto kong sabihin!" Pagpipigil niya sa balak kong gawin. Kumunot ang aking noo at hindi malaman kung ano ang kagustuhan niya. Gusto ba niya magdala ng mga kaibigan niya rito habang wala sina Ma'am Sophia? "Pinapunta niyo po ba sina Nigel at Kenji rito?" Tanong ko muli. "Iyon po ba gusto niyo sabihin para makapagtago na ko?" Iniling niya muli ang kanyang ulo at saka seryoso akong tinignan. "Y-Y-Yami, pwede bang samahan mo kong kumain rito." Namumulang pakiusap ni master. "P-P-Please..." Eeeeeh? Did I heard it right? Gusto niyang sabayan ko siya? Sikreto kong kinurot ant aking sarili at sinampal pa ang aking pisngi para gisingin ang aking sarili kung nasa panaginip lang ako. "Ano po ulit, master?" Paniniguro ko "Aissh!" Nahihiyang bulalas ni master. "I know you heard me!" Hindi ako kumilos sa aking kinatatayuan. Baka kasi mamaya ay niloloko lang ako ni master para ipamukha sa akin na isa lamang ako alipin na naninilbihan sa kanya. "Yami, bakit hindi ka pa rin nakilos diyan?" Frustrated na sabi ni master. Seryosong tingin ang binigay ko sa kanya. "Hindi yata maganda master na makasabay sa hapunan niyo ang isang alipin." Sabi ko. "Nakakawalang respeto po iyon sa inyo." Kita ko na medyo napasimangot siya sa sinabi ko. Tumayo siya saka lumapit sa akin. Nagulat ako ng higitin niya ako at pwersahang pinaupo sa tabi niya. Kumuha rin siya ng pinggan, kutsara at tinidor sa mga kusina saka nilapag iyon sa harapan ko. Gulat ako napatingin sa kanyang inaasta. "Mas---" Aapila sana ako ng bigla niya akong subuan ng pagkain. Nginuya ko iyon saka nilunok. "Mas---" Sinubuan na naman niya ako kaya hindi ko maiwasang mapasimangot Sa huli ay pinahawak sa akin ni master ang kutsara at tinidor. "Eat with me, Yami. That's a command from your master." Seryosong sabi niya saka nagsimulang kumain Hindi ko mapigilan mapangiti sa nakitang kong side ng master ko. Nasanay kasi ako na lagi niyang sinusungitan dahil nakukulitan siya sa akin. *** Madaling araw na ay gising pa rin ako sa dami ng aking gagawin tulad na lamang ng mga project at assignment. Tapos iniinda ko pa rin ang p*******t ng likod ko. Punishment ito sa pagiging pakilamera ko. Nang matapos sa ginagawa ay naisipan kong kumuha muna ng gatas sa kusina. Malapit lang naman ng aking kwarto sa kusina kaya hindi ko maabala si master na nasa ikalawang palapag ng mansyon ang kwarto. Pagliko ko ay nagulat ako nang makakita ng pigura sa tapat ng fridge. Nang pagmasdan ko ng mabuti ay napag-alaman ko na si master  iyon na nakasandal sa fridge. Nakatulala na naman siya sa kawalan at tila may malalim na iniisip. Napakamot ako ng batok saka lumapit sa kanya. "Gising ka pa master. May ipag-uutos ka po ba? Gusto mo ipag-init rin kita ng gatas?" Tanong ko. Nabaling ang tingin niya sa akin at binigyan muli ng seryosong tingin. Umalis siya sa tapat ng fridge para makakuha ako ng gatas sa loob nito. "Ikaw na lang." Pagtanggi ni master at tumingin sa labas ng mansyon kung saan kita ang mga maraming bituin at maliwanag na buwan. Nagsalin ako ng gatas sa isang baso at pinasok ito sa microwave para initin. Habang nag-iintay ay tinignan ko si master na hindi pa rin nababago ang kanyang porma. "May problema ba, master?" Pag-uusisa ko sa kanya ngunit sa huli napatakip sa bibig dahil nakalimutan ko na pinagbawalan nga pala niya ako makialam sa kanya. Binaling niya muli ang tingin niya sa akin ngunit ang mukha niya ay punung puno ngayon ng pagsisisi. "I want to talk to you, Yami." Bulalas ni master. "About what happened in school." Napatungo ako ng ulo nang ungkatin niya ang pangyayari. Mukhang ito ang kadugtungan ng kanyang galit dahil sa ginawa kong pangingialam sa kanya. Humarap sa akin si Master Yuukito. "Hindi kasi ako makakatulog kapag hindi ko nasabi ito sa iyo..." Kinakabahang sabi niya. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko maiwasang kabahan o matakot sa sasabihin niya. Napalunok ako ng tumitig sa aking mga mata si mata . "...I-I-I'm s-s-sorry Y-Yami" Napanganga ako dahil sa sobrang gulat. Hindi ko inaasahan na hinihingi siya ng sorry sa akin. Mula ng manilbihan ako sa kanya ay eto ang unang beses na sinabi niya ito. "Naku master! Ako dapat ang magsorry!" Natataranta kong sabi. "Alam ko naman na wala akong karapatan para pagsabihan kayo kasi alipin mo ko." Iniling niya ang kanyang ulo. "No, it's my fault this time! Masyado ako nadala sa master and slave relationship natin kaya nakalimutan kong tao ka rin Yami at marunong masaktan o magalit." Seryosong sabi ni master "I promise to be a good master to you." Napatakip ako ng bibig sa mga naririnig ko galing sa kanya. Humingi na siya ng tawad at nangako na magiging mabait na aking master. May sakit kaya si master? "Okay nasabi ko na." Namumulang sabi ni master saka umiwas ng tingin "Matutulog na ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD