Chapter 20 – Charles part 1

1159 Words
Chapter 20 – Charles part 1   Ang tahimik ng paligid. Lahat ng alalahanin ko ay nawala ng parang bula. Tila natotorete ako na nakakabaliw dahil sa mga narinig ko. Di ko alam ang dapat kong maramdaman ngayon, lutang na lutang ako. Dinadama ko ang lamig ng paligid: ang madilim na awra ng daan, ang mga puno’t halamang banayad ang pagsaliw sa hangin, mga bituing pipinuhin sa dami na nakasabog sa kalawakan at ang bilog na buwan na tumatanglaw sa amin ngayon Totoo ba talaga ang lahat ng ito? Nananaginip ba ako? O isa itong realidad na hindi ko matatakasan at di na maibabalik pa ang mga pangyayaring ugat ng mga maling desisyon? Sa sobrang bilis ng panahon, sobra akong binago ng mga pangyayaring ito. Yung totoo? Ako pa ba si Peter John Galvez? Yung simple lang mamuhay, nagtatrabaho ng masaya tapos ang bisyo ay ang mambiktima ng inosenteng tao. Pero kung iisipin ko ngayon ang kinahinatnan ko.... parang hindi na ako gaya ng dati. Nabulag na ako sa makamundong pamumuhay at di makatakas sa magulong mundong naging hawla ko na. “C-Charles?” ang siyang pagtawag ko sa sobrang tahimik na si Charles. Pero hindi nya ko pinansin at patuloy lang sya sa pagmamaneho “Charles pare......” ang ulit ko. Pilit kong ninais na makausap sya pero bigo ako. Wala syang ganang makipag usap at tanging si ako lang ang umaasang magkausap kami. Gusto kong magsiyasat. Gusto kong halukayin ang buong istorya. Gusto kong malaman ang buong katotohanan at ang mga dahilan. Gusto kong maunawaan at maintindihan ang sitwasyong mayroon sya. Sa kanyang nagawang pagpatay sa dalawa nyang kapatid para lamang sa paglaya namin. May bumabagabag pa ring alalahanin sa akin. Sino ka ba talaga Charles? Ikaw ba talaga ang lalaking naging una kong karanasan? Kung ikaw nga iyon..... ikaw pa rin ba ang Charles na parekoy ko na itinuring kong kaibigan, bestfriend at kapatid? O ikaw ang Charles na kasing hayok nila Ryan at james? Sino ba sa Charles na kilala ko ang TOTOONG Charles Cristobal na katauhan mo? Gusto kong mag initiate ng conversation, ngunit nagiging manhid naman ang labi ko at di magawang maglabas ng kahit anong salita. Tila hinihitak ang dila ko pabalik sa aking bibig. At sa ganong pagkakataon.... hindi ko na namalayang naiiyak na ako. Iyak ng taong nasa stage of confussion and acceptance Stage between imagination and reality.. assumption and redemption.... I think I’m losing control. Unti unti ko na kasing nararamdaman na mahalaga ka sa akin at mahal na rin siguro kita kaya ako nagkakaganito. Nasasaktan ako sa pinagdaraanan mo. At nasasaktan ako sa sitwasyong kinakaharap nating dalawa. At sa aking pagmumuni... naramdaman kong hinigpitan ni charles ang pagkakayakap ko sa kanya at hindi na binitiwan ang aking kamay.... at dito sa maliit na bagay na to... nagagawa kong mapangiting sumandal payakap sa kanyang likod. Dito kasi... nararamdaman kong pinadarama mo sa akin na mahalaga ako sayo at kahit anong mangyari malalagpasan din natin to. At sa mahabang byaheng ito.... nakangiti akong nakatulog.... kasama sya.... sa byaheng kaming dalawa ay magkahawak kamay.... I think.... I’m falling inlove with my ex-bestfriend... baliktarin ko man ang mundo... ano mang kasalanan ang iyong nagawa sa akin... hindi ko na maloloko pa ang sarili ko..... kahit na anong pagtanggi man ang gawin ko sayo... alam kong alam mo rin naman ang totoo. ----------------------------------------------------------------------------------------------   “Good Morning :)” Ang bumungad na pagbati sakin ni Charles. May hawak hawak hawak itong  tray na puno ng pagkain. At may magandang ngiting salubong nito sakin na syang nagpagulo sakin. “Na-Nasan tayo?” tanong ko habang palinga linga sa paligid. “Nasa bahay natin J” ang may pagkagalak nitong sagot sabay lapag ng tray at tumabi sakin Malambot ang kamang aming kinauupuan, nakakahalina sa pakiramdam ang kaginhawaang dulot ng maaliwalas na kwartong kinasasadlakan namin. Purong puti at may palamuting simple ngunit eleganteng pagmasdan. “O-okay....” ang napayuko kong pagsangayon sa sinabi nya at dahan dahang dumampot ng sandwich at softdrinks sa tray..... at saglit na katahimikan ang namayani samin.... Saglit pang katahimikan ang lumipas... BURP... at ako na nga ang bumasag nito. Haha Tumayo ako at naglibot. Ang ganda ng lugar. Para akong nasa paraiso, ang ganda ng scenery, malawak na dagat at ang linis nitong tingnan. Ang lamig ng hanging dumadampi sa akin ng buksan ko ang sliding glass door ng kwarto patungong veranda. Wow s**t, asul na asul ang kulay ng tubig haha. Tapos mukhang kay sarap damhin nung pinong pinong mga pulbos na buhangin sa paligid. Tapos yung mga bundok sa paligid ng isla wow, berdeng berdeng tingnan. Puno ng kadalisayan. “Nasan tayo Charles?” “”Coron Palawan” sagot nya na nakahalukipkip na sumandal sa may veranda “A-Anong ginagawa natin dito? Pano tayong nakarating dito? Anlayo ng Aurora sa Palawan, panong napadpad ako dito ng di ko man lang namamalayan?” “Sobra ka naman asawa ko hahaha” (namula ako nung narinig ko yun hahaha) “Syempre bumyahe tayo.... palibhasa tulog na tulog ka, sobra ka kasing napagod sa alam mo ng naganap then ayon, di mo namalayang sinalubong tayo ni papa Nat at sya ang naging piloto ng helicopter na sya namang nagdala satin dito sa bahay natin J” “Ha??? Sino si papa Nat?” ang naguguluhan kong tanong “Si papa Nathaniel, nakalimutan mo na ba? Papa nila kuya Ryan at kuya James” sagot nito sa tanong ko “Ahhh... si ginoong Nathaniel....... HUWATTTTT??????? GINOONG NATHANIEL CRISTOBAL MISMO???? YUNG PAPA NILA RYAN AT JAMES??? HOLY COW SHET!!!!! PA-PAANONG????!!!!” histerikal kong reaksyon “Oh... relax lang hon..... oo si papa Nathaniel nga..  bakit ganyan ka maka react? Hunos dili ka naman hahaha cute mong tingnan” “GAGO! Wag ka ngang aning pare, si ginoong Nathaniel yon loko! AMA nila Ryan at James! Ano na lang dapat mong madama na nakaharap mo ang ama ng PINATAY mong magkapatid? Nako baka galit si G. Nathaniel, baka dinala nya tayo dito para ipasalvage. Tarantado ka talaga!” “Hahaha hinay hinay lang pwede. Alam ko yang pinag-aalala mo. It’s hard to explain and to accept the truth but.... nung una, nakakaguilt talaga na makaharap mo ang ama ng pinatay kong kuya kuyahan, but the mere fact na para naman sa pagsisimulang muli... ipinaliwanag kong mabuti ang mga nangyari at ang buong katotohanan. And I’m happy as you know na naunawaan nya tayo at naiintindihan nya yung hirap na dinanas natin kaya wag ka ng magalala pa. Hindi galit satin si papa Nat” “Pe-pero i-imposible naman... walang ama ang hindi magagalit kapag nalaman nyang pinatay ang kanyang mahal na anak!!!” “Peter..... Please, wag ka ng mag-alala, magpakampante ka na.... tapos na ang lahat, I know papa Nat, oo nasasaktan sya pero kilala ko din sya to the point na hindi sya nagtatanim ng galit... kaya uulitin ko.... wag ka ng mangamba pa. Let us grab this opportunity na magsimulang muli. Ibalik natin ang  dati nating samahan.  Mahal na mahal kita Peter, at gusto kong magsimula tayong dalawa na magkasama na walang pangambang nararamdaman.” Sa mga yugtong sinasabi nya ang mga katagang iyon, nawala na nga ang aking alalahanin, napalitan ito ng nagsusumidhing kasiyahan, umiiyak akong yumakap sa kanya at walang pasubaling hinalikan ko si Charles “Hmmmm Peter……. Gusto mo bang malaman ang istorya ng buhay ko?” ang mahina nitong bulong sakin “Oo… kung okay lang sana..” “Kung ganon…. Handa na kong maglahad… para sayo… mahal ko….”

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD