Chapter 1- My Husband's Shadow- Rainisms

1606 Words
Mikaela's POV "Hindi ka pwedeng lumayo sa paningin namin, Ma'am Mikaela, 'yan ang kabilin-bilinan sa amin ni Congressman Montreal." Hindi ko mapigilan ang mapabuntung hininga nang malalim habang nakatingin sa mga bodyguard na nakabantay sa akin. "Sa comfort room ako pupunta, hindi naman pwedeng hanggang sa banyo ay isama ko kayo 'di ba? Mas magagalit naman sa inyo ang asawa ko n'yan," may halong biro na sabi ko. Isang taon na rin simula ng mapangasawa ko ang pinakabatang congressman ng bansa na si Blaine Montreal, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasanay sa buhay na napili kong tahakin. "Ah-okay po, Ma'am! Sige po, dito na lang kami sa labas ng pinto maghihintay." Kakamot-kamot ulong binigyan ako ng daan ni Peter, ang head ng mga bodyguards ko. Seryosong tingin lang ang ipinukol ko rito sabay tango. Mula pa sa kanilang mga ninuno hanggang sa kasalukuyang henerasyon ay namamayagpag ang apelyidong Montreal sa loob at labas ng bansa. Sila ay matatawag na pamilya ng mga politiko, dahil 70% ng mga Montreal ay nanunungkulan sa iba't- ibang bayan bilang mga politiko at ang natitirang 30% naman ay mga kilalang negosyante. Hindi ko inakala na ang isang simpleng ulila na kagaya ko ay iibigin ng isa sa pinakamakapangyarihang tao sa bansa. Tinitingala si Blaine at hinahangaan nang lahat, hindi lang ito sikat na politiko, sikat din ito sa mga kababaihan dahil sa taglay nitong magagandang katangian. Si Blaine ay mabait, matalino, matulungin at gwapo. Ang pagiging magandang lalaki nito ang siyang nagpapalakas ng appeal nito sa mga kababaihan. Akala ko noon ako na ang pinaka suwerteng babae sa mundo ng makilala ko si Blaine. Perpektong asawa na may perpektong pamilya. Ngunit, masuwerte man ako sa aking napangasawa ay hindi naman ako pinalad sa aking naging biyenan. Hindi ako tanggap ng ina ni Blaine dahil sa estado ko sa buhay, ngunit, ganuon pa man ay pinagsisikapan ko na maging kapat-dapat sa kaniya, sa pag-asang balang araw ay tatanggapin din ako ng buong-buo ng pamilya niya. - "How's your day, babe?" masuyong tanong ni Blaine sa akin matapos akong halikan sa aking pisngi. Alas onse na ng gabi at katulad ng mga nakaraang araw, ito na siguro ang pinaka maaga niyang uwi. Hindi ko siya masisisi dahil alam kong tungkol sa negosyo at sa politika naman ang inaatupag niya. "Pretty good! Nag-enjoy ako na kasama ang mga bata sa orphanage, ganu'n din ang mga matatanda sa home for the aged." Itinigil ko ang pagbabasa ng paborito kong libro at tumingin ng diretso sa gwapo kong asawa na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko. "That's good to hear. At least I know that you're now enjoying your life as a wife of a politician." "Hmm... I'm still in the process of adopting your lifestyle, but I'll get used to it." "Thank you for embracing my world, babe. I know it's difficult to be a Montreal, but still, you take the risk to be one." Ngumiti lang ako rito at humilig sa balikat nito. Sino ba namang hindi mai-in love sa lalaking ito? Perpekto ang maamong mukha nito at ang mga mata nito na tila ba nangungusap ay para bang dinadala ako sa kung saan. Umalis ako sa pagkakahilig sa kaniya, muli ay nginitian ko siya sabay hawak sa pisngi niya. "I'm doing all of this because I love you," galing sa puso na sabi ko. "I love you more, Mikaela Castro Montreal!" tugon ng aking asawa. Nang tatangkain kong gawaran siya ng halik sa kaniyang labi ay siya namang tayo nito nang biglang mag-ring ang isa sa apat na cellphone nito na nakapatong sa side table ng aming kama. "You go to sleep, babe. I need to take this call," sabi nito na hawak na ang kaniyang cellphone, hindi na nito hinintay na sumagot ako, agad na itong lumabas sa aming kwarto. At katulad ng mga nakalipas na araw, nakatulog na lang ako sa paghihintay na muli siyang bumalik sa aming silid. _ Alas siyete ng umaga nang makita ko ang oras sa orasan na nakasabit sa dingding ng aming kuwarto. And, as I expected, Blaine is not on our bed anymore, ni hindi ko nga alam kung dito ba siya natulog sa tabi ko kagabi o hindi? Parang hindi ko kasi siya naramdaman kagabi o baka masyado lang malalim ang tulog ko, dala na rin ng pagod dahil sa magkakasunod na activities na ginawa ko sa buong maghapon. Marami akong naka-line up na schedule ngayong araw kaya naman hindi na ako nag aksaya pa ng oras at dali-dali akong bumangon para maligo. Nakapagbihis na ako at handa na sanang lumabas ng mag-ring ang aking cellphone. Agad ko itong kinuha at napangiti ng mapagsino ang tumatawag. "Good morning, babe!" masayang bungad bati ng aking asawa. "Morning, hon!" tugon ko naman. "I'm so sorry. I didn't wake you up to say goodbye because I know you're tired. I need to take an early flight to catch up on my appointments. I'm here in San Gabriel right now," mahabang paliwanag nito sa akin. Inaasahan ko na iyon ang sasabihin niya. Mapait na ngiti ang naging tugon ko. Nang pumayag akong mapangasawa siya ay alam kong magiging kahati ko ang bayan sa pagmamahal at oras niya kaya naman itinatak ko na iyon sa aking isipan. Ang maging supportive at maunawaing asawa para kay Blaine ang aking hangarin, dahil mahal na mahal ko siya at iyon ang kailangan niya, ang pagmamahal at ang suporta ko bilang asawa niya. "It's okay, hon, I understand, just take care of yourself, okay? Be back safe and sound. I love you!" Alam kong sa bawat oras na malayo siya sa akin ay malapit naman siya sa peligro. "Yes I will. I love you too, babe! Got to go. See you later." Wala na akong narinig kung hindi ang mga ingay at sigawan ng mga tao, isinisigaw ng mga ito ang pangalan ng aking asawa. "Okay, bye!" tugon ko, kahit alam ko namang hindi na ako naririnig nito. Nakalimutan na naman kasi nito na patayin ang kaniyang cellphone, kaya ako na lang ang kusang tumapos ng tawag. Gustong-gusto kong makasama ang aking asawa at magkaroon kami ng oras para sa isa't isa ngunit napakahirap para sa amin na gawin iyon. - "Aren't you going to give respect to your in laws?!" Bigla akong napakislot ng marinig ang makapangyarihang tinig na iyon. "Huh! Pa-pasensya na po kayo, Mama, hindi ko po kayo napansin, nagmamadali po kasi ako," paumanhin ko sa aking biyenan na si First Lady Claudia Montreal. "That's why I didn't like you for my son from the very start. You don't have manners and you're so disrespectful." Galit ang tono ng boses ng aking biyenan. "Lower your voice, Claudia! You heard her, she's in a hurry at hindi niya tayo napansin," saway ni Lola Amelia kay Mama Claudia. Si Lola Amelia ang ina ng aking father in law na si President Gustavo Montreal. "But, Mama! This girl is too much, she's doing all of this intentionally just to annoy me," apela ni Mama Claudia. "I said enough, Claudia!" Tumaas na rin ang tono ng boses ni Lola Emilia. Nag palipat-lipat lang ang tingin ko sa dalawa. Tutol na tutol si Mama Claudia sa relasyon namin ni Blaine at hindi ko siya masisisi. Ako na isang ulila at lumaki sa bahay ampunan ay mapapangasawa ng isang Montreal na tinitingala sa bansa ay talaga namang hindi katanggap-tanggap sa paningin niya. Pero sa kabila noon, ang taong bayan ay buong pusong tinanggap at minahal ang relasyon namin ni Blaine. Parang gusto ko na namang maiyak ngunit kinalma ko ang aking sarili. "Sorry po, Mama! Sorry po, Lola!" paumanhin ko sa mga ito. "No worries, hija! You may go now, just take good care, okay?" mahinahon at nakangiting sabi ni Lola Amelia sa akin. Talagang napakabait ni Lola Amelia, ito lang ang masasabi kong kakampi sa pamamahay na ito. "Maraming salamat po, Lola!" Bahagya pa akong yumuko tanda ng paggalang dito. "Mama, aalis na po ako, sorry po ulit," sinserong sabi ko, ngunit inismiran lang ako nito. Yuko ulong nilisan ko ang mansion. Alam kong marami pa akong kailangan na tiisin ngunit gagawin ko ang lahat at pagtitiisan ko ang lahat ng mga masasakit na salita at hindi magandang pagtrato matanggap lang nila ako sa pamilyang ito. Mahal ko si Blaine at iyon ang pinaghuhugutan ko nang lakas para lumaban. Siya lang ang pamilya na meron ako. Huminga ako nang malalim at saka ngumiti. Inisip ko na lang na hindi naman habang buhay na ganito, balang araw mamahalin din ako ni Mama Claudia. Gusto kong maging positibo sa lahat ng bagay, mahirap kasi kapag marami kang dinadala sa dibdib, hindi ka makapag-focus sa trabaho at hindi mo ma-enjoy ang buhay. Bata pa ako at maramin pa akong haharaping pagsubok, kung ang pagkuha ng loob ni Mama Claudia ay susukuan ko na, paano pa ang ibang darating? "Ma'am, aalis na po ba tayo?" tanong ng bodyguard ko na si Peter. Tumango ako sabay ngiti. "Oo. Ihatid mo muna ako sa supermarket at mamimili ako ng mga ipamimigay na pagkain sa mga pasyente sa ospital," tugon ko. "Sige po, Ma'am." Pinaandar na ni Peter ang sasakyan, bukod sa kaniya ay may isa pa akong bodyguard na nakapuwesto rin ng upo sa harapan ng sasakyan at nagbabantay sa aking seguridad. Tumingin ako sa bintana, iba't-ibang klase ng tao ang nakikita ko sa daan at bawat isa sa kanila, kahit hindi ko man nababasa ang mga nasa isip nila ay alam kong lahat sila may mga pinagdaraanang problema. Iba-iba lang kami ng pasanin sa balikat, ngunit ang lahat ay lumalaban para mabuhay at iyon ang pinakamahalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD