Chapter 3
Her step mom Jerah hates her, she despised her at pareho ito ng kapatid niya.
Wala siyang alam na masamang ginawa niya sa mag ina para matamo ang mga p*******t nitong pisikal at berbal.
She knew it napaka laki nang pagkakaiba sa pakikitungo nito sakanya at sa kuya niya,kung tutuosin ay kapatid niya naman sa dugo si Kuya Bruno niya dahil sa iisa lang ang ama nila.
She wanted to tell her dad all of it pero ayaw niyang mag away ang mga magulang kaya tinitiis niya.
She still remembers one time noong thirteen years old siya ng kumain siya ng blue berry na dahilan ng muntikan pa niyang pagkawala.
She then finds out na pwede pala siyang mamatay dahil lamang sa berry.
But her step mom fed her with berries na inihalo nito sa cake na binigay sakanya and when she collapsed ay kita niya ang tuwa sa mukha ng step mom niya.
But when she woke up in the hospital katabi ang daddy niya.
He was crying telling her na hindi siya pwedeng mawala dahil siya nalang ang ala-alang naiwan ng mommy niya.
At pag uwi ng bahay ay matinding away ang nangyari na halos nasaktan ng daddy niya ang step mom niya dahilan para lalo siyang pahirapan nito pag wala ang daddy niya ay katulong siya sa bahay.
At pag nagkakamali siya ay sinasaktan siya nito kahit ng kapatid niya.
Her dad sighed heavily.
"I'm sorry anak, I'm not always there to protect you, after your mom died at sinubukan kong mahalin ang step mom mo, but she always doubting my love for her hindi ako nakipag divorce sakanya dati because I wanted you to have a mother on your side while you grow up, as I can see ay hindi kaparin nagustuhan ng mommy Jerah mo, at nalulungkot ako anak.. I'm sorry.,"
Hindi niya maiwasang maiyak, sa dami ng pinagdaanan niya kasama ang step mom niya at kapatid kaya walang kaalam alam ang daddy niya.
All he knows is hindi lang siya mahal pero hindi alam ng daddy niya ang mga ginagawa sakanya ng stepmom niya pag wala ito.
"I., I understand dad, I know it's hard for you but don't choose between them and me, dahil kahit ganyan sila ay mahal na mahal ka nila dad, at alam kong kaya nagagalit si Mommy Jerah sakin dahil pakiramdam niya ay inaagaw kita sa kanila, but I just wanted your attention and love dad,pero ayaw kung masira ang pagsasama niyo dahil sakin"
She lowered her head, and started sobbing.
Ngunit ginagap ng daddy niya ang palad niya.
" Anak, thank you for being understanding, towards us., I love them both and I love you ., So stop crying you making me cry, nagda-drive ako, "
Natawa siya at natawa din ang daddy niya.
Ngunit isang putok ang umalingaw ngaw dahilan para mawalan ng preno ang daddy niya.
Napahawak siya sa pinto ng sasakyan ng gumiwang ang kotse nila.
Ngunit mabilis na naibalik ng daddy niya sa gitna ng kalsada ang sasakyan.
She was terrified.
" Dad,! Is that a shot! "
Ngunit paglingon niya ay may tama na sa balikat ang daddy niya.
" Anak, yumukod ka baka tamaan ka ng bala, "her dad voice quiver at lalo nitong binilisan ang pagpapatakbo, and she heard a gunshot again and again na tila wala nang planong buhayin sila sa loob ng sasakyan.
Napaka bilis ng pangyayari, ngunit mabilis na nailiko ng daddy niya sa loob ng kagubatan ang sasakyan nila.
Hanggang bumangga sila sa isang puno.
At doon lang niya nakita na may tama na sa tagiliran ang daddy niya sa kaliwang tagiliran at kita niya ang hirap nito sa paghinga.
" D-dad.,.! "Her hands were shaking habang hindi niya malaman kung paano hahawakan ang daddy niyang puro sugat na.
"Inaya,, run now,, leave me , now baka abutan ka nila--" hirap na hirap nitong sabi.
Habang nakahawak sa tagiliran na tila gripo na ng dugo at tumatagos na sa mga kamay nito.
" No,. No dad, I won't leave you here,, please, lalabas tayo, pupunta tayo sa hospital "
But her dad just held her shaking hands.
" Anak, leave.. please leave anak.., i-iwan mo na ako dahil sa oras na maabutan ka nila ay pwede ka nilang patayin,. So umalis kana.."
" But dad., "
They hear another gunshot at kahit lambot na lambot na ang daddy niya ay buong pwersa itong gumalaw para tanggalin ang seatbelt niya.
And he opened the door.
" Leave now! Leave! "
He hugged her at sabay itinulak papalabas.
When she heard another gunshot.
" Go!! "
Hindi niya alam ang gagawin, ngunit pikit mata siyang tumakbo paalis sa lugar na iyon.
Habang rinig niya ang mga yabag papalapit at ang mga putok ng baril.
She was crying ceaselessly habang parang walang kapaguran ang mga paa niyang tumatakbo.
She was tired ngunit hindi parin niya makuhang tumigil sa pagtakbo.
Hindi niya namalayan na ilang oras na siyang tumatakbo and her feet already feel numb kapos narin siya sa hininga sa kakatakbo.
Hanggang tuluyan na siyang madapa at mawalan nang malay.
Nagising siya na masakit ang buong katawan sa isang hindi pamilyar na lugar.
"Hija wag ka munang bumangon, malalalim ang mga sugat mo at namamaga pa ang mga paa mo"
Napabaling siya sa isang matandang babae na masuyo siyang pinahiga ulit.
"P-pwede pong makahingi ng tubig?"
Yun agad ang nasabi niya.
"Boyet, ikuha mo nga ako ng tubig.!"
Isang binata ang lumapit at inabot ang pitsel at baso.
Sinalinan ng matandang babae ng tubig ang baso at inabot sakanya.
Ngunit ng dumampi palang ang tubig sa mga labi niya ay doon nalang niya napagtanto kung gaano siya ka uhaw.
Halos tatlong basong tubig ang naubos niya.
At kita niya ang pagkagulat sa mukha ng dalawang nakatunghay sakanya.
"Ano bang nangyari saiyo hija?"
Bigla niyang naalala ang daddy niya.
At di niya mapigilang mapahagulhol ng iyak.
Na ikinagulat ng matandang babae at ng binatang kasama nito.
"B-binaril po nila ang daddy ko, hic., hic., Pinatay nila ang daddy ko..," at tuluyan na siyang napaiyak.
Halos ilang oras siyang umiyak hanggang balitaan sila na may kumuha daw na mga opisyal sa katawan ng daddy niya.
Halos magwala siya sa nalaman.
"Saan nila dadalhin ang katawan ng daddy ko?!" Hindi na siya mapatahan ng kasama niya.
At hinayaan nalang siyang umiyak ng umiiyak.
"P-pakiusap po, wag nyo po akong ibigay , sakanila papatayin po nila ako.."
Awang awa sakanya ang matandang babae at niyakap siya ng mahigpit habang hinihimas ang likod niya.
" Wag kang mag alala anak, hindi kita ibibigay"
She stays sa poder ni Nana Maring,at kagaya nang pangako nito ay itinago siya nito.
Hindi maalis sa isip niya ang itsura nang daddy niya at sa tuwina ay naiiyak siya,but she needs to endure all of this para narin sa safety niya.
And araw ay naging buwan at ang buwan ay naging taon..
Ki Nana Maring lang niya naranasan ang ganitong pagmamahal mula ng mawala ang mommy niya na hindi niya naranasan sa madrasta.
She hugged her tight at gumanti naman ito ng yakap sakanya.
"Nana mahal na mahal po kita," ramdam niya ang paghigpit ng yakap nito at masuyong pag haplos sa likod niya.
Nagluto na siya ng almusal nila at plano sana niyang tawagin si Nana at si Boyet ngunit narinig niya ang paguusap ng mga ito sa kwarto ni Nana Maring
"Nana bakit ayaw mo pa siyang ibalik? Baka pamilya niya ang naghahanap sakanya, hindi natin siya pwedeng itago dahil mukhang mayaman ang pamilya niya"
Rinig niyang sabi ni Boyet na tila nakikipag talo kay Nana.
"Boyet, ibabalik ko siya basta kusa siyang sasama pero hanggang ayaw sumama ni Inaya ay hindi ko siya ibibigay malay ko ba kung yung pumatay sa ama niya iyon, at kung ano pa ang gawin sakanya" rinig niya na pakikipag talo ni Nana.
Nakaramdam siya ng pagsikip ng dibdib.
"Pero , Nana pwede kang mapahamak... tayo., Dahil baka tayo ang pagbuntunan ng mga taong sakim sa pera"
" Pero apo,. Nakikiusap ako sayo napamahal na sakin ang batang iyan, hindi ko kayang makita siyang kukunin ng iba, sasama yan sa tanong kilala niya at hindi sa taong hindi niya kilala, nakikiusap ako sayo Boyet, "
" Nana, hindi ko kayo mapo-protektahan aalis ako sa makalawa wala kayong kasamang dalawa dito"
" Kaya kong protektahan si Inaya apo wag kang mag alala,, gusto ko na makabalik siya sa sarili niyang pamilya nang ligtas.."
Tila pagpapakalma ni Nana kay Boyet.
Napaatras siya ngunit pilit na kinalma ang sarili.
Hindi siya iiyak kaya niya iyon.
Kumatok siya sa pinto.
" Nana? Boyet kakain napo"
At tinulak niya ang pinto.
Nag iwas naman ng tingin sakanya si Boyet at matamis na ngiti naman ang binigay ni Nana Maring sakanya.
" Ah sige apo susunod na kami, tara na Boyet at kumain"
Tumayo si Boyet at nilampasan siya.
Nakaramdam siya ng hiya kay Boyet dahil pakiramdam niya ay nagiging pabigat siya dito at ayaw nito sakanya.
Naunang maglakad si Boyet habang nakasunod sila ni Nana.
......