Chapter 2

2015 Words
"Bessy!" Binungaran niya ako ng ngiti matapos niyang itaas ang sliding window ng kotse at napalinga ako sa nagmamanehong kotseng iyon. Animo'y awtomatiko naman akong napangiti habang pinagmamasdan silang papalapit sa akin. "Kayo pa rin pala.. kamusta na?" Ginawaran niya ako ng halik sa pisngi. Kapansin-pansin na mas lalo siyang gumanda kumpara noong naka-graduate kami sa college. Halos tatlong taon na rin kasi kaming hindi nagkikita simula nang magkaroon siya ng opportunity sa ibang bansa, kaya tumigil siya bilang isang teacher habang ako naman ay pinatigil na rin muna ni Adam sa pagtuturo para matutukan sa pag-aalaga si Damzel. "Oo naman, 'no! Grabe, na-miss kita, bessy!" masigla niyang sabi habang sandaling sumusulyap kay Fiel na nakangiti lang kaming pinagmamasdan. "Ako rin, saan pala kayo pupunta?" "Ah! Actually kakagaling lang namin sa school." "School?" "Oo, bessy, magtuturo kasi ako ulit dito sa Pinas, alam mo na-- iba pa rin ang ambiance rito." "Ganoon ba? Mabuti kung gano'n," nakangiting wika ko. "Actually, kakauwi ko lang no'ng isang araw, e. Excited na nga 'tong isa na dito ako muli magturo dahil ayaw niyang kami sa isa't isa." Spell R-e-l-a-t-i-o-n-s-h-i-p g-o-a-l-s? Sila 'yon! Sa halip na tuksuhin ko siya tungkol sa kanilang dalawa ni Fiel ay mas minabuti ko na lang na mapangiti para sa kanila. "Oh ikaw, pauwi ka na ba? Sumabay ka na lang sa amin ni Fiel." "Ah.. hindi na, bessy, may dala rin kasi akong sasakyan." "Ah.. alright, sige ganito na lang, dadaanan ka na lang namin mamaya sa inyo. Miss ko na rin kasi tumambay doon, e." "Sure, sige! Ipagluluto ko kayo," nakangiti kong sabi. "Okay, see you later, bye, bessy!" At kumaway kaming muli sa isa't isa at ganoon din si Fiel sa akin. Hindi ko inaasahan na after all these years ay nanatiling matatag ang friendship namin kahit matagal na panahon na nang huli kaming magkita, hindi ko maiwasan na mapangiti sa mga binibitawang salita niya. Isa siyang kaibigan na dapat talagang pahalagahan, friend for keeps, kumbaga. "Mi! I'm here!" bungad sa akin ni Damzel, medyo nagulat naman ako dahil naka-focus ako sa niluluto ko. "Oh! How's your schooling, my princess?" "It's okay, mi, I'm glad to meet Allen, one of my schoolmates!" nakangiting aniya. Medyo natigilan naman ako nang marinig ko ang pangalang iyon. Ewan ko ba sa tuwing maririnig ko ang pangalang iyon ay tila bumabalik ang sakit, lalong-lalo na siguro si Celeb ay hindi pa rin nakakamove-on sa nangyari. "Who's Allen? Tevez?" paniniguro ko. Sandali pa siyang napa-isip. "I'm not sure, mommy, but I think he's a nice friend!" masayang wika pa ni Damzel. Sa loob-loob ko ay baka iisang Allen lang ang tinutukoy namin dahil hindi naman sila nagkakalayo ng edad. At sa halip na pahabain pa ang usapang iyon ay itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa pagluluto habang si Damzel naman ay umakyat na sa kuwarto para magbihis. Matapos kong magluto ay naghain na ako sa lamesa. Ngayon pa lang din ako magla-lunch dahil madalas kong hinihintay ang pag-uwi ni Damzel galing sa school at kahit ala-una ng hapon ang uwi niya ay wala akong oras magsundo sa kaniya kaya pinapa-service ko na lang. Kung tutuusin ay p'wede naman kaming mag-hire ng driver pero saka na siguro kapag nagtatrabaho na ulit ako. Nasa ganoong sitwasyon kami nang may mag-door bell at bumungad sa harapan ko sina Glydel at Fiel. "Bessy! Pasensya na kung hindi na ako nakapag-text na ganitong oras kami makakapunta, ah?" nakangiting aniya. "Ano ka ba, ayos lang! Pasok kayo." Pinagmasdan nila ang kabuuan ng bahay. Kung dati kasi ay hindi ito up and down at hindi ganoon kalaki nang unang magsama kami ni Adam, at dahil na rin sa pagsisikap niya na matustusan ang pangangailangan namin ay naipa-renovate na rin namin. "Ang laki na rin ng in-improve ng bahay ni'yo ni Adam ah," masayang wika ni Fiel. Doon ay sumilay ang aking ngiti. "Nasa pagtitiyaga lang 'yan, Fiel. Eh kayo, kailan niyo ba balak magpatayo ng bahay?" Natigilan sila at napatingin sa isa't isa. Dali-dali namang hinawakan ni Fiel ang kamay ng best friend ko. "Matagal ko nang pinag-iipunan kaya walang problema," sagot ni Fiel at mukhang kinikilig naman si Glydel habang ginagantihan pabalik ang pagkakahawak sa kaniya ni Fiel. Iniinggit ba nila ako? Dito na sila nananghalian kasabay namin at masaya kaming nag-movie marathon sa may salas habang mahimbing na natutulog si Damzel. Hindi naman sinasadyang magkakaroon ng bed scene sa palabas kung kaya't halos mapalunok ako. Hindi ko kasi maalis sa isipan ko si Adam sa tuwing gagawin namin 'yon, dahil kahit mag-asawa na kami ay hindi pa rin kumukupas ang kaniyang ka-sweetan. Nabalik ako sa realidad nang marinig ko ang hagikhikan ng dalawa at saka ko lang napansin na nakatingin sila sa'kin. Doo'y isang malakas na tawa ang pinakawala ni Glydel. "Loves, grabe ka kay Jiezel! Baka lalong ma-miss niyan si Adam!" wika pa ni Fiel at 'di ko maiwasang mapasimangot dahil tama naman siya. Sobrang miss ko na ang asawa ko. Tumawa na na naman ang best friend ko. "Bessy, h'wag ka nang pabebe. Gusto mo i-previous ko?"panunukso pa niya at kukuhain niya na sana ang remote pero mabilis iyong naagaw ni Fiel. At nag-agawan sila na parang mga bata. "Tama nga kayo, sobrang nami-miss ko na si Adam," sabi ko na bumasag ng kaingayan. Natigilan silang dalawa sa sinabi ko. Ang kaninang panunuksong tingin nila ay nawala at napalitan ng lungkot. Gabi na nang magpasya silang umuwi. Napag-usapan na rin namin ang about sa wedding nila, as usual, ako ang maid of honor habang secondary sponsor naman si Celeb at best man si Adam. Alas otso na ng gabi pero hindi ako makatulog. Ngayon lang kasi ako nakaramdam ng lungkot simula nang umalis si Adam, isa pa ay tila umaasa ako na tutunog ang cellphone ko at makikita ko ang pangalan niya. Pero nadi-disappoint lang ako kapag iniisip na hindi niya ako naalalang tawagan muli. Kahit kasi isang araw lang ang absence niya ay parang buwan na iyon sa akin, ganoon ko siya sobrang nami-miss. Pinagmasdan ko ang mahimbing na pagkakatulog ni Damzel. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang antok ko. Nagising ako ng mga ala-una ng madaling araw dahil sa malakas na hangin na nagmumula sa aircon. Nakaramdam ako ng uhaw kung kaya't kinakailangang bumaba pa ako sa may kusina upang kumuha ng maiinom. Nakakailang hakbang pa lang ako pababa ng hagdan nang may marinig akong kaluskos na nanggagaling sa baba. Patay ang mga ilaw kung kaya't hindi ko maaninag kung may ibang tao nga ba sa loob ng bahay. Animo'y nakaramdam ako ng takot, nanginig ang aking mga tuhod pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Nang makarating ako sa may kusina at makainom ng tubig ay bigla na lang may humawak sa mga bisig ko. Nanatili ako sa ganoong posisyon at pinakiramdaman kung anong gagawin nang kung sino mang masamang tao ang naglakas-loob na pasukin ang aming bahay. Pero nakapagtataka dahil hindi ganoon kahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko kagaya ng mga napapanood ko sa mga palabas na insidente. At habang tumatagal ay nakikilala ko ang perfume na gamit niya. Dahan-dahan niya akong iniharap sa kaniya at doon ay mabilis na tumibok ang aking puso-- sa kaba. "Ay! Nyemas!" Pinaunlakan niya ako ng malakas na tawa na umalingawngaw sa kabuuan ng bahay. Tinitigan ko siyang muli dahil baka namamalikmata lamang ako. "Adam?!" Nahampas ko siya sa braso dahil sa inis. Bakit niya ako tinakot?! "Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba ay next week ka pa uuwi? At bakit mo ako tinakot?!" Halos maglupasay ako sa paglalakad patungong salas habang sinusundan niya ako. Mabilis niya akong napaharap sa kaniya at inilapit sa mga bisig niya. "Kainis ka!" inis ko pa ring pukaw sa kaniya. "I'm sorry, I just wanted to surprise you but-- hindi ko naman akalain na magigising ka." Ipinakita niya sa akin ang duplicate ng susi ng bahay namin dahil alam niyang magtatanong ako kung bakit siya nakapasok. "I received Fiel's text, dapat ay next week pa nga ako makakauwi pero pinilit ko si Dad na madaliin ang papeles ko. Ayaw kong may mababalitaan na nalulungkot ka." Napahilamos ako sa mukha habang namumuo ang luha. "God," tanging sambit ko. This guy never fails to make me happy. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. At ngayong nasa harapan ko na siya, wala ng dahilan para isipin ko siya araw-araw. "Si Damzel?" "Ayon, mahimbing ang pagkakatulog. Parati ka nga niyang itinatanong sa akin." Napangiti siya ng nakakaloko. "Mukhang timing ang pag-uwi ko!" Kumindat pa siya dahilan para mapaawang ang bibig ko. "Husby--" natigilang sabi ko pero huli na dahil agad niya akong binuhat papunta sa may sofa. - "Mommy! Wake up! Daddy's here!" kinusot-kusot ko pa ang mata ko at bumungad sa akin ang magandang mukha ng bata. "Damzel, istorbo ka sa mommy mo. Puyat pa 'yan," makahulugang tugon ni Adam at tumingin pa siya ng nakakaloko sa'kin, tila pinapaintindi sa akin ang kaniyang ibig sabihin. Hindi pa rin ako makaget-over kagabi kung paano siya kagigil na angkinin ako! "Mommy? Why are you smiling?" Napalingon ako kay Adam dahil hindi ko man lang namalayan ang naging reaksyon ko. "Wala 'to, my princess, halika na, breakfast na tayo," nakangiti kong wika habang pasimpleng sinulyapan si Adam upang pandilatan siya ng mata. Pasaway na, Adam! Dinedemonyo na naman ang utak ko. Inalalayan niya akong makabangon at tinulungan ako na magligpit ng higaan. "Breakfast is ready, wifey." Siniilan niya ako ng halik sa labi. "Yuck, daddy! Hindi pa nagtu-toothbrush si mommy, e, kini-kiss mo na." Natawa naman kami ni Adam sa sinabi ni Damzel. "My princess!" Ginulo-gulo niya ang buhok ni Damzel. "Kahit walang ligo si mommy, siya na 'yong pinakamabango para sa'kin." E? Bakit parang double meaning ang naisip ko? Tumingin siya sa akin at kinindatan akong muli, saglit niyang idinikit ang kanyang labi sa tainga ko at bumulong; "Hanggang ngayon, kumakanta pa rin sa isipan ko ang ungol mo kagabi." "Adam!" mahaba kong sigaw dahilan para humagalpak siya ng tawa. Samantalang si Damzel naman ay hindi maka-relate at pinagpapalit-palitan lang kami ng tingin. Maya-maya pa ay magkakahawak-kamay kaming tatlo na nagtungo sa dining area. Agad na kumalam ang tiyan ko sa bango ng pagkain na nasa lamesa. Kailanma'y hindi ako binigo ni Adam na pakainin ng masarap na almusal. "Mommy, p'wede po bang si daddy na ang maghatid sa akin ngayon sa school?" Nagkatinginan kami saglit ni Adam at sumenyas naman siya na pumayag daw ako. "Ah sure, my princess." Ngingiti-ngiti naman si Damzel, mukhang naglalambing sa papa niya. Tiningnan kong muli si Adam at labis ang ngiti niya. "Yehey!" wika pa ni Damzel at napangiti rin ako nang halikan ni Adam si Damzel sa pisngi. Paano kaya kapag matanda na kami, ganyan pa rin kaya siya ka-sweet? Hindi ko tuloy maalis sa isip ko na isipin ang future namin. Sino kaya ang magiging first boyfriend ni Damzel? Sino kaya ang mapapangasawa ng anak namin? "Wifey?" "Mommy!" Nabalik ako sa realidad at hindi ko namalayan na nasa harapan na pala kami ng gate at papasok na si Damzel. "Bye, ingat kayo ni daddy," sabi ko. Hinalikan ko siya sa pisngi at kitang-kita sa mga mata niya ang sayang nadarama. Bakit ba mas nagiging malapit talaga sa ama ang anak na babae? Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko namalayan ang piraso ng papel na lumipad papunta sa akin. May nakasulat doon at mukhang sulat kamay ng lalaki. At sa labis na pagtataka ay dinampot ko iyon at halos matulala ako sa nabasa ko. Dalangin ko nawa'y sa tamang panahon ay muli akong isisilang at sa panahong iyon ay nakatakda na ako sa pinagmulan ng babaeng una kong minahal. Hindi ko alam pero nang mabasa ko iyon ay kinilabutan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD