Chapter 1
Summer's POV
Agad akong bumaba ng motor nang marating ang parking lot ng school 'ko. Napangiti ako ng makita ang kaibigan 'ko. Busangot ang mukha nito habang nakatingin sa cellphone niya. Kanina pa siguro ako inaantay nito.
"Bakit ang tagal mo?" nakasimangot nitong tanong, nilagay niya sa bulsa ng pantalon niya ang cellphone na kanina'y hawak niya. "Kanina pa 'ko rito! Nakakairita mga tinginan nila. Ngayon lang ata sila nakakita ng maganda. Psh," maarteng sambit nito na siyang itinawa 'ko.
"Traffic kaya natagalan ako," simpleng sagot 'ko rito.
"Traffic? E nakamotor ka naman! Sinong niloko mo? Siguro nakipagkita ka, ano?" halos maningkit ang mata nito habang nakapamaywang pa.
"Kita mo ba ang laki ng motor 'ko? Sa tingin mo makakasingit ako basta-basta?" kunot-noong tanong 'ko rito.
Wala siyang nagawa kundi ang sumimangot. Inaya 'ko na siyang pumasok ng tuluyan. At tama nga siya, maraming estudyante ang nakatingin sa amin na animo'y ngayon lang nakakita ng bagong estudyante. Ang iba sa kanila ay nagbubulungan habang nakatingin sa amin. Ang iba naman ay masasama ang tingin na para bang may ginawa kaming mali sa kanila.
Minabuti 'kong hindi na lamang ito pansinin. Nagpatuloy kami sa paglakad hanggang sa makarating kami sa field. Kakaunti lang ang estudyanteng narito, masyado kasing mainit. Wala ring mga naglalarong mga estudyante.
"Aray!" Halos matumba ako ng may tumama sa ulo 'ko, mabuti na lamang at inalalayan ako ni Penelope.
"Omg, Sam! Are you okay?" hindi 'ko man makita ang mukha nito ngunit nababakasan 'ko naman ng pag-aalala ang tinig nito. "Who the f**k throw that f*****g ball?!" sigaw nito.
"Ako," napatingin ako sa lalaking nagsalita. Napakunot-noo ako habang nakatingin dito. Taas noo itong nakatingin sa amin, nakapamulsa pa ito. "I don't have the intention to hurt your friend. Hindi 'ko inaasahan na susulpot kayo bigla sa gitna ng field," maangas nitong sagot kay Penelope.
"Hindi ka manlang ba magsosorry?" inis na tanong ni Penelope rito. Imbis na magsorry ay ngumisi pa ito sa amin. Hanep. " What? Wala ka talagang balak magsorry? Ikaw na nga itong nakatama ng bola ikaw pa itong may ganang ngumisi?"
"Hindi 'ko kasalanan na sumulpot kayo diyan. Alam niyong field ito, dito pa kayo dadaan. Aren't you even thinking?" bakas ang inis sa tono ng boses nito.
'Ang sarap niyang sapakin...'
Sasagot pa sana si Penelope pero pinigilan 'ko na. Hinawakan 'ko ang braso nito. Sinenyasan 'ko siyang huminto na, bumuntong-hininga muna ito. Muling siyang tumitig sa lalaking kaharap namin at dinuro ito.
"Sa susunod na saktan mo ang kaibigan 'ko, sinasadya mo man o hindi malilintikan ka sa akin!" sambit nito. Napangisi naman ang lalaking kaharap namin sa kanya. Nakaramdam ako ng inis dahil sa ginawa niya. Tumingin sa akin si Penelope at hinawakan ang kamay 'ko. "Gaja! Sonyeon-eun jeongmal jjajeungnayo!" Bahagya pa itong umirap sa lalaking kaharap namin.
[ Translation: Let's go! This boy is so annoying! ]
Marahan niyang inalalayan ang likuran 'ko habang naglalakad. Katulad niya, nakabusangot na rin ang mukha 'ko. Masakit talaga iyong pagtama ng bola sa ulo 'ko. Kung wala ro'n si Penelope baka nakahandusay na ako sa field. Mabuti na lamang at hindi dumugo ang ulo 'ko.
Habang naglalakad kami panay pa rin ang salita ni Penelope. Gusto 'kong matawa sa inaasta niya, parang siya itong nabato ng bola kung sumimangot siya. Napangiti na lamang ako bahagya sa inaasal nito. Parang bata...
"Ipatingin mo muna 'yang ulo mo bago tayo pumasok," malumanay niyang sabi ngunit mababakasan pa rin ang inis sa tono nito. Dinala niya ako sa kama at pinaupo roon. Lumapit ang isang nurse sa amin, marahan nitong tiningnan parte ng ulo 'ko kung saan ako tinamaan ng bola.
"Anong nangyari?" tanong nito habang chinecheck ang ulo 'ko.
"May abnormal na bumato sa kanya ng bola sa field."
"Mabuti na lamang at hindi gano'n kalakas ang impact sa ulo mo. Walang damage na natamo ang parte ng ulo mo na ito," nakangiting sambit ng nurse habang tinuturo sa akin ang ulo ko na animo'y makikita 'ko. "Ipahinga mo na lamang ito. Bago lang ba kayo sa school na 'to?"
"Opo, kakapasok lang namin," magalang 'kong sagot.
"Kung gayon kayo pala talaga ang inaabangan ng mga estudyante," tatango tango nitong sambit. Nagkatinginan kami ni Penelope, parehong nagtataka sa sinabi nito. Muli 'kong ibinalik ang tingin sa nurse. "Noong nakaraang linggo kasi ay may inanunsyo ang Dean ng school na 'to tungkol sa dalawang estudyante ng magtatransfer dito. Simula noon ay inaantay kayo ng mga estudyante, ilang taon na rin ng may magtransfer dito," tuloy-tuloy na kwento ng nurse. Bahagya pa itong bumuntong-hininga. "Ilang taon na rin ang nakalilipas ng may magtangkang magtransfer sa school na 'to. Sikat man ang eskwelahan na ito, takot naman ang ibang students na mag-aral dito."
"Ho? Bakit naman sila matatakot?" takang tanong ni Penelope.
"Marami kasing bullies dito. Kilala ang mga estudyante ng school na ito as bullies. Madalas ang target nila iyong mga bago, iyon bang madadali nilang i-bully. Nang malaman ng ibang mga estudyante ang bagay na 'yon, wala ng nagtangkang pumasok. Sino nga ba ang papasok sa eskwelahang puro loko-loko ang mga estudyante, hindi ba?" natatawang kwento nito. "Kaya naman lahat nagulat ng malaman nilang may mga bagong estudyanteng magtatransfer sa eskwelahan na ito. Kaya hindi na rin ako nagtaka na pumunta kayo rito sa clinic," tumayo ito at kumuha ng gamit. Kanina niya pa ako ginagamot, mukhang unang araw pa lang malelate na kami. Tsk. "Mabuti hindi ka napuruhan. Mag-ingat na lamang kayo, kadalasan after one week ay titigil na rin sila. Huwag niyo na lang patulan ang mga bully dito, magsasawa rin sila."
"Hindi ba sila natatakot sa dean? Wala bang nagsusumbong na mga estudyante?" kunot-noong tanong 'ko.
'Mga utak kriminal pala ang mga estudyante rito. Bakit ba ako lumipat? Tsk...'
"Walang nagtatangkang magreklamo. Anak kasi ng may-ari ng school ang numero unong bully dito. Sino bang matatakot kumalaban do'n, hindi ba?" bumuntong-hininga ito at tumingin sa amin. "Marami ng estudyante ang umalis dito dahil hindi nakayanan ang mga ginagawa ng bullies. Ang iba naman ay..."
Hindi na nito natapos ang ginagawa ng biglang may pumasok. Isang estudyante, napatingin ito sa gawi namin at muling ibinalik ang tingin sa nurse. Bahagya itong ngumiti.
Bumaling ng tingin ang nurse sa amin. "Okay na ang ulo mo, miss. Pwede na kayong pumasok sa klase ninyo."
Inalalayan ako ni Penelope sa pagtayo. Hindi naman gano'n kalala ang tama ng bola sa ulo 'ko. Mabuti na lang at wala akong nakuhang injury kundi malilintikan talaga ang mga estudyanteng iyon.
Lumabas kami ni Penelope ng clinic. May iilan pa ring estudyante ang naririto. Katulad kanina pinagtitinginan pa rin nila kami. Ang iba ay nagbubulungan. Nagpatuloy kami sa paglakad hanggang sa marating namin ang building ng mga high school.
Wala ng estudyante sa parteng ito ng campus. Kanina pa nagstart ang klase at kanina pa kami late. May iilan pa ring nakatingin sa amin kahit nasa loob na sila ng classroom. Masasama ang tinginan nila sa amin na para bang may ginawa kaming mali sa kanila.
'Anong problema ng mga estudyanteng 'to?'
Huminto kami sa third floor, ang classroom kasi namin ay nasa gitnang parte ng third floor. Nakasarado ang pinto kaya naman kinatok pa namin ito ng tatlong beses hanggang sa marinig namin ang boses ng lecturer. Agad kaming pumasok ni Penelope sa loob, ayon na naman ang mga masasamang tinginan at bulungan ng mga estudyante.
"Kanina 'ko pa kayo inaantay, bakit ngayon lang kayo?" kunot-noong tanong ng lecturer. "Sige na, magpakilala muna kayo sa mga kaklase niyo. Next time ayokong malelate kayo, naiintindihan niyo?" mataray na sambit nito, napatango naman kami bilang sagot.
"I'm Penelope Lee. Nice to meet you all," nakangiti ngunit bakas ang pagiging ilang ni Penelope habang nagpapakilala.
Sino nga bang hindi maiilang kung ang sasama ng tingin sa'yo ng mga estudyante? Gayong wala ka naman ginagawang mali sa kanila.
"I'm Summer Kim. Nice to meet you all."
"Koreana ka?" manghang tanong ni Ma'am. Napatango naman ako. "Oh, that's nice. You may sit down."
Habang naglalakad papunta sa likuran ramdam 'ko pa rin ang tingin nila. Hindi ba sila nagsasawang titigan kami? Napatigil ako sa paglakad ng bahagya akong hawakan ng isang estudyante. Napakunot-noo ako ng maramdaman ang isang bagay na isiniksik nito sa aking palad. Titingnan 'ko na sana siya ng sawayin ako ng lecturer kaya nagmadali akong maupo sa bakanteng upuan.
"We meet again," halos magtayuan ang balahibo 'ko ng bulungan ako ng katabi 'ko. "Pagsisisihan mong lumipat ka pa sa eskwelahang ito."
Tinitigan 'ko ito ng walang emosyon ang mukha. "Ano namang gagawin mo? Tatakutin mo 'ko? Ibubully mo 'ko? Do you really think I'm that stupid to fall in you traps?"
"Gagawin 'kong miserable ang buhay mo hanggang sa ikaw na mismo ang umalis," seryoso niyang sambit.
"What the hell is your problem?" inis 'kong tanong dito.
"Gusto 'kong umalis kayo sa eskwelahan na 'to hangga't maaga pa," nakatitig ito sa akin mga mata, seryosong seryoso. "Hindi niyo alam ang pinasok ninyo."
Hindi na ako nakasagot pa ng bigla itong tumayo at lumabas ng classroom. Doon 'ko lang narealize na tapos na pala ang klase. Naiwan akong nakatulala habang nakatingin sa upuan niya.
" Weirdo..."
Bahagya 'kong iniling ang ulo 'ko. Ano bang problema ng mga estudyante rito? Gano'n ba nila kaayaw na may magtransfer? Hindi 'ko na lamang pinansin ang sinabi nito. Iilang estudyante na lamang ang natitira sa loob ng classroom, ang iba ay lumabas.
"Katabi mo pala iyong lalaking bumato sa'yo," sambit ni Penelope. Umupo ito sa tabi 'ko. "Ayos ka lang ba? Gusto mo bang magpalit tayo ng upuan? Ayos lang naman sa akin," bakas ang pag-aalala sa tono ng boses nito.
"Ayos lang naman sa akin. Mas maganda ang pwesto 'ko rito kompara sa pwesto mo," bahagya 'ko pang itinuro ang kinauupuan niya kanina. "At isa pa, kaya 'ko ang sarili 'ko. Huwag ka ng mag-alala."
"Paano kung ulitin niya 'yung ginawa niya sa'yo kanina?" tanong nito.
"Hindi naman na siguro mauuulit 'yon. Kung maulit man, syempre gaganti na ako. Hindi 'ko hahayaang apihin nila ako, ano," natatawa 'kong sagot dito. Sumimangot naman siya dahil do'n. "Ano ka ba, Penelope, huwag ka ng mag-aalala okay? Kaya 'ko ang sarili 'ko at isa pa nasa iisang classroom tayo, hello? At katabing-katabi 'ko lang siya kayang-kaya 'kong saktan siya if ever na maulit."
"Hay nako! Bahala ka! Bast ha, kapag may ginawa siya sa'yo nando'n lang ako sa bandang likod. Tumingin ka lang sa akin, ako ng bahalang sumuntok sa kanya. Hahaha!" tumatawa nitong sambit. Agad namang sumeryoso ang mukha niya at tumitig sa akin. "Ano nga pala iyong pinag-usapan niyo? May sinabi ba siya sa'yo?"
"Hmm..." nagkunwari pa akong nag-iisip bago tuluyang sabihin ang sinabi nito. "Sabi niya pagsisisihan natin na pumasok pa tayo rito," natatawang sambit 'ko. "He's weird. He told me na hindi natin alam kung anong pinasok natin."
"Eh? Nasa tamang eskwelahan naman tayo, diba?" takang tanong nito habang tinitingnan ang cellphone. "Lahat sila weirdo. Alam mo bang ganyan din ang sinabi sa akin ng nerd 'kong katabi? Hindi 'ko na nga lang inimikan para manahimik na e," umirap naman ito sa kawalan. "Oh, tingnan mo hanggang ngayon pinagtitinginan pa rin tayo. Psh."
Agad siyang umalis sa tabi 'ko nang dumating ang lecturer namin. History ang subject namin ngayon, mabuti na lang interesado ako sa History kung hindi baka kanina pa ako nakatulog. Nakakaantok kasi ang boses nito, kung ikumkompara sa lecturer kanina.
Panay ang tingin 'ko sa pinto at hindi 'ko alam bakit. Para bang may nagmamasid sa akin. Kusang nagtataas ang balahibo 'ko kapag tumitingin sa pinto. Hindi naman malamig, pero hindi rin mainit. Hindi lang talaga akma ang panahon para magtaasan ang mga balahibo 'ko. Para bang may humahaplos sa mga braso 'kong hindi 'ko nakikita.
Natapos ang second subject namin pansin 'ko pa rin ang dalawang mata na nagmamasid sa akin. Hindi 'ko na lamang ito pinansin. Nagmadali akong mag-ayos ng gamit 'ko. Pinuntahan 'ko sa pwesto niya si Penelope, ilang minuto pa kaming nag-usap bago tuluyang lumabas ng classroom.
Kakaunti lang ang mga estudyanteng nasa corridor. At lahat sila malalayo ang pwesto. Kaya nasisigurado 'kong wala sa kanila ang kanina pa nagmamasid sa akin. Sino? Sino ang taong 'yon? Bakit niya ako pinagmamasdan? Anong kailangan niya?
Nakarating kami sa cafeteria na okupado ang isipan 'ko ng mga tanong. Katulad kanina, ayon na naman ang mga tinginan at bulungan nila. Habang naglalakad ay nagtitingin-tingin kami ng pwesto na bakante. Pumwesto kami sa bandang gitna ng cafeteria. Ayon na lang kasi ang pwesto na hindi okupado.
"Ako na ang oorder," bulong ni Penelope, tumango na lamang ako sa kanya.
Nang makaalis si Penelope agad 'kong nilibot ang paningin sa kabuuan ng cafeteria. Malaki ito, ilang classroom ang laki ng cafeteria. Maraming upuan at halos lahat iyon ay okupado na. May isang mahabang counter sa dulo, iyon bang katulad sa mga fast food chain. May iilang waiter na nag-iikot at kumukuha ng mga order. Meron ding mga kumukuha ng mga pinagkaininan ng mha estudyante.
Napako ang tingin 'ko sa mga titig ng katabi 'kong lalaki kanina. Siya rin iyong bumato sa akin. Seryoso siya habang nakatitig sa akin, hindi masama ngunit hindi rin magandang titig. May tatlo siyang kasama sa table, isang lalaki lang ang familiar sa akin, iyong kasama niya sa field. Iyong dalawa ay hindi 'ko na kilala.
Napaiwas ako ng tingin ng may marinig akong malakas na kalabog kasabay niyon ay mga tawanan ng mha estudyante. Napatingin ako sa direksyo ng ingay, napatayo ako ng makita si Penelope.
"What the f**k is your problem?!" inis na tanong ni Penelope. Wala siyang nakuhang sagot kundi ang maaarteng mga tawanan lang ng grupo ng babae. Marahil sila ang gumawa no'n kay Penelope. Puno ng spaghetti pasta ang ulo ni Penelope, nagkalat din ang sauce nito sa damit niya. Puti pa naman ang t-shirt niya. Tsk.
'Mahirap matanggal ang mantsa'ng 'yon...'
"My problem is you," maaarteng sambit ng babae. "You know what? Kung sa'yo aalis na ako sa eskwelahan na 'to. You and your friend doesn't belong here!" bahagya pa nitong itinulak si Penelope gamit ang isang daliri. "Look at you, you look like a trash. And a trash like you doesn't belong here. Hindi ka manlang ba nahihiya?"
"Ikaw hindi ka ba nahihiya?" kunot-noong tanong 'ko rito.
Humarap siya kasabay ng mga alipores niya sa gawi 'ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Bahagya pa siyang ngumiwi habang nakatitig sa akin.
"Why would I?" natatawa niyang tanong. "At bakit ka ba nangingialam dito ha? Gusto mo ring matulad sa kaibigan mo?"
"Hindi," simpleng sagot 'ko. Tiningnan 'ko ito mula ulo hanggang paa. "Tigilan mo ang kaibigan 'ko kung ayaw mong masaktan. Alam mo bang mahirap tanggalin ang mantsa'ng yan sa damit niya?"
"Hah!" natatawang sagot nito. "And so? Hindi naman kami ang maglalaba, kaya bakit pa namin poproblemahin 'yon?" nakangising sambit nito. "Alam mo magkaibigan nga kayo, pareho kayong basura!"
"Mas basura ka dahil sa ugali mo."
"W-what?!" gulat na tanong nito. "Did you just call me trash?! What the heck?!"
"Basura ka na nga, tanga ka pa," pang-iinis 'ko rito. "You better stop bago pa kita patulan."
"Kailangan 'ko na bang matakot? Ooohhhh... you're so scary. I think I need to call my Dad," natatawang pang-iinis nito sa akin.
"Dapat ka lang matakot..." nakangisi 'kong sambit dito bahagya akong lumapit sa kanya. "... dahil hindi mo magugustuhan ang magagawa 'ko sa'yo. You don't know me, hindi mo alam sinong binubully mo."
"Don't you dare touch me you disgusting s**t!" sigaw nito ng akmang lalapit ako sa kanya. "Umalis na kayo rito dahil hindi lang yan ang kaya 'kong gawin sa'yo!"
Binangga ako nito at tuluyan ng umalis. Masasamang tingin naman ang natanggap 'ko sa mga estudyanteng naririto. Agad 'kong nilapitan si Penelope na noon ay nagtitimpi sa galit.
"Gwaenchana?" tanong 'ko rito ng makalapit ako.
[ Translation: Are you okay? ]
"Ne, gwaenchanh-ayo," sagot nito. Hindi pa rin naalis ang masamang tingin sa babaeng nambully sa kanya.
[ Translation: Yes, I'm fine. ]
Bumalik ako sa pwesto namin at kinuha ang lahat ng gamit namin. Inaya 'kong umalis na si Penelope, agad naman itong sumama sa akin. Palabas na sana kami ng mapatingin ako sa pwesto ng lalaking bumato sa ulo 'ko. Naka-smirk ito habang seryosong nakatitig sa akin. Iniwas 'ko ang tingin 'ko at tuluyan ng lumabas ng cafeteria.
"Peste! Peste talaga!" inis na sambit ni Penelope. Bahagya pa itong sumipa sa hangin. "Bwisit 'yong babaeng 'yon! Hindi niya ba alam kung magkano 'to?! Ang hirap pa namang labhan nito, bwisit!" tumigil siya kakasipa sa Bermuda grass at masamang tumitig sa kawalan. "I swear gaganti ako sa babaeng 'yon! Hangga't hindi natatapos ang school year na 'to! Hindi ako papayag na hindi ako makaganti!"
"Tsk... halika na sa dorm," natatawa 'kong sambit. "May pamalit ka ba?"
"Ayon nga ang isa sa mga kinaiinisan 'ko! Wala akong pamalit! Peste!" muli na naman siyang sumipa sa hangin. Kung titingnan ang itsura niya ngayon, hindi 'ko alam kung matatawa ako o maaawa sa kanya. "Mamaya pa darating yung gamit natin. Paano ako papasok nito?! Hanggang pants 'ko merong sauce!"
"Hmm... para kang natagusan," natatawa 'kong sambit sa kanya. Isang masamang tingin ang sinagot niya sa pang-iinis 'ko. Naitaas 'ko ang kamay 'ko, iyon bang parang sumusurrender. "Kung gusto mo huwag ka na lang pumasok, do'n ka na lang muna sa dorm natin."
"Hmm..." umasta siyang parang nag-iisip. Tumingin siya sa akin na at ngumisi. "Gandang ideya yan! Tutal tinatamad din naman akong pumasok. Hahaha!"
'Abnoy...'
Katulad ng napag-usapan, magsstay muna sa dorm si Penelope dahil wala siyang pamalit. May dorm sa loob ng school, choice na namin kung magsstay kami rito o hindi. Kasama sa bayad ang dorm kaya sayang kung hindi kami rito magsstay, at isa pa malayo ang biyahe pauwi sa bahay. Kaya nagdecide kaming dito na tumira sa dorm.
Nasa isang malaking building kami. Dalawa ang building na ito para sa dorm, isa sa lalaki at isa para sa babae. Kung titingnan parang apartelle ang building na ito. Halatang bago lang dahil maganda pa tingnan. Unang bubungad ang lounge, parang pang-hotel ang style nito. May isang malaking sala set sa gitna, isang counter, at daan papunta sa cafeteria sa loob ng dorm building. May dalawang elevator sa gitnang bahagi ng building. May hagdan din sa tabi nito. Maaliwalas ang buong paligid, halatang alaga sa linis ito.
Agad kaming sumakay ni Penelope sa elevator. 7th floor ang dorm namin, kaya naman nakakapagod kung maghahagdan. Pansin 'ko ang pagiging busangot ng mukha ni Penelope habang nakasakay sa elevator, gusto 'ko siyang tawanan dahil sa itsura niya pero pinigilan 'ko na lang.
Isang mahabang pasilyo ang bumungad sa amin. 5 star hotel ang style ng mga ito. Kung hindi 'ko alam na nasa eskwelahan ako, malamang iisipin 'kong nasa hotel talaga ako. Agad kaming pumasok sa loob ng dorm room namin nang mahanap ito. May dalawang kama sa loob ng kwarto. Dalawang study table, meron ding mini fridge sa bandang paanan. May dalawang banyo sa loob. Sakto para sa dalawang tao ang kwarto. Hindi masikip pero hindi rin maluwag. Sulit na para sa bayad.
Pabagsak na umupo si Penelope para tingnan kung malambot ba ang mattress. Katapat ng isang study table ang isang bintana. Mula roon ay matatanaw ang kabuuan ng campus.
"Papasok ka ba?" tanong sa akin ni Penelope. Nang tingnan 'ko ito ay abala ito sa paglilibot sa kabuuan ng kwarto.
"Hindi na siguro. Sasamahan na kita rito," umupo ako sa kama. "Grabe, unang araw pa lang kung ano-ano ng naranasan natin," natatawa 'kong sambit. "No'ng papasok tayo, natamaan ako ng bola sa ulo. Buti walang nangyari! Tapos ngayon, ayan tingnan mo sarili mo."
"I know right!" inis na sambit ni Penelope. "Hindi 'ko akalaing ganito mangyayari sa atin! Bakit ba ganito mga estudyante rito? Ayaw na ayaw ng bagong estudyante, mga ignorante. Nakakainis!" muli itong sumipa sa hangin kahit pa nakaupo ito sa kama. "Hindi manlang tayo sinabihan ng tatay mo na ganito pala mga estudyante dito. Edi sana di na tayo nagtransfer."
Bigla akong napaisip sa sinabi niya. Bakit nga ba hindi kami sinabihan ni Papa? O baka hindi siya aware? Impossible naman. Mas lalo tuloy dumami ang tanong sa isip 'ko. Unang araw pa lang pero kung ano-ano ng naiisip 'ko tungkol sa eskwelahan na ito. Ang mga estudyante rito ang weird!
"Kung alam 'ko lang na ganito mangyayari sa atin hindi na sana ako pumayag sa gusto ni Papa," sambit 'ko. Pabagsak 'kong hiniga ang kalahati ng katawan 'ko sa kama. "Sa totoo lang..." bumuntong-hininga ako bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. "Ayos lang sa akin kung i-bully nila ako. One week, kapag one week at hindi pa rin natatapos ang pagpapahirap nila, doon na ako kikilos. Huwag sanang lumala ang ginagawa nila sa atin..."
Ipinikit 'ko ang mata 'ko ng wala akong narinig na sagot mula kay Penelope. Parang pagod na pagod ang mga talukap ng mata 'ko gayong wala naman akong ginawa. Hinayaan 'ko na lamang ang sarili 'kong makatulog.