CHAPTER 1
FREYA POV
Finally, after five years of relationship ay ikakasal na kaming dalawa ni Liam! Ito ang araw na pinaka hinihintay ko sa lahat. Iningatan ko ang p********e ko sa loob ng mahabang panahon upang ibigay ito sa kaniya kapag naikasal kaming dalawa. Naniniwala kami na s*x before marriage is a must! I know that I just turned 18 this year but it does not stop me from marrying someone I loved. Tapos na naman ako ng 2 years course sa business management so okay lang ito kay tito.
Habang inaayusan ako ng make up artist ay biglang pumasok sa loob si Tiyo Luke. Despite hitting the age of 40 ay mayroon pa ring asim si Tito. Malakas ang dating niya lalo na kapag mayroon siyang bigote. Ang tawag nga sa kaniya sa amin ay mersitizong gwapings.
Sa tuwing maliligo nga siya sa swimming pool namin ay palihim na sumisilip ang mga kasambahay namin. At kapag nahuhuli silang namboboso, natatawa lang si tito. Ngayong araw, siya ang pinaka pogi sa paningin ko ngunut kapag nakita ko si Liam, magiging pangalawa na lang siya hehe. Pumunta siya sa likuran ko at hinawakan ako sa aking mga balikat sabay ngiti.
"So ano excited ka na ba?" tanong niya.
Binigyan ko siya ng maaliwalas na ngiti, "Sobrang excited na po ako na maikasal kay Liam. Ilang taon kong hinintay ang araw na ito at ngayon ay para pa rin akong nasa alapaap. Sa wakas ay mag iisang dibdib na kaming dalawa."
Dumiin ang pag massage niya sa likuran ko at ang sarap nito sa pakiramdam.
"That's good to know. Ilang taon kitang inalagaan at iningatan. Ngayon, ipapasa ko na ang responsibilidad na ito kay Liam. May tiwala ako sa kaniya, alam kong aalagaan ka niya higit sa pag aalaga ako sayo sa loob ng 18 years."
"Opo tito! Nagpapasalamat po ako sa inyo sapagkat sa loob ng mahabang panahon ay kayo po ang tumulong sa akin. Hindi ko man nakagisnan ang mga magulang ko, at least kahit papaano ay naging maayos pa rin po ang pagpapalaki ninyo sa akin," sambit ko habang nakangiti ako sa kaniya sa harapan ng salamin, kinailangan ko pa ngang itaas ng bahagya ang mukha ko sa tangkad ni tito. 6'5 foot siya at may lahing American kaya ganito siya kataas. Kapag magkasama nga kaming dalawa, nakikita ko parati ang langit kapag tumitingala ako sa kaniya.
"Kagaya ng palagi kong sinasabi sayo, malaki ang utang na loob ko sa parents mo kaya rin kita inalagaan ng mabuti. Ngunit bago pa tayo mag dramahan rito, mauuna na ako sa wedding ceremony."
"Okay po tito. Ingat po kayo ha? At wag niyo po sanang ire reveal ang hitsura ko ngayon kay Liam. I want to surprise him. Gusto ko na matulala siya sa hitsura ko kapag naglalakad na ako sa isle mamaya."
"Why would I do that? He has to see you in person para makita niya kung gaano ka kaganda ngayon. By the way, I have been meaning to say that upon seeing you now. Ang swerte ni Liam na siya ang lalaking napili mo bilang asawa mo. At kagaya ng palagi kong sinasabi sayo, ang kasal ay forever na commitment at wala nang balikan pa ito once na maikasal na kayong dalawa."
Isinapuso ko ang advice na ito ni tito. Marami pa siyang mga advice tungkol sa pag ibig na ipinayo sa akin ngunit sa kabila ng mga ito, nagtataka ako kung bakit nanatili siyang single at hindi na nag hanap ng babaeng iibigin. Good catch siya. Gwapo, mayaman, mabait, at maginoong may magandang katawan. He has everything that a girl is dreaming of. Pantasya siya ng mga kababaihan.
"Hindi ko naman po nakakalimutan ang mga munting payo niyo sa akin. Matanong ko lang din po sana kung kelan niyo po balak na mag asawa kasi sayang ang pogi niyo eh."
Napakamot lang siya ng ulo na tila ay na stress sa sinabi kong ito. Ganito siya palagi kapag love life na niya ang pinag uusapan. Talagang kumukunot ang noo niya.
"Believe me, hindi ko rin ginusto na maging single ako. It just so happen na ang mga babaeng dine date ko ay bigla na lang nag lalaho na parang bula."
Palagi niyang iniiwasan ang tanong na ito. Subalit ngayon, nagulat ako ng isiwalat niya ang katotohanan sa akin. Never niyang nabanggit sa akin na mayroon siyang dine date dati at never ko rin itong napansin. Nakakatampo naman ito.
"Ha? Sayang po? Bakit niyo hindi nabanggit ang tungkol rito sa akin sa araw araw na magkasama tayong dalawa?"
"Ehh... hindi na kasi ito importante sa akin kaya inilihim ko ito sayo..."
"Pero sa akin ay importante po ito," nag tatampong sambit ko, "Kasi syempre sobrang workaholic po kayo at ginagawa ninyo lahat ng makakaya niyo para sa company natin. Deserve niyo rin na maging masaya. Gusto niyo ba na i set up ko kayo sa isang blind date."
"Pass agad!" mabilis niyang pag tanggi, "Masyado na akong matanda para makipag blind date. Sa ngayon, happy go lucky muna sa ako sa buhay ko. I would really like to focus my energy sa pagpapatakbo ng company. By the way, I really have to leave now. I shall see you later."
Bago umalis si tito ay nag nakaw muna ito ng halik sa pisngi ko. Nagulat ako kasi never niyang ginawa ito sa loob ng ilan taon. The last time na kiniss niya ako nito was on my 11th birthday party. Ang sweet ng kiss na ito, it's nothing like what I have felt sa mga naging halik sa akin ni Liam in our five years relationship. I feel like I'm blushing right now. He ruined my make up but I ain't mad at him.
Muli sana akong me make up-an ni Rose but I stopped her.
"Ayos na ako! Maraming salamat sayo ha? I have to go now!" I said, smiling to her.
"Ay sus! Naka tanggap ka lang ng kiss galing sa pogi mong tito ay ayaw mo na kaagad na ayusin ang make up mo na ginulo ng kiss niya." Panunukso niya pa.