Plagiarism is a crime
Chapter One
Sobrang nagmahal ng maling tao. Ikaw ba 'yon? Ay, tayo pala 'yon.
Ako si Daniella, maganda, matalino mayaman at higit sa lahat grabe kung magmahal. Ayos lang sa akin na walang celebration ng monthsary or kahit pa anniversary basta magkasama tayo o kaya batiin mo man lang ako. Pero sa sobrang maunawain kong klase ng babae kahit pa ako na ang tatawag or magte-text, kahit pa ako na ang magmukhang tanga sa pagpapapansin at paghabol sa 'yo maiparamdam ko lang na mahal kita.
Sabi nga nila bigay todo raw kung magmahal. Sabi naman ng ilan, tanga raw.
Pero ako kasi 'yong tipo ng tao na walang pakialam sa sasabihin nila. Basta mahal kita, period na.
4 years na kami ni Shaun. Tatag namin---? Wait, ako lang pala. Kasi kung mahina lang ako tiyak na 'di umabot ng ilang buwan. Pero dahil mahal ko sabi ko ilalaban ko s'ya. Ilalaban ko kung ano ang meron kaming dalawa. Ang tatag ko 'di ba? 4 years din nang katatagan 'yon. Pero na gising na lang ako isang umaga---parang isinampal sa akin ang reality na ako na lang 'yong lumalaban. Na ako na lang 'yong nag-iisip na mahal pa namin ang isa't isa. Nagising na lang ako na pakiramdam ko ang laki ng kulang sa akin at 'yong feeling na gusto kong mapunan iyon.
Pero paano? Magmakaawa kay Shaun na mahalin n'ya ako the way ng pagmamahal ko sa kanya? Or, hanapin sa iba 'yong kulang? Pero parehong mali.
Talk. 'Yon 'yong kailangan naming dalawa ni Shaun. Lalo na ako. Kaya nagpasya akong puntahan siya sa office nya. Busy s'ya, 'yon 'yong palagi nitong dahilan kapag nagpupunta ako sa kanya.
Pinapasok agad ako ng secretary, of course alam nitong ako ang girlfriend ng boss nito. Pagpasok ko inabutan ko itong abala sa computer nito. Halatang stress dahil sa tambak na papeles. Bigla tuloy akong na konsensya.
Dadagdag pa ba naman ako sa stress nito. Nang mag-angat ito nang tingin pilit itong ngumiti sa akin at sumenyas na lumapit sa akin. Humakbang ako palapit dito at sumenyas na maupo ako sa lap nito.
"Buti at napasyal ka!" halata ang eyebags nito at pangangayayat.
"You're not answering my calls!" nagtatampo kong sabi. 'Yong dami nang gumugulo sa isip ko kanina, it vanished instantly. I really love this man. Nang makaupo ako sa lap nito niyakap ko siya.
"I'm sorry, you know I'm busy, baby!"
"Always busy!" sabi ko rito na nakasiksik ang ilong sa leeg nito.
"Sorry!" humapit pa ang kamay nito sa bewang ko.
"I love you!" sabi ko rito. Pero walang tugon mula sa lalaki."I l-ove you!" ulit ko rito hoping na sasagutin nito ang sinabi ko.
"Ahmm!" tumikhim lang ito pero nanatili pa rin kaming magkayakap.
Bumuntonghininga ako saka nag-angat nang tingin sa kasintahan ko.
"I'm here to talk to you, but you look busy, kailan kaya tayo pwedeng mag-usap nang maayos?" kung hindi ko sisimulan ngayon, kelan pa? Kapag huli na ang lahat? Kapag kahit sarili ko hindi ko na maipaglaban?
"Sa Sunday, pupunta ako sa bahay mo! Ipagluto mo ako ng favorite ko, ha!" pilit nitong pinapasigla ang tinig. Tumango ako. Mukha s'yang pagod, pero hihintayin ko pa bang masagad na 'yong puso at katawan ko sa pagod sa paghihintay rito? Hindi na dapat umabot sa ganoon. Hindi na dapat.
Umalis din agad ako dahil busy nga ito. Nagpunta muna ako ng mall at nag-shopping. Saka pumasok sa isang restaurant. Pag-upo ko palang lumapit na agad ang server at nag-abot ng menu. Nagpasalamat ako saka sinimulang um-order ng biglang may umupo sa bakanteng upuan sa harap ko. May malawak na ngisi sa labi.
"Shade, what are you doing here?" nakasimangot kong tanong. Kakambal ito ni Shaun at ang big epal sa relasyon namin ni Shaun.
"Mukha ka kasing tanga na mag-isa na naman kaya sinundan kita from my twin's office." Tugon nito.
"A stalker?" nakaangat ang kilay na tanong ko rito.
"No, I'm not---same order, miss." sabi nito sa server na tumango saka nagpaalam nang umalis. Sinamaan ko ito nang tingin pero as usual ngumisi lang ito.
"I'm not a stalker, Danny. Mukha ka lang kasing kawawa kanina, so sinundan kita!"
"Ba't ba lagi mo na lang itong ginagawa? Para asarin na naman ba ako?" nakasimangot kong sabi. Ngunit umiling lang ito saka sumandal sa upuan nito.
"How are you and my asshole brother?" imbes sagutin nito ang tanong ay nagbato pa nang tanong.
"We're fine!" confident na sagot ko. Hinding-hindi ko bibigyan ng satisfaction ang lalaking ito na malaman na 'di kami okay ni Shaun.
"I'm not stupid like you, Danny. I know what's going on between you and my brother, so stop giving shitty 'we're fine' answers to me!"
"Ano bang pakialam mo? Are you planning to laugh at me again, or what?" Nakasimangot kong tahong dito.
"I'm here to give you some advice!" Sumandal pa ito sa upuan at tumitig sa akin. That kind of intense look. Very different from Shaun.
"And that is--?" nakaangat ang kilay na sabi ko rito.
"Stop your stupidity!" I know I'm stupid. Pero masakit din lalo pa't marinig iyon sa iba.
"I love Shaun!" 'Yon kasi 'yong pinanghahawakan ko. 'Yong pagmamahal ko kay Shaun. Kaya nagpapakatatag ako.
"I love him too, and I hate seeing my brother playing with your heart! I don't f*****g give it a damn about you, but it's my brother so here I am! " sabi nito saka ngumisi.
"You don't like me to be with him!" matagal ko ng alam iyon simula nang sumulpot sa kung saan si Shade at panay ang bigay ng advice sa akin.
"Definitely, hindi ikaw ang makapagpapabago sa kapatid ko! Between you and his job he definitely choose his job over you!" mapakla akang napangiti. Here we go again, naririnig ko na naman ang pangre-real talk nitong lalaking 'to sa akin. At lahat nang sinasabi nito ay totoo. May goal si Shaun, Ang mapatunayan ang sarili nito sa ama samantalang si Shade walang pakialam sa sasabihin ng ama nito. Shaun wants to prove to his father that he deserves the company position.
"Mas Mahal ng kakambal ko ang ginagawa n'ya and I want to support him but you---you need to continue your life without my brother, Danny! Wake up now, woman. Nag-iwas ako nang tingin dito. Bakit ba hindi pa ako na sanay sa bibig ng lalaking ito. Kahit pa pareho ito at si Shaun ng mukha magkaibang-magkaiba pa rin ang ugali.
"Tumatanda ka ng walang dereksyon ang buhay dahil pinaiikot mo sa maling tao ang mundo mo, you see my brother is not your sun! Same as you he's like a planet, umiikot ang mundo niya hindi para sa 'yo pero para sa sarili n'ya!"
"That's enough!" sabi ko rito saka akmang tatayo.
"Find someone who can see your worth! Kasi sa nakikita ko sa sobrang pagmamahal mo sa kapatid ko kahit ikaw nakakalimutan mo na rin ang halaga mo!" kumuyom ang kamao ko sa narinig mula sa lalaki.
Humakbang ako palayo. Pero paulit-ulit na nag-e-echo ang mga sinabi nito sa utak ko. Hindi ko nga namalayan na umiiyak na pala ako.
"Heay, Danny!" napahinto ako sa paglalakad ng bigla na lang itong umakbay sa akin."Stop crying, you look stupid and weak! Cheer up woman, you can easily find someone better, but I'm really sure that it's not Shaun, the asshole!" sabi nito.
Kahit pa tinabig ko ang kamay ni Shade patuloy pa rin itong umakbay hanggang marating ko ang parking lot. Malutong akong napamura nang makitang wala na ang sasakyan ko roon.
"What the f**k!?" hiyaw ko. Na-carnap ba ang sasakyan ko? Nasaan ang driver ko?
"Pinauwi ko na, ihahatid na kita!" saka ko lang na napansin ang bitbit nito."Pina-take out ko na, makikikain na lang ako sa bahay mo!" saka ako nito hinila patungo sa sasakyan nito.
Naguguluhan man hinayaan ko na lang si Shade sa gusto nitong mangyari. Inihatid nga ako nito sa bahay naabutan ko pa roon ang sasakyan ko na maayos na nakaparada.
Pagpasok namin nauna pa itong nagtungo sa kitchen at naghain ng take-outs.
"Akyat lang ako sa kwarto!" paalam ko rito saka dali-dali nang pumanhik.
Nagbihis muna ako saka ko binalikan ang binata na naabutan kong sumisimsim ng wine. Agad nitong iniabot ang wine glass na tinaggap ko naman. May ngisi sa labi nito pero binalewala ko lang saka inisang lagok lang ang laman saka ako nagtungo sa table kung saan naka ready na ang pagkain na tinake-out nito.
Pero pahakbang pa lang ako umikot na ang paningin ko. Mabilis naman ang binata na humapit sa bewang ko at umalalay. Kahit pa nanlalabo ang paningin ko dinig na dinig ko ang sinabi niya.
"Akin ka na, Danny. Akin ka na!" usal nito bago tuluyang nilamon ng kadiliman ang buo kong sistema.