Napadilat ng mata si Madison ng makarinig ng boses na kumakanta na parang nang gagaling sa sa loob ng apartment n'ya. Napabangon s'ya at napalingon sa may gawi ng banyo. Boses babae ang naririnig n'ya pero sino ang kumakanta sa loob ng banyo. Bumangon s'ya pero napatingin s'ya sa mesa ng makita ang mga lutong hotdog at itlog okay na sana nakaramdam na s'ya ng gutom pero ng makita ang tambak na ligpitin at kalat sa buong kusina n'ya pakiramdam n'ya nawalan na s'ya ng gana. Muling napatingin si Madison sa pinto ng banyo, si Jasper ba ang kumakanta sa loob ng banyo. Ano ito nag coconcert? at bakit boses babae ata ito, no wonder kung bakit pala ang hit ang lahat ng album ng grupo nito. Sumulat ako upang malaman mong Ako'y tapat pa rin sa 'yo May problema ka ba? Matutulungan ba kita? Sa ak