1952 Mabilis pero maingat ang ginawang pagpapatakbo ni Isagani sa kanyang Chrysler Crown Imperial limousine. Kailangan niyang umabot sa takdang oras ng kanyang kasal. Pero kailangan muna niyang puntahan ang bahay ng mga magulang ni Antonina. He overheard his father talking to his men. Pinasusunog nito ang bahay ng pamilya ni Antonina. He needed to warn them. Puro mayayabong na puno ang nakahilera sa bawat gilid ng mahabang kalsada. Kung lalagpas ka sa mga hilera ng puno ay kasukalan na. Walang gaanong sasakyan at wala ring mga tao sa palibot. May araw pa at mahaba pa ang oras. Kung walang magiging aberya ay matatapos ang araw na iyon nang matiwasay. Magiging asawa na niya ang babaeng iniibig niya nang higit pa sa kanyang buhay. "Please wait for me, mi amor." Gumuhit ang kidlat sa kalan