Nang matapos ako sa Trabaho ay nagtungko ako sa MoonVenus kung saan ako inaya ng Kaibigan kong makipagkita. Nakita ko siya nang makapasok ako. Nasa may tabi siya ng bintana at mukhang may kausap sa telepono. "Julia!!!" Nang maibaba nito ang tawag ay tumayo siya at dali dali akong niyakap. Talagang 'Hulya' pa ang pagkasabi nito sa pangalan "Grabe! Ang payat payat mo na!" Napatakip ito sa bibig niya na parang naluluha "Sobrang namiss kita Cathlyn!" Para kaming timang na kinikilig sa isa't isa. Napansin namin ang mga tingin ng ibang customer samin kaya naman maigi na kaming umupo Si Cathlyn ay kaibigan ko nung HighSchool. Nabalitaan ko kasing nakabalik na ito sa Pilipinas. Isa na siyang Model. Kita mo ang buhay. Nabubully rin siya kagaya ko nung Highschool at kami ang madalas na mag