Hindi ko maintindihan kung anong meron ngayon dito sa Opisina namin. Pagpasok ko ay ang daming Reporters at may mga Cameraman pa. Pansin kong nakikilala ko pa ang iba sa mga Reporters. Nagtungo ako sa Department namin. Magulo rin sila. Linapitan ko si Caroline na kanina pa yata may kausap sa Telepono
"Care? Bakit?" Untag ko sa kanya. Sinenyasan naman niya akong magintay ako. Tingnan ko ang ibang mga kasama ko parang lahat sila hindi nakafocus sa trabaho. Dahil ang alam ko ay may Meeting sana kami para sa Susunod na Fashion Event sa Katapusan ng Buwan
"Wala ka bang alam sa Balita talaga?" Biglang nagsalita si Caroline nang maibaba ang tawag. Umupo ako sa Swivel chair kung saan ang Table ko na katabi lang niya.
"Ang alin? Bakit may mga Reporters sa Baba?" Tanong ko rito
"Ito tignan mo yan." Sabi niya sa akin at iniharap ang Monitor ng Computer niya sa akin
'The Next CEO of Meredith Apparel is Dating Katherine Flores'
Napaawang ang bibig ko nang mabasa ko ang Headline ng News sa Internet. May Larawan sa baba nito at kung kilala mo si Tyron. Malalaman mong si Tyron ang kasama ni Katherine sa larawan na naghahalikan
"Bakit ang Tarantado ni Tyron?"
"Aray!" Hinampas ako ni Caroline
"Boss mo pa rin siya." Saad nito sa akin.
Nakatitig lang ako sa Monitor. Binabasa ko ng paulit ulit ang Eskandalo ni Tyron. Kaya naman pala ang daming reporter sa baba. Hindi man lang ba maisip ng kumag na Sikat si Katherine? Tapos nag ano sila? Ughh! Nakaka inis isipin ang bagay na iyon
Nagulat kami Bigla nang nagsidatingan ang mga Reporters sa Harap ng Department namin. Maagap na naisara ng mga Gwardiya ang Pintuan.
"Bakit sila nandito?" Lumapit ako kay Manong Guard na nagsara ng Pintuan
"Modelo niyo po ba si Katherine?"
"Oo. Modelo ko siya nitong nakaraang Fashion show--" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko. Nanlaki ang mata kong tumingin kay Caroline
"Wag mong sabihin iinterviewhin nila ako?"
"Ganun na nga." Bagsak ang balikat ni Caroline na sumagot sa akin.
Nakaligtaan ko palang Ako ang kumuha kay Katherine na Modelo. Napasabunot ako sa buhok ko. Kakarating ko lang sa Opisina ay ganito na agad ang madadatnan ko.
"Anong sasabihin ko sa Reporters? Saka hindi ako pwedeng magsalita. May Representative Speaker ang Kompanya. Hayaan na muna natin silang magusap tungkol dito. Hindi ako pwedeng makialam."
****************
Dalawang Oras yata kami na trap sa loob. Ni hindi kami magawa ng mga trabaho namin bago napaalis ang mga Reporter.
"Miss Juniel, Nandito po si Miss Katherine at ang Manager niya" Biglang bumukas ang pintoan at iniluwal ang Sekretarya ni Tyron na si Levin
"Sige. Kakausapin ko sila." Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko pero paalis na sana ako nang hinawakan ako ni Caroline
"Wag na wag mong idadamay ang sarili mo jan." Pagbabanta nito sa akin. Tinanguan ko lang ito at nagpatuloy sa pag lalakad ko.
Sinundan ko si Levin. Nasa VIP room daw kasi sila. At hindi ka basta basta makakapasok rito kahit Empleyado ka.
Binuksan ng dalawnag Gwardiya ang Malaking pintuan. Duon kami nagtungo ni Levin. Nakita ko si Katherine na parang sarap buhay. Na crossed legs pa ito at parang walang pake sa nangyayari. Ikinagulat ko ang presensya ni Tyron na nakamasid sa Binta. Nakapamulsa ito at parang ang layo ng iniisip
"Why do I have to take responsibility in your scandal? Modelo lang kita. Marami akong Models hindi lang ikaw ang pwede kong asikasuhin ngayong araw" Mataray na sabi ko rito. Tinaasan niya lang ako ng kilay at mahinang tumawa.
"The Thing is, Juniel. Kasama ka sa Office ni Tyron nang Nakuhanan siya ng Picture papalabas ng Opisina ni Tyron."
"So Witness ako?" Tinuro ko ang sarili ko. Pero hindi niya ako sinagot at nagtinginan sila ni Katherine.
"Wait. Your Glares are scaring me." Para akong nagsisimulang magkaruon nang ideya sa gusto nilang sabihin sa akin. Tumingin sa akin ang si Miss Rhye ang Manager ni Katherin na para bang nagaalalang ibuka ang ibig nito
"Baka pwede kang humarap sa Reporters at sabihing-"
"Claim that You are my girlfriend and Katherine is just your Model. And The Kiss was just a Friendly Kiss." Naputol ang sasabihin sana ni Miss Rhye nang biglang nagsalita si Tyron mula sa Likoran
Hindi ako nakapagsalita at inulit ulit kong inisip ang bawat katagang sinabi ni Tyron. I stared at him. Pero sa iba siya nakatitig. But he seemed so bothered. Kaya hindi ko alam kung ano ba ang dapat isasagot ko sa kanya o magsasalita pa ba ako. Dahil ayoko ang ideya niya
"Nasisiraan na ba kayo? Ako?" Tinuro ko ang sarili ko. at humalak hak "Stylist lang ako at Modelo kita. Modelo lang kita. I will not be responsible of your Scandals or either your personal life. " Tininginan ko si Katherine. Tumayo naman ito at nilapitan ako na parang susugurin na ako at sasbunutan ako pero pinigilan siya ni Miss Rhye
"Do you really think I like that Idea? Well wala akong pakialam sa Eskandalong ito. You people are the ones who's bothered by it. Diba Tyron? Why should we deny it? May nangyari sa atin at hindi lang naman isang beses ah? There's a reason for us to date for real!"

"Shut Up. Katherine!" Biglang sumigaw sa galit si Tyron. When I glanced at him. He was angry. Tumalikod siya pero naramdaman ko ang frustration sa boses nito. Napayuko nalang si Miss Rhye at bumulong kay Katherine pero padabog na lumayo si Katherin at nagtungo kay Tyron
"Bakit Ayaw mo? What's wrong? All you have to do is to admit that You and I are dating!"
Liningon ito ni Tyron. Nakita ko ang pag ngisi ni Tyron. Lumapit siya kay Katherine at hinawi ang buhok nito. "You and I are nothing Katherine" He smirked.
Parang nakaramdam ako ng pagkainis sa inasta ni Tyron. Nakita kong nanlilisik ang mga mata ni Katherine. Padabog itong nagmartsa paalis ng Room. Sumunod naman ang Manager niya sa kanya. Ngayon ay kaming dalawa nalang ang naiwan sa loob ng Kwarto
"Bakit mo kailangang sabihin yon?" Lumapit ako kay Tyron. Humarap agad ito sa akin. Bigla namang nag iba ang t***k ng puso ko. Para akong nataranta na hindi ko na alam ang susunod kong sasabihin. Ang lakas ng loob kong lapitan siya.
"Becuase that's the truth. Magsisinungaling pa ba ako?"
"Pero--"
"That's the best thing in me. I am honest when it comes to girls. Because I don't wanna hurt them" seryososng saad nito.
"Kahit na. Kailangan mo parin panagutan yung eskandalo. Hindi mo siya pwedeng hayaan na siya lang mismo haharap nito. "
"I never said I will run away. That's why I need your help. That was the whole plan. Pero ayaw mo at ayaw niya." Nagbuntong hininga ako. Papaano ba naman kasi ako mag aagree sa plano nila? Bakit ako madadamay? Kilala ko ang Pamilya ni Tyron. Kapag nalaman iyan ng Daddy niya hindi siya matutuwa. Kahit hindi totoo ay maapektuhan parin ang Image ni Tyron at ang Career ko.
"Pero bakit ako? Pwede ka namang humarap sa kanila sabihin mong hindi totoo. Hindi lang Image ni Katherine ang prinoprotektahan dito. Ako rin ang masisira at ikaw"
"You know what? I don't really care about that. Scandal? Go on. They can tell everybody what they wanna make up with that stupid Picture for all I care! But I will not have a relationship with her. And that is our Plan B. Go on with the scandal. " Nilagpasan niya ako at dumeretso sa Side table kung saan siya nagsalin ng Alak sa baso niya at tinungga niya ito ng isang beses lang.
"Bakit ayaw mo makipagrelasyon?" Natulala ako at naitanong ko sa kanya.
"The difference is, Kapag si Katherine gusto nilang maging Kami ng totoo and You show off relationship lang."
"Bakit nga ayaw mo?" He then craned his back and faced me. Inilapad niya ang baso niya sa lamesa
"What's my other name for you?" Kumunot ang noo niya
"M-Manwhor-re" Nauutal ako. Inalis ko ang titig sa kanya. Napansin ko ang paglapit niya sa akin
"I have three rules. The moment I laid you in my bed, My rules will be effective by then. " Tumingin ako sa kanya. nakatuon na ngayon ang titig nito sa akin. Para akong inaakyat ng hindi ko alam kung ilang boltahe ng kuryente sa katawan ko ngayon
"First Rule. Don't ask Why. Second Rule. Don't Expect Something. Third Rule. You're Just A distraction. Katherine is very well awared of that. "
Napaatras ako nang patuloy siyang lumapit sa akin. Hanggang naramdaman ko an Glass Windows. At wala na akong aatrasan pa. Ang lapit lapit ni Tyron sa akin. Nararamdaman ko ang Paghinga niya. Hindi ako makagalaw o makalayo mula sa kanya.
"I don't do Relationship Juniel. Don't worry. "
***************
UNEDITED
Itutuloy po.
Thank You!