Nagtinginan kami ni Tyron. Hindi ko alam pero mistula ako nanigas at parang nabibingi ang tenga ko sa lakas ng Kabog ng dibdib ko. "Miss Caroline, I came personally to give you this. Para sa Showcase ng New Arrivals ng mga Clothes this Month. Sana maihabol niyo." Natunga nga ko nang lagpasan ako ni Tyron at nagtungo kay Caroline. Tumayo naman ang babaeng ito at masayang inabot ang Folder na binigay ni Tyron sa kanya. Parang wala lang kay Tyron ang narinig niya. Umalis siya na parang napadaan lang. Napatigil ako nang hinampas ako ni Care. "Ang Hot ni Sir!" Napakagat pa ito sa labi. "Kumusta ang halik niya? Masarap ba?" Sunod sunod na tanong nito. Napatayo ako at napatulala. This is bad. Hindi na maalis sa isip ko ang Halik ni Tyron. Parang paulit ulit na nagrerewind sa isip ko ang halik