Chapter 9

1151 Words
Hera Garcia "Tay, salamat po sa paghatid." ani ko kay Tatay Igme. Ang taxi driver na laging naghahatid o sundo sa akin dito sa Facts. Mabait si Tatay Igme, pati ang may bahay niyang si Nanay Senda at ang nag-iisang nilang anak na si Junjun. "Naku wala 'yun anak sa mga naitulong mo sa amin." ani ni Tatay Igme. Nakilala ko si Tatay Igme nang sumakay ako sa kanyang taxi pauwi galing ako no'n sa isang art exhibit nang biglang bumuhos ang malakas na ulan at nasiraan kami. Mabuti na lang at malapit ang bahay nila sa lugar kung saan kami nasiraan. Do'n ko nakilala ang may bahay niyang si Nanay Senda at anak nilang si Junjun. "Kawawang ama walang kaalam-alam sa pinaggagawa ng anak." Napalingon ako sa nagsalita at mukha ni Shancy ang nakkta ko kasama ang dalawang alipores niya. "Ikaw ba ang pinaparinggan ng babaeng 'yun?" ani ni Tatay Igme. "Hindi po, Tay baka isa lang sa mga katrabaho ko. 'Wag niyo na lang pong pansinin." "O siya sige, paano aalis na ako. Mamamasada pa ako." ani ni Tay Igme. "Sige po, Tay. Mag-iingat po kayo. Magte-text lang po ako sa inyo kapag pauwi na ako." Pagkaalis ni Tatay Igme pumasok na ako. Hindi ko na pinansin ang grupo ni Shancy sa gilid ng intrada ng kompanya. Masisira lang ang umpisa ng araw ko kung kasakaling patulan ko sila. "Bakla, mabuti't dumating ka na. Kanina pa hinahanap ni Sir CJ." Bungad sa'kin ni Mikey nang makarating ako sa station ko. "Bakit daw? Ang aga-aga pa. Wala pang alas otso." Alas-syite y medja pa lang at may tatlong pung minuto pa bago ang oras ng trabaho. Ano naman kaya ang kailangan ng lalaking 'yun? "Hindi ko alam basta sinabi ni Lyn na pinapapunta ka sa office ng Sir CJ." "O sige-sige, pupuntahan ko na ang isa 'yun." Mabigat ang paang binabaybay ko ang opisina ni CJ. Nagpapasalamat nga ako na natapos na ang pagtuturo ko sa kanya no'ng isang araw dahil hindi na mukha niya ang una kong makikita sa umaga pero ito pinapatawag niya ako. "Good morning, Lyn." Bati ko kay Lyn na kasalukuyang nag-aayos ng mesa niya. "Pinapatawag daw ako ni Sir CJ?" Patuloy ko. "Magandang umaga rin. Oo, kanina ka pa niya hinihintay sa loob. Kumatok ka na lang." aniya. Ginawa ko ang sinabi niya at naka-isang katok pa lang ako ay may nagsalita na mula sa loob. "Come in." Napataas ang kilay ko. Gano'n ba siya ka atat na makita ako. Walang salitang pumasok ako sa opisina niya. Nakita ko siyang nakaupo sa likod ng mesa niya. May suot siyang salamin sa mata at tila may binabasa. Busy pala ang taong 'to pinapatawag pa ako. Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya at epektib naman dahil nakatingin na siya sa'kin ngayon. "Pinapatawag niyo po raw ako, Sir?" Siyempre, may galang pa rin tayo kahit hindi kagalang-galang ang kaharap natin. "Oo. Maupo ka." Naupo ako sa upuan na nasa harap ng mesa niya. "Pinapatawag kita dahil magpapatulong ako." Nangunot ang noo ko. May nakalimutan na naman ba siya sa mga tinuro ko sa kanya? "May nakalimutan ka sa mga tinuro ko?" "Hindi. Wala akong problema ro'n. Magpapatulong lang sana ako." Tila nahihiya pa siyang sabihin kung anong tulong ang gusto niya. "Birthday kasi ng inaanak ni Dad sa susunod na linggo at hindi ko alam kung ano ang ire-regalo ko." Nahihiyang aniya sabay kamot sa batok niya habang ako ito nakanganga. Para 'yun lang at pinatawag pa ako. "Pinatawag mo ako para lang do'n? Bakit hindi na lang si Lyn ang isturbuhin mo at saka diba magaling kang dumiskarte sa mga naging babae mo. Ba't hindi sila ang tanungin mo kung anong magandang pan-regalo sa isang- Teka, babae ba ang inaanak ni Mr. Cervantes?" "Oo. Sabi ni Dad pupunta raw kaming lahat. Kahit hindi ko kilala ang may birthday nakakahiya namang wala akong i-regalo sa kanya." Sigurado akong ako tinutukoy ni Tito Marcus na may birthday. "Patulong ka na lang kay Lyn marami pa akong gagawin. Sige babalik na ako sa station ko." Aalis na sana ko nang muli siyang magsalita. "Sige na Hera tulungan mo na ako. Promise ito ang una at huli kong magpapatulong sa'yo." Napanting ang tenga ko. Mukhang ayos na rin. Kahit pansamantalang walang CJ na manggugulo sa'kin. "Sige tutulungan na kita." -----***----- "Anak, kumusta ang araw mo?" ani ni Tatay Igme habang binubuksan ang pinto ng taxi niya. "Maayos naman po Tay Igme. Kayo po kumusta ang pamamasada niyo ngayong araw?" "Ito medyo malaki-laki rin ang kita." aniya saka ini-start ang taxi. "Tay pwede po ba akong bumisita sa inyo ngayon namiss ko na po kasi sina Nanay Senda at Junjun." Matagal na rin kasi nang huli kong makita sina Nanay Senda at Junjun. Personal ko silang iimbitahan sa nalalapit kong birthday. At saka gusto ko rin ng kausap. Hindi naman kasi pwede 'yung mga kapatid ko. Busy sila at Lalong hindi pwede si Daddy baka paalisin ako sa trabaho. Nakakahiya kay Tito Marcus. "Oo naman walang problema 'yun anak. Welcome na welcome ka sa bahay namin. Teka, may problema ka ba?" Ito talaga si Tatay Igme para na rin si Daddy nahuhulaan niya kapag may problema ako. "Naku wala 'yun, Tay Igme. Yakang-yaka ko na po yun." Natatawang ani ko para hindi mahalata ni Tay Igme na nahihirapan ako. Kahit hindi ko pinansin ang mga bulong-bulungan ng mga katrabaho ko hindi ko pa rin maiwasan na masaktan. "Diyan ako bilib sayo anak, e. Tara na, nai-text ko na si Nay Senda mo na bibisita ka at sigurado akong naghahanda na 'yun." aniya. -----***----- "Ate Aya!" Bungad sa'kin ni Junjun. Isang grade 5 student at isang skolar sa kanilang paaralan. "Kumusta na Junjun? Kumusta ang pag-aaral mo?" Malapit rin sa akin ang batang ito. Ang cute kasi. Chubby siya ang sarap ngang pisil-pisilin. "Mabuti naman po ate Aya nasa Top 2 na ako ngayon." Pagmamagaling niya. "Wow! Ang galing naman kapag nag-top ka ulit sa susunod na grading niyo may regalo ka sa'kin." Dapat naman nating suklian ang pagpakahirap sa pag-aaral ng bata gaya ni Junjun. Alam kong nahihirapan siya lalo na kapag may research na gagawin, kailangan pa niyang umupa ng computer para lang makagawa ng research. Naawa nga ako dahil ang layo pa ng paupahan dito at mahal pa ang renta. "Salamat po, ate Aya." Oo nga pala, Aya ang tawag niya sa akin. Actually, silang lahat aya ang tawag sa akin. "O anak, and'yan ka na pala. Halika luto na yung paborito mong palabok." ani ni Nanay Senda na kalalabas pa lang ng kusina. "Wow! Mukhang mapaparami ang kain ko nito." Ayun, iginiya na ako ni Junjun papunta sa kanilang kusina kasama rin si Tatay Igme at kumain na kami ng hapunan. Sobrang sarap talaga ng luto ni Nanay Senda parang si Mommy lang. Namimiss ko na tuloy si Mommy. Matagal na siyang pumanaw kasama ng bunso naming kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD