Chapter 16

1022 Words
Carlos Jay Cervantes Napanatag ang loob ko nang mapansin naging normal na ang paghinga ni Hera. "Sige na magpahinga lang d'yan. Dito lang ako." "Salamat, CJ. Hindi ko alam ko ano na ang mangyayari sa'kin kung wala ka." "'Wag mo ng isipin 'yun. Makakalabas din tayo bukas." Patawarin mo ako Hera. Hindi ko naman alam na may claustrophobic ka pala. Plinado ko lahat ang nangyari sa'min ngayon. Simula sa pag-o-over time niya hanggang sa elevator. Binayaran ko rin ang maintenance para patayin ang control sa elevator sa oras na pumasok si Hera. Napangiti na lang ako sa naiisip ko pagkatapos ng gabing 'to. Sigurado akong tatanawing utang na loob ni Hera ang ginawa ko para sa kanya at dito ko sisimulan ang pagkuha ng damdamin niya. Hindi naman sa ayaw naming magkaroon ng bagong asawa si Tanda. Matagal ng patay si mommy at alam namin na may pangangailangan si Tanda pero wag naman sanang sobrang bata halos kasing edad ko lang. Alam ko ang uri ng mga ganyang babae, pera lang ang habol ng mga 'yan. -----***----- "Alam mo bang inis na inis na ako kay Dad. Hindi ko lang pinapahalata. Palagi niya akong kinukumpara sa Herang 'yan. Keyso, ganito magtrabaho si Hera, ganyan ang ginagawa ni Hera." Kausap ko ngayon si Ate Paris sa Skype. "At gusto pa ni Dad na sundin ko ang pamamaraan ni Hera. Mas maganda at mas mabilis ang resulta, e, sanay na sanay na ako sa pamamaraan ko hindi nga lang masyadong mabilis pero maganda pa rin naman ang resulta. Kapag nakita ko talaga 'yang Hera na 'yan mumurahin ko talaga 'yan at ipapakulong sa paglason niya sa utak ni Dad." Patuloy niya. Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok din sa utak mo. "Kumusta na ang plano mo may nangyari ba? Atat na atat na akong malaman kung kailan mapapaalis natin 'yang herang 'yan sa buhay ni Dad. Sa buhay natin." ""Wag kang mag-alala ate pasasaan ba't mangyayari rin ang nais natin. Naging tagumpay naman ang plano ko kagabi. Maghintay lang tayo kung ano ang maging epekto nun sa kanya saka ko gagawin ang susunod kong hakbang." "Ikaw ang bahala. Hindi ko na itatanong kung ano pa ang gagawin mo may tiwala naman akong magagawa mo ang lahat ng 'yun." Kaya vibes na vibes kami ni Ate Paris, e. May tiwala siya sa'kin. Pagkatapos naming pag-usapan ang tungkol kay Hera ikinwento niya sa'kin ang bago niyang manliligaw. "Super bait at gentlemen niya. Para akong prinsesa kung ituring niya at saan ka makakakita ng lalaking kayang sakyan ang trip ko sa buhay. Sa tingin ko siya na ang other half ko ang magiging future husband ko." Kitang-kita ko sa mga mata niya ang puno ng pagmamahal gaya ng nakita ko noon sa mga mata ni mommy sa tuwing napapag-usapan si Daddy. "Sa tingin mo, sasagutin ko na siya?" Pagmamahal? Hindi ko pa nararamdaman 'yun. Pagmamahal sa magulang, sa kapatid, sa kaibigan, oo pero hindi ko pa nararamdaman 'yun sa isang babae. "Ta-kot a-ko sa madilim at masisi-kip na lugar. Hin-di a-ko maka-hinga." Hindi ko alam bakit biglang sumagi sa isip ko ang boses na 'yun ni Hera. Ang totoo niyan, natakot ako kagabi baka may masamang mangyari sa kanya at kasalanan ko pa. Mas pinili ko na lang hindi ipakita na natatakot ako at pilit na kinakalma ang sarili ko. "Hey! Brother are you with me?" "Huh? I'm sorry, ate may iniisip lang." "Ano na naman 'yan babae? Bakit may nabuntis ka?" Biglang nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi ni Ate. Kung anu-ano na lang ang mga pinagsasabi. "Hindi. Sige na. May gagawin pa ako." Pagkatapos kung makipag-usap kay Ate ay pinatay ko na ang laptop ko. Kailangan ko munang magchill ngayon para naman maibsan ang bumabagabag sa akin. -----***----- At THE BAR.... "One Tequilla" ani ko sa bartender habang nakatingin sa dance floor. Namiss ko rin ang magpunta at magrelax dito. Simula no'ng naging busy na si Hero sa paghahanda ng kasal niya. Si Hero kasi ang lagi kong kasama sa mga ganito. Babaero din dati 'yang Hero ngayon hindi na. Kaya ako na lang ngayon mag-isa. "Here's your tequilla sir." ani ng bartender sabay lapag ng tequilla sa harapan ko. Agad ko naman itong ininom at nag-order pa ulit ng isa. Medyo nakarami na ako ng inom pero hindi pa ako lasing. Sanay na rin kasi ako. Ito ba naman ang buhay ko sa Los Angeles. "Are you alone, baby?" Tanong sa akin ng isang magandang babae na biglang sumulpot sa gilid ko. Ang hirap talaga maging gwapo lagi na lang nilalapitan ng mga magagandang babae. Kahit ayaw mo, e, wala kang magagawa dapat maging gentleman ka pa rin. Hindi ko siya sinagot kundi agad ko siyang hinalikan sa labi. Agad naman niya akong hinila papunta sa VIP room nitong bar. Hinubad niya agad ang suot niyang damit at ngayon nakatayo siya sa harapan ko na tanging undies na lang ang suot. Napahiga ako sa kama dahil tinulak niya ako. Hinubad niya ang suot kong polo shirt pati na ang pantalon ko at nagsimula na naman niyang halikan ang leeg ko. Gumanti na rin ako ng halik sa kanya. I'll give her my best performance. Pinagpalit ko ang posisyon namin. Siya na ngayon nasa ilalim, ako naman ang nasa ibabaw. Ilang buwan na ring akong kapiling Mariang Palad kaya bihuhubos ko sa kanya lahat-lahat ng meron ako ngayong gabi. "Are you ready, baby?" Bulong ko sa kanya saka marahan kong kinagat ang tenga niya. "Always ready, baby." aniya. Nang malapit na kami sa climax biglang sumagi sa isip ko ang mukha ni Hera. Marahan kong tinulak ang babae at agad na isinuot ulit ang mga damit ko na nagkalat sa sahig at lumabas na ng kwarto. Hindi ko na ininda ang sakit sa puson ko. Si Mariang Palad na lang bahala mamaya pagdating ko sa bahay. Dali-dali kong tinungo ang parking lot kung saan ipinark ko kotse saka pinaharurot ito pauwi ng bahay. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko nagi-guilty ako sa ginawa ko. Simula no'ng nangyari kagabi lagi ng sumasagi ang mukha ni Hera sa isip ko. Anong nangyayari sa'kin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD