Hera Garcia
"Good morning, Hera." Napalingon ako sa tabi ko nang may bumati sa'kin.
"Kumusta na?" ani ni CJ na may ngiti sa labi.
"Ayos lang." Natataka man ay hindi ko na pinapahalata.
Pipindutin ko na sana ang button sa elevator nang bigla ulit siyang magsalita.
"Ako na." aniya sabay ngiti na naman sa'kin.
Simula kahapon nang ayain niya akong mag-lunch out ay naging mabait na siya sa'kin. Siguro iniisip niyang isusumbong ko siya sa Tatay niya na may ginagawang kabalastugan sa loob ng kompanya.
"Have a great day, Hera." aniya nang makalabas ako at bago sumara ang elevator.
"Bakla, ano 'yun?" Napatalon ako bigla nang may nagsalita malapit sa tenga ko.
"Hindi naman halata na gulat ka, bakla." ani ni Mikey.
"Sinong hindi magugulat, e, bigla-biglang may nagsalita sa likod ko at malapit pa talaga sa tenga ko."
"Oo na. Pero ano 'yung nakita ko kanina? May hindi ka ba sinasabi sa'kin, bakla?" Nakataas ang kilay habang nakapamewang sa harap ko si Mikey.
"Anong 'hindi ko sinasabi' ang ibig sabihin?"
Ito talaga si Bakla kung ano-ano na ang napapansin sa paligid at ano naman kaya ang hindi ko sinabi sa kanya?
Don't tell me, alam na niya kung sino ako?
"Plea-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang muli siyang nagsalita.
"Kahapon inaya kang mag-lunch ni Sir CJ tapos ngayon sabay pa kayo sa elevator at may pa 'Have a great day' pang nalalaman. Anong ibig sabihin nun, bakla?"
Nanakahinga ako ng maluwag. Akala ko alam na niya kung sino ako. Mabuti na lang pala at hindi ko naituloy ang sasabihin ko. Pag nagkataon ako pa ang magbubuking sa sarili ko.
"Ano bakla, wala ka pa ring sasabihin? Ibig ba sabihin nito hindi mo ako pinakakatiwalaan. Nakakasakit ka na ng damdamin, a."
"Kiaga-aga nagda-drama ka r'yan Bakla." Sabay kaming napatingin ni Mikey sa direksyon ng elevator.
"Isa pa ang babaeng 'to. Hindi man lang sinabi na engaged na pala siya. Siguro wala itong balak na imbetahan tayo sa kasal niya." ani ni Mikey habang naniningkit ang mga matang nakatingin kay Myla.
Si Myla ang fiancée ng pinsan kong si Hero. Ang engagement pala nila ni Myla ang gustong i-announce ni Hero no'ng birthday namin kaya nagpumilit siyang merong media para malaman daw ng buong mundo na ikakasal na siya at para raw wala ng makaporma pa kay Myla. Nagkagulatan pa nga kami ni Myla nun. Mabuti na lang at napakiusapan ko siya na 'wag ipagsabi kahit kanino ang nalaman niya sa pagkatao ko.
"Ang OA nito." ani ni Myla.
"Hindi niyo na ako love na dalawa." ani ni Mikey na umaarteng naluluha habang nakahawak ang mga kamay sa dibdib.
"Alam mo Hera, nabasa ko sa horrorscope kanina. Iwasan daw ang mga taong mahilig umarte may hatid silang bad vibes sa atin sa sila mamalasin ng anim na buwan." ani ni Myla saka hinatak ako.
"Oy! Myla, wala namang ganyanan. Oy!" ani ni Mikey habang habol-habol kami ni Myla.
-----***-----
"Ms. Garcia, pinapatawag ka ni Sir CJ sa opisina." Basa ko sa message ni Lyn.
Natatawa ako ng maalala ang mukha niyang nakabusangot sa tuwing inuutasan siya ni CJ na ipatawag ako.
Sino ba ang hindi bubusangot kung utusan ka ng Boss mo ipapatawag ang ako na nasa ika-5th floor habang sila ni CJ ay nasa 11th floor.
Hanggang naisip ni Lyn na hingin na lang ang number ko para kung sakaling ipatawag ako ay tatawagan o ite-text na lang niya ako at para hindi na raw siya mapagod kakababa at kakaakyat.
"Pinapatawag ka na naman ni Sir CJ?
Naku bakla, napapadalas na 'yang paglabas niyo baka may gusto na 'yan sa'yo si Sir. Hindi na ako magtataka kung isang araw ikaw na ang first lady ng Facts." ani ni Mikey.
Paanong- Hay! Nakikibasa na naman 'tong baklang 'to.
Pagbaling ko sa kanya bumungad sa'kin ang mukha niyang may malapad na ngiti at naka-V sign pa.
"Ewan ko sa'yo." Niligpit ko muna ang mga gamit ko sa mesa bago pumunta sa opisina ni CJ.
CJ na ang tawag ko sa kanya gaya ng sabi niya no'ng una kaming lumabas. Yes una, dahil nasundan pa ang paglabas namin. Wala namang ibang ibig sabihin ang paglabas namin just friendly date at kadalasan trabaho lang ang pinag-uusapan namin.
"Bakla, ako na r'yan puntahan mo na si Sir CJ baka nangangailangan na 'yun ng energy." aniya na may nakakalokong ngiti.
ÍEwan ko talaga rito kay Mikey shini-ship kami ni CJ.
"Hi Lyn! Si Sir CJ?" Bati ko kay Lyn na nasa labas ng pinto ni CJ nakaupo sa station niya.
"Pumasok ka na. Kanina ka pa hinihintay ni Sir CJ." aniya.
Naka-isang katok pa lang ako nang marinig ko si CJ mula sa loob.
"Come in, Hera." Inaasahan na talaga niya ang pagpunta ko.
Marahan kong binuksan ang pinto saka pumasok. Naabutan ko siyang may binabasa.
"Pina-" Naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong inabutan ng isang folder.
"Anong gagawin ko rito?"
"Kakainin ata? Malamang buksan mo saka basahin mo para malaman mo kung ano 'yan. Sh*t! Nasa'n na 'yun?"
Napakunot ang noo ko.
Kanina lang ang bait niya tapos ngayon ito bumabalik siya dati.
Ano 'to may expiration ang pagiging mabait niya?
Hindi na lang ako nagsalita at binuksan ang binigay niyang folder.
"I need your suggestion regarding that matter since sa team mo mapupunta ang project na 'yan."
Ito 'yung ginawang proposal ni Mikey for our magazine next month issue.
"Sa palagay ko may naisip na kayo kung ano ang ilalabas na issue next month for The Bachelors."
"Yes, Sir." Confident kong sagot.
"Good." Tipid na aniya saka muling hinarap ang mga dokumento na nagkalat sa mesa niya.
Simula ng ibigay ni Tito Marcus ang posisyon niya kay CJ ay naging seryoso at responsable na ito sa lahat ng ginagawa niya.
"Wala ka na bang ibang ipapagawa? Kung wala ay aalis na ako. "
Nang wala akong nakuhang sagot ay naglakad na ako papunta sa pinto.
"Pasensiya ka na at napagsungitan kita. Ang dami ko kasing binabasang proposal. Kailangan ko kasing matapos ang lahat ng 'to bago pa dumating sina Dad."
Kaya pala mainitin ang ulo niya kanina.
"Ayos lang. Sige ipagpatuloy mo na 'yang ginagawa mo. Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka."
"Salamat."