03

1349 Words
Chapter 03 3rd Person's POV "Paanong wala kayong antiseptic dito! Clinic ba ito?" asik ni Gemini na kinataranta ng nurse doon. "Tabi!" inis na sambit ni Gemini bago itulak palayo iyong nurse at halungkatin ang drawer. May nakita siyang alcohol at cotton. Masyadong mahapdi iyon alam ni Gemini kaya nilingon niya ang binatang si Tristan na tahimik lang na nakaupo sa gilid ng single bed na nandoon. Ngumiti si Tristan kaya agad napapaypay sa sarili si Gemini dahil sa pangiinit mg pisngi niya. "White rabbit, blow ko na lang kapag mahapdi ah. Dadahan-dahanin ko lang para hindi ka masaktan," pangungumbinsi ni Gemini sa binata. Lumapit ito sa lalaki at umupo sa tabi nito hawak ang cotton at alcohol. Hindi naman makapaniwala ang nurse sa nakikita niya dahil sa dalawang lalaking nasa clinic niya. Hindi siya pamilyar sa lalaking ngayon ay may hawak na alcohol pero sa lalaking nagsisilbing pasyente sa clinic niya ay sobrang pamilyar sa kaniya. Araw-araw lagi siyang may pasyente dahil sa lalaking ito at sa grupo nito na walang ginawa kung hindi gumaw ng gulo sa campus. Ilang beses na din nito tinangkang wasakin ang clinic niya dahil sa mga estudyante na ginagawang taguan ang clinic niya kapag may riot. "Aray, masakit," daing ng lalaki. Napanganga ang nurse matapos makita ang expression ng tinatawag na two faced beast campus king ng university. "Hala sorry! Blow ko na lang," ani ni Gemini bago hinipan ang palad ng binata pagyuko ni Gemini. Pinako ni Tristan ang paningin sa nurse na nasa sulok ng clinic. Halos mawalan ng kulay ang mukha ng babae matapos biglang mawalan ng emosyon si Tristan. Agad na lumabas ang nurse sa clinic matapos makita ang side na iyon ni Tristan. Isa iyon warning kaya agad lumabas ang babae at iniwan sila sa clinic. "Tada! Ayos na white rabbit. Huwag mo lang masyadong igagalaw para hindi ka masaktan," ani ni Gemini matapos ngumiti sa lalaki. "Salamat!" natutuwa na sambit ni Tristan bago tiningnan ang mga palad niya. "Gemini, ano pa lang ginagawa mo dito? All boys ang school na ito at bakit ka nakapanglalaki na damit?" inosenteng tanong ni Tristan. Napatigil ang babae— napatakip ito ng bibig matapos may ma-realize. "Shoot! Nakalimutan ko ako ngayon si Germany!" ani ng babae na napasapo sa noo. Nagtaka naman ang binata matapos marinig iyon. "White rabbit, secret lang ito okay? Huwag mong sasabihin sa kahit na sino na babae ako. Secret lang natin iyon okay?" ani ni Gemini na puno ng pagmamakaawa sa lalaki. "Okay, hindi ko sasabihin, promised," ani ni Tristan bago itaas ang pinky finger niya. Pakiramdam ni Gemini biglang nagliwanag ang paligid at nagbukas ang langit para sa kaniya matapos ngumiti ang lalaki. Tinaas din ni Gemini ang pinky finger niya. "Promised iyan ah. Secret lang natin." Nang tumunog ang bell napamura si Gemini at napatayo matapos ma-realize na may klase pa sila. "White rabbit! Alis na ako ah! May klase pa ako hindi ako pwedeng ma-late!" tarata na sambit ni Gemini. Lalabas na ito ng pintuan nang magsalita si Tristan. "Alam mo ba kung nasaan ang first class ni Germany?" tanong ni Tristan na kinatigil ni Gemini. "Holy s**t! Hindi ko natanong." "Alam mo ba kung nasaan ang office?" alanganin na tanong ni Gemini kay Tristan bago nilingon ang binata na bumaba ng kama. "Siguradong walang tao ngayon sa dean office pero may kilala akong makakapagbigay sa atin ng schedule ni Germany at pwede din kita ihatid sa building." "Wala ka bang klase white rabbit? Baka makaabala ako," ani ni Gemini nang makalabas sila sa clinic. "Mamaya pang 9 am ang start ng klase ko," may ngiti na sambit ni Tristan. "Oh my! Ang cute mo white rabbit papisil ng pisngi hihi," ani ng dalaga bago tumigil at pinisil ang pisngi ng binata. Kasalukuyang nagkakatuwaan ang dalawa nang may lumapit na grupuhan kina Gemini. "Aha! Kanina ka pa namin hinahanap!" Napatingin si Gemini at doon nakita niya ang isang grupuhan at nakatingin ang mga ito kay Tristan. Gumusot ng mukha ni Gemini at hinarangan si Tristan. "Sino kayo?" tanong ni Gemini na may masamang timpla. Kumunot ang noo ng isa sa mga binata matapos makita ang tingin ng leader nila habang nasa likuran ng dalaga. "Gem, mga kaklase ko sila," sagot ni Tristan na kinatingin ni Gemini. "Kaklase?" ulit ni Gemini bago tiningnan si Tristan na nakatingin sa kaniya ng inosente. Tumango-tango si Tristan at ngumiti. "Kukuhanin na yata nila iyong output ng isa sa mga subject ko kaya sila nandito," sagot ni Tristan bago tiningnan ang isa sa tatlong kanang kamay niya. "Yeah, ngayon na pasahan 'non at kanina pa siya namin hinahanap," sagot ng isa sa gwapong lalaki na blond ang buhok bago winagay-way ang ilang kumpulan ng papel na hawak na 100% props lang. "Babalik ka na sa classroom mo?" tanong ni Gemini na mukhang naniwala sa lalaki. "Hindi— sasamahan kita diba?" may pagtataka na sagot ni Tristan bago tiningnan ang isa sa mga gang na hawak niya ngumiti at isa na naman iyong warning na kinasinghap ng ilan sa mga ito. "Nasa ilalim lang ng table ko iyong outpuy, pakuha na lang," may ngiti na sambit ni Tristan. "A-Ah oo! T-Tama! Iyong output n-nasa table, tara na!" medyo nagpa-panic na yaya ng nagsisilbing leader mga grupo na iyon bago tumalikod at mabilis na naglakad palayo kasunod ang ilang miyembro. Kalaunan ang isa sa mga ito ay tumingin muli sa direksyon nina Tristan na mukhang nagtataka sa ginagawa ng leader nila. Alam ng lahat ang pagiging gang master nito pero iyong lalaking kasama nito walang alam at nagawa pa nitong protektahan si Tristan sa harap nila. Gusto niyang isipin na nagpapanggap lang ang lalaki pero nang sabihin ni Tristan at sinabing kaklase lang sila ay nagduda na siya. Naku-curious siya kung sino ang lalaki at bakit kailangan gawin iyon ng pinuno. "Kung gusto mo pa ng tahimik at mapayapang buhay mas mabuting sarilinin mo na lang ang curiousity mo." Napatigil ang lalaki matapos humarang ang isa sa tatlong kanang kamay ng master nila sa dalawang taong tinitingnan ng lalaki. Nanuyo ang lalamunan ng binata at alanganin na lumapit sa gang leader nila. — Habang naglalakad sila patungo sa student council office. Todo kwento ang babae at nasabi nga nito ang nangyaring aksidente kay Germany. Sinabi nitong na-bully ang kakambal niya at balak nito pagbayarin lahat ng taong nam-bully kay Germany. "Hindi ba masyadong delikado ang balak mo? Balita ko isa sa underlings ng tinatawag na supremo dito ang nambu-bully sa kakambal mo," insosenteng sambit ni Tristan. "Kaya ko ang sarili ko, River. Isa pa dapat ikaw ang mag-ingat. Ang liit mo pa naman tapos ang cute." "Hayaan mo ngayon nandito na ako poprotektahan kita!" ani ni Gemini na may pagsuntok sa hangin at malapad ang ngiting nilingon si Tristan na bahagyang natawa. "Ibig sabihin susunduin at ihahatid mo na din ako sa klase?" tanong ni Tristan may ngiti sa labi. "Yes! Nag-promised din ako kay kuya Lake na aalagaan kita dito at ako na bahala sa iyo," ani ni Gemini na kinatigil ni Tristan. Nagbibiro lang siya doon sa hatid sundo at hindi niya inaakala na balak talaga iyon gawin ng babae. "Whatever, as long as makikita kita," bulong ni Tristan na kinatingin ni Gemini. "May sinasabi ka white rabbit?" tanong ni Gemini na may pagtatanong ang mukha. "Wala— sabi ko thank you kasi poprotektahan mo ako. Natatakot na kasi ako minsan dahil lagi akong pinagtitripan," pag-arte ni Tristan na kinatigil ni Gemini. Humarap ang dalaga at hinawakan ang kamay ng binata. "Hindi na ulit mangyayari 'yon, River. Remember nag-promised ako na lagi kitang poprotektahan?" ani ni Gemini na may ngiti sa labi. Ngumiti si Tristan at tumango-tango. Lahat ng sinabi ni Tristan ay purong kasinungalingan. Walang magtatangka sa kaniyang mam-bully dahil hindi lang siya basta ordinaryong estudyante doon ngunit hindi niya hahayaan na malaman iyon ng dalaga. Ayaw ni Tristan magbago ang tingin sa kaniya ng babae. Gusto niya manatili dito ang identity niya as a clean, innocent at harmless na white rabbit sa paningin ng babae. "Okay, Gemini," sagot ni Tristan na may maliwanag na ngiti.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD