“GUSTO ko ang ambience” Walang tigil sa kakapuri ni Leni sa kapaligiran, ng ipasyal siya ni Paolo, sa lake di ka layuan mula sa inuupahan nilang rest house.
Inakbayan siya ng asawa.“ Gusto mo rito? Kung gusto mo dito nalang tayo titira.”
“Oo, pero hindi naman natin kailangan lumayo sa City, naroon ang mga trabaho natin."
“ Pwedi din naman tayo magpunta rito kapag bakasyon, para kahit papaano makapag relax din tayo."
Napangiti siya sa sinabi nito. "Oo, ba gusto ko 'yan eh." sangayon niya rito.
” handa kana bang bumalik sa trabaho? pagka-uwi natin?” masuyong tanong nito sa kanya.
“ Oo, kailangan na din natin bumalik sa trabaho, sayang ang oras. Lalo pa kailangan natin mag-ipon para sa paglipat natin pagkatapos ng bahay pinapagawa mo."
“ Tama ka, kinakailangan ko na rin bumalik sa trabaho. May complain pa sa site na tinatrabaho ng mga tauhan ko”
Naka ramdam siya ng pag-alala sa sinabi nito, ayaw niyang masira ang pangalan sa asawa sa trabaho nito. “ Bukas babalik na tayo."
Natahimik siya ng tumunog ang cellphone nito.
“ Sagutin mo kaya 'yan love, kanina pa 'yan tawag ng tawag sayo” suhestion ng nakakailang ring na'yon hindi pa rin nito sinasagot.
” Si mommy lang naman ang tumawag." Sabi nitong pinindot ang cancel button ng cellphone.
“Baka nag-alala lang sa'yo ang mommy mo, kasi ilang araw ka rin hindi umuwi sa bahay niyo” Kinalawit niya ang isang kamay sa baywang nito.
“ Wala naman 'yun ibang sasabihin, kundi ang bungangaan lang ako dahil sa sul-sul ni Jacky.”
Tinignan niya ang asawa sa mukha.” Love, kahit pa mag-bunganga ang mommy mo, ina mo pa rin siya. Hindi mo ma-aalis sa kanya ang mag-alala sa'yo”
May sasabihin pa sana ito sa kaya lang naputol ng muling mag-ring ang cellphone.
“Sagutin mo na kasi." aniya
Napa hugot muna ito ng malalim na hininga, saka pinindot ang answering button.
“ Hello, mom, nasa outing ako, kasama ng mga kaibigan ko” Tugon nito sa ina.
“ Bukas uuwi ako” pagpapatuloy ni Paolo.
Tahimik lang siyang nakikinig rito, ilang saglit lang pinutol na nito ang pag-uusap sa ina. Inaya na siya nitong bumalik sa rest house.
“ NAG outing daw sila kasama ang mga kaibigan niya” Pagbalita ng biyanan ni Jacky matapos nitong maka-usap ang anak.
Nilapag ni Jacky, ang hawak na tsa sa center table,” Ano?" napalakas ang boses niya.
" Nag outing siya ng hindi man lang nagpaalam. Abay! ilang araw din siyang nawawala mommy, paano tayo nakaka-siguro kaibigan nga niya ang kasama niya." naiinis niyang sabi rito.
“ Hindi ko rin alam, tahimik naman ang kapaligiran ng mag-usap kami. Ewan ko na ba d'yan sa batang 'yan, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko." Tugon ng biyanan, nawawalan na rin ng pag-asa dahil hindi na nito makuhang mag-inarte dahil alam na ng anak ang pagpapanggap.
Nag isip na rin siya kung ano ang pwedi niyang gawin sa asawa. Kasal nga sila pero hindi naman niya ito nakikita sa bahay. Ni isang beses hindi pa sila nito nagtatalik.
" Malalagot 'yun sa'kin pag-uwi nun." nanggigil niyang sabi.
" Naku, hija wag mo nang bungangahan lalo lang lalayo ang loob nu'n sa'yo." payo ng kanyang b'yanan.
" Ano ang dapat natin gawin?" nayayamot na siya sa ginagawa ni Paolo sa kanya.
" Suyuin mo nalang, wag mo nang awayin."
Saglit siyang nag-isip kung paano niya paamuin ang asawa.
" Bukas uuwi daw 'yun rito, pagka-rating niya aalis ako isasama ko si Neneng. Gawin mo ang dapat mong gawin, kailangan may mangyari sa inyo para, kapag mabuntis ka, maitatali mo na 'yun. Malay mo mamahalin kana nu'n." Basag ng b'yanan sa pananahimik niya.
Bigla siyang nabuhayan ng pag-asa sa sinabi nito." Kung hindi kita makuha sa ma-aayos na usapan, pwes! Idaan natin sa dahas." Pagka sabi niyang 'yun nagpaalam siya sa b'yanan na aalis para makabili ng kanyang seductive outfit para bukas, kailangan mapag-handaan niya ito.
“NASAAN kaya si Kuya” Naitanong ni Leni ng maka-uwi sila ng bahay, wala si Gab.
“ Baka nasa talyer” Tugon ni Paolo at nagtuloy sila sa kanyang kuwarto.
“ Uuwi muna ako sa bahay love, magpapakita lang ako kay mommy saglit, at pagka-tapos deretso na ako sa office. Mamayang gabi na ako uuwi dito." ani Paolo nilapag ang dala nilang mga gamit sa ibabaw ng kanyang kama.
“ Sige, magpapahinga nalang din ako habang wala ka. Mamaya ko na tapusin ang lesson plan ko para bukas." Tugon niya at hinatid ang asawa sa labas ng gate.
" Ingat ka sa pagmamaneho!" pahabol niyang bilin sa kaka-alis lang na asawa.
Natanaw niya ang paparating na sasakyan ni Gab kaya inantay nalang niya ito.
“ Kanina ka pa dumating?” Tanong ni Gab sa kanya ng bumaba ito ng sasakyan.
Napa simangot siya ng makita si Stella bumaba. " Oo." maikli niyang tugon sinabayan niya ng pagtalikod.
" Leni, may sasabihin kami sa'yong importante." Ani Gab.
Napahinto siya sa paglakad at hinarap ang kapatid” Tungkol saan 'yan kuya?”
“ Sa loob na natin pag-usapan." Hinawakan nito ang kamay ni Stella, papasok sa loob ng bahay.
Kinakabahan siya sasabihin ng kapatid” wag naman sana." sumunod siya sa paglakad ng dalawa papunta sa sala.
Magkatabing naupo si Gab at Stella sa mahabang sofa, siya naman ay nanatiling naka tayo.
“ Gaano 'yan ka halaga kuya?”pasiuna niya at umupo sa katapat na upuan. Hindi niya tinapunan ng tingin si Stella.
Hinawakan ni Gab ang isang kamay ni Stella at dinala nito 'yun sa dibdib." Mag papakasal na kami." masaya nitong sabi sa kanya.
Tila na bingi siya sa sinabi nito.
" Ano ang sabi mo kuya, Pakiulit?”
"Ang sabi ko papakasalan ko si Stella."
Napatayo siya " Kuya, kababago, n'yo palang, papakasalan muna siya agad, agad?"
Wala na siyang paki-alam pa kung nasa harapan niya si Stella. Ayaw niyang maging bastos, pero ayaw niyang masaktan ang kuya niya kapag lumabas ang katotohanan na ginagamit lang ni Jacky si Stella para paghigantihan sila.
“ Mahal ko siya, at handa akong pakasalan siya Leni. Sana maunawaan mo ako” Malumanay na sabi ni Gab.
Sinulyapan niya si Stella at nagka-salubong ang kanilang paningin. Muli niyang binalik ang tingin kay Gab." Bakit ang bilis, nagmamadali ba kayo?" hindi pa rin niya matanggap na magpapakasal ito kay Stella.
" Leni, alam kung hindi madali 'to sa'yo, pero sana maniwala ka sa'kin na mahal ko ang kuya mo." sabad ni Stella.
" Paano ako maniniwala Stella? Kababago niyo lang tapos magpapakasal na kayo? Ang hirap paniwalaan niyan."Walang pag-alinlangan niyang sabi rito.
"Kung nandito lang si Camille, sigurado din akong hindi 'yun papayag." Masama ang kanyang loob na tinalikuran ang dalawa, tinungo niya ang kwarto para magkulong nalang du'n muna habang nasa loob pa ng bahay si Stella.
Muling bumangon ang pangulila niya sa kapatid. “ Sana andito ka Camille” anas niya.
Sinubukan na niya noon hanapin ang bunso, nakailang balik na rin siya sa bahay ni mang Cardo kung saan iniwanan ni Gab si Camile. Pero hindi niya pa rin ito nakakausap dahil hindi pa rin ito naka uwi galing abroad.
"PASENSIYAHAN mo na ang kapatid ko Stella.” Nahihiyang hinging umanhin ni Gab sa nobya ng maiwan sila ni Leni.
" Sino ba si Camile?” curious na tanong ni Stella sa kanya.
Hindi niya mapigil ang sariling malungkot. Sa tuwing ma-alala ang bunso bumangon sa puso niya ang kunsensiya sa ginawa niya rito.
" Bunso namin siyang kapatid." Sabi niya sa malungkot na boses.
“ Tatlo kayong magkapatid?”
Tanging tango lang ang kanyang naging tugon rito.
“Nasaan na siya ngayon?” curious pa rin nitong tanong.
Saglit siyang natahimik pinag-isipan niya ng maigi, kung sasabihin ba niya rito ang tungkol sa pinaampon niyang bunso.
“ Pwedi mo naman sabihin sa'kin, magiging mag asawa na naman tayo. Hindi maganda sa isang relation ang mag-lihim." Sabi nito ng maramdaman may nilihim siya.
Napahugot siya ng malalim na hininga bago nagsasalita. Natagpuan nalang niya ang sarili kweninto kay Stella ang tungkol kay Camille.
Natigilan ito sa sinabi niya ni hindi nito naitago ang pagka-gulat rumehestro sa mukha nito ng sabihin niyang pina-paampon niya si Camille sa isang doctor.
“ G-galit ka rin ba sa'kin dahil sa nagawa ko?" nag-alalang tanong sa natigilan kasintahan.
“ Mauunawaan ko kung pati ikaw magalit sa akin." saad niya ng hindi pa rin ito maka-imik.
“ Hindi naman ako galit, may na-alala lang kasi ako." tugon nito.
Nayakap niya ito” Akala ko pati ikaw nagalit na rin sa nagawa ko."
“ Na bigla lang ako, pero naintindihan kita. Kahit siguro, sino gagawin din ang ginawa mo, maligtas lang sa bingit ng kamatayan ang kapatid. Lalo akong humanga sa'yo, handa kang gawin ang lahat."
Kumalas siya sa pag-yakap rito," Oo, pero masakit din sa'kin dahil sa naisakripisyo ko ang bunso."
" Hayaan mo kung darating man ang panahon magkita kayong muli ni Camile, sigurado akong mauunawaan ka rin nun."
" Sana nga, minsan inisip ko kung ano na kaya ang hitsura ng kapatid namin ngayon. Ilang beses ko na rin sinubakan hanapin siya, lalo na dun sa doctor na umapon sa kanya, pero hindi ako pinalad na makita siya. Sabi nong taga hospital na binalikan ko kung saan siya nagtatrabaho noon, nasa Canada na daw nanirahan." Mahabang saad niya.