Magkapatid. Episode 26

1636 Words
NAPAHAWAK si Leni sa pisngi ng masampal ni Jacky, hindi siya makakilos sa bilis ng pangyayari. " Ikaw na kabit ka, layuan mo ang asawa ko! "Singhal ni Jacky, at sinundan ng paghila nito sa buhok niya. " Ano ba Jacky, bitawan mo ako” napa hawak siya sa kamay nito hawak-hawak ang buhok niya. Lalo nitong hinigpitan ang paghawak at ubod lakas hinila siya palabas ng bahay. Mabilis naman dumalo ang b'yanan nito at pinagtulongan siyang kinaladkad. Nagpupumiglas siya pilit kumiwala mula sa paghawak nito sa buhok niya." Ano ba! bitawan n'yo ako." Pinagtutulak niya ang mga ito pero, kahit anong pilit niyang kumiwala hindi siya binibitawan ng dalawa. " Bitawan mo ang buhok ko nasasaktan na ako." halos mangingiyak-ngiyak niyang pakiusap, pero nagpapatuloy itong kinukusot ang buhok niya tila hindi siya naririnig. “ Bitawan niyo siya!” Narinig ang sigaw ni Gab. Mabilis na hinila nito ang ina ni Paolo palayo sa kanya." bitawan mo, bago ko makalimutan matanda ka." galit na sabi ni Gab sa ginang sabay, hila nito palayo sa kanya. Nakita nito ang galit sa mukha ni Gab kaya binitawan nito ang buhok niya. Agad naman hinawakan ni Gab ang kamay ni Jacky, nakahawak pa rin sa buhok niya. ” Bitawan mo baka makalimutan kung babae ka, baka hindi ako makapagpigil at masuntok kita." Utos ni Gab na pilit hinihila ang kamay ni Jacky. Nagmamatigas pa rin si Jacky, lalo pang diniinan ang paghawak sa buhok niya, pakiwari'y niya matatanggal ang anit-anit niya sa sakit. Sa pagmamatigas ni Jacky, napilitan na si Gab hilahin ang buhok nito. “ Aray!” Tili ni Jacky napahawak sa sariling buhok dahil sa sakit. “ Sinabi kong bitawan mo." nanggigil na sabi ni Gab at binitawan nito ang buhok ni Jacky. “Mang agaw 'yang babae na 'yan” sabay duro ng ina ni Paolo kay Leni at akmang sugurin ulit nito. Mabilis na hinarang ni Gab ang katawan.” subukan mong saktan, ng makalimutan kong ina ka ni Paolo.” Napaatras ang ginang sa sinabi ni Gab. “ Mang aagaw kang higad ka, isa kang kabit!” Akmang sugurin siya ulit ni Jacky, hindi na nakapag timpi si Gab sagad na sagad na ito. Hinawakan nito ang nagwawalang si Jacky at ibinabalibag. Napa tili ito ng bumagsak sa lupa. Nanlilisik ang mga mata ni Jacky, tumayo“ Pagbabayaran n'yo itong dalawa!” nang-galaiti sigaw nito sa kanila. " Walang hiya ka! Pumapatol ka sa babae. Ka lalaki mong tao, nanakit ka!” Singhal ng ginang kay Gab. " Mabuti pa, umalis na kayo dito bago ako tatawag ng pulis!” Saad ni Gab sa dalawa. " Hindi pa tayo tapos. Tandaan niyo 'yan!” Duro ni Jacky sa kanila. Galit itong nakatingin sa kanya. “ Ipapatanggal kita sa paaralan pinagtatrabahuan mo." pagbabanta nito. " Layuan mo ang anak ko!”Sabad ng ginang at hinila si Jacky palayo sa kanila. " Tawagan mo si Paolo sabihin mo sa kanya ang ginawa ng magaling niyang ina." Ng uutos na sabi ni Gab ng maiwan silang dalawa. Inakay siya nito papasok sa loob ng kanilang bahay. " Mapapatay ko talaga ang Jacky na 'yan." gigil na bulalas ni Paolo sa galit ng maka uwi ito sa kanila. " Ilayo, mo nalang muna rito si Leni, Paolo baka balikan pa ni Jacky at ng ina mo." Sabad ni Gab. " Ako na ang hihingi ng tawad sa ginawa ng ina ko." Nahihiya nitong sabi. Tama nga si Gab, sa hindi pagpayag nitong isama ni Paolo si Leni sa bahay ng ina, dahil magiging kawawa ang buhay ng kapatid kapag kasama nito ang b'yanan sa iisang bubong. TULAD ng suhestion ni Gab, kumuha na muna ng pansamantalang apartment si Paolo, para ilipat si Leni ng hindi na matuntun ni Jacky at ng ina. " Love, okay ka ba dito sa nakuha kong apartment?" Malambing na tanong ni Paolo, ng makalipat na sila sa bagong tirahan. Saglit niyang tinigil ang ginagawang pag-aayos ng mga plato at nilingon ang asawa. " Oo, naman okay na ako rito, kahit ng hihinayang ako pero importante pa rin malayo ako kay Jacky." tugon niya at muling binalik ang pansin sa trabaho. Niyakap siya nito mula sa likuran.” Hayaan mo love, malapit na din matapos ang bahay na pinapagawa ko lilipat tayo dun. Gagawa tayo ng maraming supling." Pilyo nitong sabi. “ Hm...marami talaga?” natatawa niyang tanong. " Oo, pupunuin natin ang bahay ng pagmamahal." "Saka na 'yan kapag maayos na ang bahay." biro niya rito. " Maiba ako hindi kaba muna magpapakita sa mommy mo?" Pag iba niya sa paksa nila. umiling iling ito" Hindi na muna tsaka na lang pag lumipas na ang sama ng loob ko sa kanya." Hindi na niya ito pinipilit pa, naintindihan niya ang asawa kung masamang masama ang loob nito sa ina. Nasagad na lang siguro ito. " PAANO, bababa na ako." naka ngiti niyang sabi ng ihatid siya ng asawa sa paaralan. Hinalikan siya nito."Okay, enjoy your day love." " Ikaw din, ingat sa pagmamaneho." paalam niya at pumasok na ng gate sa paaralan. Hindi pa siya tuluyan naka pasok sa classroom, tinawag siya ng Principal ng makita siya nito. Tinungo nila ang principal office. " Umupo ka, miss Cruz." seryuso ang mukha nito. Kinakabahan siya na baka tinutoo ang banta ni Jacky. " We got a complain." pasiuna ng Principal. " Po?" hindi matago sa mukha niya ang pagkabahala. " Pansamantala ka muna namin sinususpendi. Sana maunawaan mo kami, ayaw lang namin ma hila ang pangalan ng paaralan na ito sa scandal." Nanlumo siya sa kanyang narinig." Pero ma'am, mapapatunayan ko po sa inyo hindi po ako kabit." Saad niya nahulaan na niya kung ano ang scandal sinasabi nito. Wala naman ibang magrereklamo kundi si Jacky lang naman. " Well, you have to prove it to us, but for now we just have to suspend you while this case is under invastigation." sabi nito sa kanya. Laglag ang kanyang mga balikat umuwi sa kanila. Hindi na lang niya tinawagan ang asawa, hintayin na lamang niya itong maka-uwi ng bahay. "Kumusta ang trabaho mo Leni?" tanong ni Gab sa kanya ng dalawin siya nito. Humugot siya ng malalim na hininga, bago nagsasalita" Na suspended ako kuya." malungkot niyang sabi. " Walang hiya talaga ang Jacky, na 'yun." ani Gab. " Kung hindi lang kasalanan ang pumatay, baka napatay ko na 'yang salot sa buhay natin." " Bad 'yan kuya." " Alam ko, ayaw ko naman makulong dahil lang sa walang kwentang tao na 'yun." tugon nitong umupo sa sala. " Maiba ako, maganda naman 'tong apartment na kinuha niyo." " Oo, nga kaya lang nanghihinayang ako sa bayad." umupo siya sa katapat nitong upuan. "Aalis na pala ako, nag-aantay na sa'kin si Stella." " Hindi mo nalang ba hintayin si Paolo?" " Wag na, dumaan lang naman ako dito, para kumustahin kayo." Pagka sabi iyon nagmamadali na itong lumabas ng bahay. Sa pag iisa niya hindi niya maiwasan makaramdam ng ingit kay Stella. Mabuti pa ito walang problema kay Gab dahil walang karibal. Walang nangugulo. Napa buntong hininga na lamang siya, nagpunta sa dining para maglatag ng plato sa mesa bago pa maka-uwi ang asawa. " LOVE, basahin mo kaya yang message mo baka importante 'yan." sabi niya sa asawa ng marinig niyang tumunog ang cellphone nito, humiga siya sa sofa at inunan ang ulo sa paa nito. ” Si mommy lang naman 'yan.” tugon nitong nakatoon ang mga mata sa tv. “ Tignan mo baka ano na 'yan." Giit niya, kahit gaano pa ka sama ang ina nito. Ayaw niya tuluyan magkasiraan ang mag ina dahil lang sa kanya. "Sasabihin lang naman nun kaarawan niya." may himig pagtatampo sa boses nito Napa tingin siya rito." Ayaw mo bang dumalo?" kunot noo tanong. Napapa-iling ito." Pagkatapos ng ginawa nila sayo, at sa pagka suspendi mo, ayaw ko silang makita lalo na ang Jacky 'yun." Napa upo siya ng tuwid. " Love, itabi mo muna ang sama ng loob mo, kaarawan ng ina mo, regalo mo nalang 'yan sa kanya." napa titig ito sa kanya. " Wag, mong hayaan malamon ang puso mo sa sama ng loob, wag mong hayaan masira ang relation mo sa ina dahil lang sa'min ni Jacky. Kasama mo siya mula ng bata kapa hanggang sa paglaki mo. Dala dala ka niya sa sinapupunan niya ng siyam na buwan. "Habang kami ni Jacky, bago lang sa buhay mo. Kami ang bukas mo pero wag mong kalimutan ang taong kasama mo bago mo pa kami nakilala lalo na ang ina mo." mahaba niyang paliwanag rito. Hinaplos nito ang mukha niya," Nasaktan lang ako sa ginagawa nila sa'yo." " Kalimutan muna lang ang nangyari." sabi na lamang niya. " Kung pupunta ako, isasama kita at sasabihin na natin sa kanila ang totoo na ikaw ang legal na asawa ko." seryuso ang mukha nito. " Pagud na ako magtago kung totousin wala naman tayo dapat itago dahil wala naman sakit si mommy." pagpapatuloy nito. " Dito nalang ako, ayaw kung masira ang kaarawan niya dahil lang sa'kin." " Kung ayaw mong sumama di dito nalang ako." saad nito. Napa buntong hininga siya, tama nga siguro harapin na niya ang mga ito at sabihin ang katotohanan para matigil na sa kakatawag sa kanya, na kabit dahil pati trabaho niya na dadamay na. " Sige, sasama na ako." naka ngiti niyang sabi rito. Nagliwanag ang mukha nito sa sinabi niya. " Kung ganun, gusto ko ipag-shoping mo ang sarili mo."kumuha ito ng pera sa wallet nito. " Gusto kung bumili ka ng magandang damit." " Kabibigay mo lang sa'kin ng pera ah!" angal niya ng makita ang twenty thousand. " Binibili mo naman 'yun ng gamit dito sa bahay, 'yan allowance mo gusto kung e pamper mo ang sarili mo." hinagkan siya nito sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD