Magkapatid Episode 13

1949 Words
HINDI mapakali si Jacky, kaya pinuntahan niya si Paolo, kailangan niya itong kausapin, at sabihin dito ang kanyang nararamdaman para rito. Tamang pagdating niya sa bahay ng binata ay palabas naman ang sasakyan nito. Agad niyang pinatay ang makita ng kanyang sasakyan at nagmamadaling nilapitan ang sasakyan ni Paolo. Binaba nito ang bintana ng sasakyan ng makita siya" Jacky ano ang ginagawa mo dito?" Agad nitong tanong sa kanya ng makalapit siya rito. " Paolo kailangan natin mag usap." “ Tungkol saan?” Kunot-noo nitong tanong sa kanya. “ Tungkol sa atin” “ What about us?” Naguguluhan nitong tanong sa kanya. " Paolo, alam mo ikaw ang dahilan kung bakit ako umuwi dito sa pinas." Paisuna niya at tumabi ng upo rito sa driver seat. Tumahimik ito at matiim nakikinig sa kanya. " Hindi lang kababata ang turing ko sa iyo. Paolo mahal kita, mula noon bata pa tayo at alam mo iyan, kaya tayo nangako sa isa’t isa noon” deretsahan niyang sabi rito. Nabigla ang binata sa sinabi niya. " Mahal din kita Jacky, pero bilang kababata lang, hanggang doon lang ang maibigay ko sa’yo Jacky." Hindi siya naka imik sa sinasabi nito. " Papakasalan ko si Leni Jacky."Dagdag pa nito. Sumisikip ang kanyang dibdib sa mga sinasabi ng binata” Papakasalan niya ang lusyang na iyon." Ulit ng isipan niya. " Please kung mahal mo ako, bilang kababata suportahan mo ang gusto ko." Pakiusap ng binata sa kanya. Hindi niya alam paano ipaglaban ang pag ibig niya, para rito. Nagmamadali siyang bumaba ng sasakyan at walang lingon likod naglalakad papunta sa kanyang nakaparadang sasakyan. Masakit ang kanyang dibdib na magpapakasal na ang binata sa iba. " Jacky!" Narinig niyang tawag sa kanya ng binata ngunit hindi na niya ito nilingon pa" Hindi ako papayag na makasal kayo. Gagawin ko ang lahat Paolo." Pinaharorot niya ang sasakyan palayo. " GOOD bye teacher Leni." Paalam ng kanyang mga studyante kinahapunan. " Sige class, wag niyong kalimutan ang assignment niyo bukas ha?” Bilin niya sa mga ito. Agad niyang iniligpit ang kanyang mga gamit. " Hapon, na bakit wala parin si Paolo? sabi niya susunduin niya ako rito sa paaralan. " Anas niya sa sarili. Ng matapos siyang magligpit ay naisipan niyang lumabas ng gate ng paaralan baka sakali nandun iyon sa labas. Nagpalakad lakad siya sa gilid ng kalsada ng may huminto van sa harapan niya at pilit siyang pinasakay dito. " Ano, ba bitiwan mo ako." Nag pupumiglas niyang sabi. ' Wag na po kayong pumalag." Anang boses lalaki. " Saan mo ba ako dadalhin?" Kinakabahan niyang tanong. Hindi siya nito sinagot Huminto ang sasakyan sa isang bahay malaking bahay at hinawakan ang kanyang kamay pa baba sa van. Kinuha ng lalaki ang takip sa kanyang mata ng tuluyan silang makapasok sa malawak na harden. Lumantad sa kanyang harapan ang nakangiting binata. " Paolo, ano to?" Kunot-noo niyang tanong. " Surprise!!! " sabay bukas ng mga ilaw sa kapaligiran. Bumungad sa kanya ang mga naka decorate sa kapaligiran. Halatang gumastos ito." Ano kaya ang paandar ng lokong ito." " Tinakot mo ako." Nakasimangot niyang sabi. " May pakidnap kidnap kapang nalalaman." Hinampas niya ito sa balikat. " Aray!! Sinasaktan muna ako love." Nakangiti nitong sabi. Lumuhod ito sa kanyang harapan at, binuksan ang maliit na kahon." Will you marry me?" Seriouso ang mukhang nagtatanong sa kanya. Ilang saglit siyang nag-isip bago ito sinagot. ' Yes! I will marry you!." Maluha luha niyang sabi. Pinasout nito ang singsing sa kanyang daliri at agad siyang binuhat. " Hoy, ibaba mo ako." Nakangiting angal niya rito. Nagulat siya ng makita ang kanyang kuya Gab nakaupo sa isang tabi. " Kuya?" Agad siyang lumapit rito. " Kasabwat ka nila?" tumango tango ito at saka ngumiti. " Masaya kaba?" Malambing nitong tanong sa kanya. Abot taenga ang kanyang ngiti rito." Oo kuya subrang saya ko” " Masaya din ako para saiyo." Tugon nito sa kanya. Lumapit sa kanila si Paolo, " kuya baka pwedi hiramin ko muna itong magiging asawa ko." Walang pagsidlan ang kanyang saya, mag aasawa na siya. NAG file ng leave si Leni sa paaralan na kanyang pinapasukan dahil magiging busy siya sa magiging kasal nila ni Paolo. " Love hindi muna kita masamahan mamili ng gown, may kailangan akong puntahan. Ani Paolo sa kanya. " Okay lang loves magpasama nalang ako kay Kuya Gab." Aniya rito at agad kinakausap ang kapatid. Masaya naman itong pumayag sa gusto niya. " Leni do’n ako maghihintay saiyo ha?" Sabay turo ni Gab sa coffee shop na kaharap ng botique. Wala naman itong alam sa gown ma bored lang ito kaya naisipan nitong tumambay nalang muna sa coffee shop. " Sige, kuya, pupuntahan nalang kita pagtapos na ako." Pagkasabi niyang iyon ay tinalikuran na siya ng kapatid. Papasok na sana siya sa loob ng boutique ng biglang may humablot sa kanyang balikat. Napatingin siya sa humablot sa kanya ganon nalang pagka gulat niya ng makita si Jacky. " Ano ba, bakit ka ng hahablot." Angal niya rito at winawaksi ang kamay ni Jacky nakahawak sa balikat niya. Tila ng liit siya ng makaharap ito napa ka class nitong tignan sa ayos nito. " Sa tingin mo, papayag ako na maagaw mo sa akin si Paolo?" Inis nitong sabi sa kanya. " Ano ba Jacky, magpapakasal na kami at hindi muna kami mapipigilan pa." Pagalit niyang sabi rito. " Sa akala mo papayag ako ng basta basta nalang?” Ayaw na niyang makipagtalo pa rito, kaya tinalikuran na niya ito ng bigla siya nitong hilahin sa buhok. " Wag na wag mo akong tatalikuran bastos ka!" Inis nitong sabi na hawak hawak parin nito ang kanyang buhok. Hindi nila namalayan ang paglapit ni Gab. “ Bitawan mo!” Sabay hila nito kay Jacky, pero nagmamatigas itong bitawan siya. Nagdilim ang paningin ni Gab at inambaan ng suntok si Jacky, agad din binitin ni Gab ang kamao sa ere ng mapatakop ito sa mukha. '" Naku! Ikaw, kung hindi ka lang babae sinapak na talaga kita." Inis na sabi ni Gab kay Jacky. " Mabuti pa umalis kana dito bago ko makalimutan babae ka." Inis na taboy ni Gab. " Hindi pa tayo tapos Leni!" Anito at balak siyang bundolin sa balikat. Maagap si Gab, nahawakan si Jacky, para di siyang bungguin. “ Bitawan mo, nga ako” maktok ni Jacky. Pabalibag itong binitawan ni Gab at nawalan ito ng balance” Aray!” Tili nito ng matumba. " Diyan ka nababagay, napupuno na ako sayo. Hindi porket sikat ka, basta basta ka nalang mang api ng tao” Duro ni Gab dito saka iniwan na nila itong nagsisigaw sa galit. NAGPAPARTY si Paolo, para e announce ang kanilang nalalapit na kasal. Nakatayo si Leni sa tabi ng swimming pool, kung saan dinaraos ang party hinanda ng binata. “ Congrats Leni, malapit kanang ikasal” anang isa sa mga kasamahan niya sa trabaho. “ thank you” nakangiti niyang tugon, di sadyang mapalingon siya sa gawi kung saan naglakad si Stella. Namilog ang kanyang mga mata sa gulat ng makita ito. “ Don’t tell me magkakilala sila ni Paolo” sa isip niya. Bahagya itong ngumiti sa kanya, ng magtagpo ang kanilang paningin. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaction ng maglakad ito palapit sa kanya. " Congrats Leni," -nito ng malapitan siya. Na aninag niya sa mukha nito na tila nahihiya sa kanya. " S-sino ang nag- invite sayo?" Kunot noo niyang tanong rito. " Your brother Gab." " Magkakilala kayo?" Hindi siya makapaniwalang magkakilala ang dalawa. " Yes, nanliligaw sa akin ang kuya mo.” Lalo siyang hindi nakapaniwala sa sinasabi nitong niligawan ito ng kuya niya” Bakit hindi sinasabi sa akin ni kuya na may niligawan na pala ito." Sigaw ng isipan niya. " Paano si Brian?” Seryuso ang kanyang mga mata nakatingin rito. " Well, wala na kami. Playboy talaga ‘yong gago nayon. Sorry, Leni sa nagawa ko sa iyo noon” nakayuko nitong sabi. " Ano ang gusto nitong sabihin ko, na okay lang, ayos lang na sinasampal mo ako sa restaurant? Okay lang na pinapahiya mo ako?" Ngangat ng kanyang kalooban. Gusto man niya itong sumbatan. Pero nagtimpi siya ayaw niyang masira ang kanilang party dahil lang rito. " Anyway, iwan kuna kayo, hanapin ko lang ang kuya mo." Agad din itong tumalikod hindi na nito inantay sagutin niya. “ Good choice din ang kuya mo ha?” Natatawang agaw attention ng kanyang kasamahan nasa tabi niya. Binaling niya ang tingin sa mga naliligo sa pool. " Jacky!!" Rinig niyang bulalas ni Stella mula sa kanyang likuran, napalingon siya rito. Nakita niya si Jacky, nakasout ng golden backless dress na may slit sa kanang paa.Modelong modelo ito tignan. Hindi na siya nagtaka dumalo ito dahil alam na niyang kababata ito ng kanyang fiancè " Hanggang ngayon ang ganda parin ng pinsan ko." Puri ni pa Stella na lalong kinagulat niya. “ Mag pinsan sila?" Bulalas niya sa sarili. “ Can’t believe makikita kita rito” tugon ni Jacky sa pinsan. NAPALINGON si Jacky sa direction ni Paolo, naglakad ito palapit sa kanila. " Jack, I’m glad that you came" halata sa mukha nito ang tuwa ng makita siyang nakiparty. Bumeso-beso siya rito" Syempre kababata kita, susuportahan kita sa gusto mo." Nakangiti niyang sabi rito. “ Masaya talaga ako, nagpunta ka rito.” Ani Paolo sa kanya. “ Hello, Jacky. Pwedi ko bang e-excuse itong si Paolo?” Anang lalaking lumapit sa kanila. “ Sure!” Aniya rito “ Ewan muna kita” ani Stella sa kanya. Napalingon siya sa gawi ni Leni, nakaharap ito sa pool. Biglang bumangon ang galit niya ng makita ito. Parang kulang nalang isumpa na niya ito. Napangiti siya ng pilya ng may maisip siya. Pasimply siyang humakbang palapat kay Leni naka talikod sa kanya. Akmang itulak na niya si Leni ng may biglang humila rito, Kaya na out of balance siya at bumagsak sa tubig. “ Sh*t!” Bulalas niya sa inis. Ngumingisi ang lalaking nakatingin sa kanya habang hawak nito si Leni. " Yan ang napapala mo sa pagiging spoiled brat mo." Ani Gab sa kanya. “ Magbabayad kayong dalawa sa akin” bulalas niya sa subrang galit na pahampas pa sa tubig. Nagmamadali siyang umahon sa tubig. Gigil na gigil na siya sa dalawang iyon. Sakay ng kanyang kotse pinuntahan ang ina ng binata sa bahay nito. " Tita!" Tawag niya sa mommy ni Paolo ng marating niya ang bahay nito. " Jesus! Jacky, anong nangyari sa iyo?" Takang tanong nito ng makita siyang basang basa. " That b*tch tita, tinulak niya ako sa pool." " I really hate her!" Inis na sambit ng ginang. " Tita, kailangan gumawa tayo ng paraan para hindi matuloy ang kasal nila tita." Mangiyak ngiyak niyang sabi. " Wag kang mag-alala Jacky, leave it to me." Sabi nito sa kanya. " Umuwi ka muna sa inyo hija magbihis ka baka mag kakasakit ka niyan. Wag muna isipin yon. Hindi matutuloy ang kanilang kasal." Pagbigay assurance nito sa kanya. “ KUYA, bakit hindi mo sinabi sa akin nanliligaw ka pala kay Stella? Agad na tanong ni Leni sa kapatid ng makauwi sila sa kanilang bahay. “ Paano kayo nagkakilala ni Stella?” Gulat na tanong ni Gab sa kanya. “ Kuya ex girlfriend siya ni Brian, siya iyong namahiya sa akin sa restaurant. Saka, kuya magpinsan sila ni Jacky, baka ginamit lang ni Jacky si Stella para paibigin ka kuya, para gantihan niya tayo.” Aniyang nagpalakadlakad sa sala “ Leni, hindi naman siguro mag papagamit si Stella kay Jacky. Nag Overthink kalang Mabuti pa matulog kana. Dala lang iyan ng pagud.” Pagtanggol ni Gab sa kasintahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD