"Kumakain ka pala ng tuyo at salad na kangkong?" tanong sa akin ni Samuel na 'di ko pinansin. Gutom,eh!
"Alam mo, kulang ka sa aruga. Hindi ko naman masisisi si Manong Alfonso dahil napakabusy niyang tao. Kaya siguro naging ganyan ang ugali mo," pagpapatuloy niya.
Pinagsasabi nito? Hindi ko na lang siya pinansin at kumain na lang ako dahil gutom na gutom ako.
"Pagkatapos mong kumain, magsisibak ka ng kahoy at pagkatapos ay mag-iigib ka ng tubig at ilagay sa lababo at sa palikuran. Pagkatapos ay magpahinga ka ng ilang oras para may lakas ka para magluto ng hapunan natin," sabi niya na siyang nagpatigil sa akin sa pagkain. Napatingin ako sa kanya ng masama.
"May problema ba?" nakangisi niyang tanong sa akin na kinanuot ng aking nuo.
"Magsisibak ng kahoy? Mag-iigib ng tubig sa lababo at Cr? Magluluto!!!? Ano ako? Katulong!!?" inis kong sambit sa kanya.
"Ayaw mo? Mukhang nagugustuhan mo na dito at ayaw mo nang umuwi,ah?" nakangisi niyang tanong sa akin.
"Anong ayaw!!? Gustong gusto ko nang umalis sa lugar na ito! Ayaw kong makita 'yang pagmumukha mo! Nakakasira ng araw,alam mo ba 'yun!?" sabi ko sa kanya.
"Nakakasira ng araw ang mukha ko? Sabi ng mga kababaihan dito, pinapaliwag ko raw ang kanilang mundo kapag nakikita nila ako kaya paano nangyari 'yang sinasabi mo?" nagtataka niyang tanong habang nakatitig sa akin.
Napalunok ako ng aking laway dahil sa pagtitig niya. Hindi ko alam kung dala lang ito ng gutom o isa ba itong engkanto? Medyo nakakairita kasi ang titig niya, parang may gustong iparating.
"Pwes, gawa sa China ang mga mata nila. Hindi totoo ang mga nakikita nila sa'yo!" sabi ko na lang at nagpatuloy sa pagkain.
Ilang saglit pa ay naramdaman kong umalis siya sa aking tabi at lumabas ng bahay. Hindi ko na lang sinundan ng tingin ang lalaking 'yun dahil wala naman akong mapapala sa kanya.
Nang matapos akong kumain, nagpunta ako sa sala at umupo. Napapikit pa ako at huminga ng malalim. Medyo pagod pa ako kanina sa paglalakad at nabusog ako sa kakakain. Kung meron lang ibang makakain dito, hindi ko pagtyatyagaan ang tuyo at yung sinabi niyang salad na kangkong.
Mga ilang minuto rin akong nakaupo na nakapikit. Napadilat lang ako nang may kumalabit sa aking balikat. Si Samuel.
"Bakit!?" inis kong tanong sa kanya.
"Hindi ba sinabi ko kanina na magsisibak ka? Halika, doon tayo sa likod," sabi niya sa akin pero hindi ko siya pinakinggan. Ano ako? Uto-uto!!?
"Ayaw mo? Siguro gustong gusto mong makita ang pagmumukha ko kaya ayaw mo nang umuwi? Sabihin mo lang at baka pagbigyan kita," napatayo ako kaagad dahil sa sinabi niya.
Hinarap ko siya at medyo tumingala. Bakit kasi ang tangkad ng lalaking 'to!? Nagmumukha tuloy akong unano,eh nasa 5'6 na ang height ko.
"Para sabihin ko sa'yo, mas kaaya-aya pa ang pisikal kong kaanyuhan kaysa sa'yo! At alam mo ba na halos lahat ng kababaihan sa pinag-aralan ko ay nakukuha ko dahil sa gwapo ako!" sabi ko sa kanya.
Napailing na lang siya dahil sa sinabi ko. Napangisi naman ako dahil mukhang matatalo ko siya pagdating sa kayabangan.
"Sa liit mong 'yan? May mga babaeng nagkakandarapa sa'yo? Baka naman 'yung mga babaeng 'yun ay tigang lang? O 'di kaya naman ay minamagic mo sila gamit ang mga magic niyong mga nuno sa punso?" nakangisi niyang mga tanong sa akin.
Nakaramdam ako ng pag-init ng tainga dahil sa kanyang sinabi. Napakuyom ako ng aking kamao at para bang may lumalabas na usok sa aking ilong.
"Hindi ako maliit! Hindi ako nuno sa punso!! Matangkad ka lang 'tol! Mas matangkad sa akin kaya huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan! Naiintindihan mo!!?" galit kong sagot sa kanya.
"Kaliit mong tao, ang lakas ng boses mo! Kung 'di ka pa gagalaw diyang, papaluin ko ang pwet mo. Gusto mo?" banta niya sa akin pero 'di ako natinag.
"Ganun pala,ah!" sabi pa niya at akmang bubuhatin na niya ako nang mabilis akong umatras at tinakbuhan siya.
"Kung 'di mo susundin ang mga utos ko, habang buhay ka na dito!" sigaw niyang banta na nagpatigil sa akin.
Seryoso!!? Habang buhay!? Ano ang akala niya sa akin,tanga!? Kapag nagkaroon ako ng pagkakataong makatakas dito ay gagawin ko!
"Manigas kang bakulaw ka!!" sigaw ko naman pabalik sa kanya at nagtungo sa kung saan.
Napadpad ako sa bukid at sumilong sa isang puno. Umupo ako dito para makatakas sa lalaking 'yun. Ano ang akala niya sa akin, susundin ko siya!? Sino ba siya sa inaakala niya!? Isang prinsipe na nag-uutos sa kanyang alaylay!? Tsk! Manigas ang jun jun niya!
Ilang minuto din ako nakaupo sa lilim ng kahoy nang makarinig ako ng mga taong nag-uusap. Napalingon ako sa kanila at nakita ko silang papunta sa taniman. Nakasuot sila ng mahabang damit, ang kanilang pang-ibaba ay lumang pantalon at may sumbrero sa kanilang ulo. May hawak silang pangbungkal ng lupa at may dala silang isang timba.
Habang pinagmamasdan ko sila, hindi ko lubos maisip kung paano sila nabubuhay dito. Tangin pagtatanim at siguro nangingisda rin ang ilan dito. Walang mga high-tech na mga gadgets, may mga cellphones naman sila pero 'yung mga lumang model na, wala silang pasyalan dito gaya ng bahay-aliwan, walang sugalan, walang galaan! Walang mga babaeng naghahanap ng ligaya! Hindi ako makakatagal dito!!!
Napaisip ako sa sinabi ni Samuel sa akin kanina na kapag nagbago ako, siya pa ang maghahatid sa akin pauwi, pero ano naman ang babaguhin ko? Ok naman ako, mabait naman ako, at higit sa lahat ay gwapo ako kaya ano ang babaguhin ko sa sarili ko!? Napailing na lang ako at tumayo sa pagkakaupo. Kahit na hindi ko maunawaan ang sinabi ni Samuel kanina, siguro ang gagawin ko ay susubukan kong gawin ang mga pinapagawa niya! Hindi ko lang alam,kapag ginawa ko 'yun ay isang linggo lang ako dito at makakauwi na ako!
Naglakad ako papunta sa bahay nila Samuel at nadatnan ko siyang nakaupo sa harap ng bahay habang nakatutok sa kanyang lumang cellphone.
"Ano? Tapos ka nang magpahinga?" tanong niya sa akin na nginitian ko lang.
"Pasensya na sa inasta ko kanina. Alam kong mali 'yun pero minsan kasi ay hindi ko napipigilan ang sarili ko lalo na kapag nagugutom ako. Saan ba ang mga kahoy na sisibakin ko para masimulan ko na?" sabi ko sa kanya with maching sincere face! Ganyan lang Jemuel at makakakuha ka ng gantimpala!!Gantimpala para maging best actor!!
"Aba, ok na sana,eh kaya lang nakikita ko ang dalawang maliit na sungay sa ulo mo. Hindi mo ako madadaan sa ganyan mo,Jemuel pero sige, sakyan natin 'yan. Halika, sumunod ka sa akin," sabi niya at tumalikod na siya.
Nang tumalikod siya, gustong gusto ko nang suntukin ang lalaking 'to! Akala mo kung sino! Napapikit na lang ako at sinundan na lang siya papunta sa likod. Nang makarating kami, lumaki ang aking mata nang makita ko ang mga kahoy na sisibakin ko! Seryoso!!? Lahat ng ito sisibakin ko!!? Naduduling na nga akong tignan ang mga kahoy dahil sa dami!
"Kanina pa naghihintay sa'yo 'yang palakol. Simulan mo na para matapos," nakangisi niyang utos sa akin.
Naglakad siya papunta sa isang upuan na kahoy habang ako ay nilapitan ang palakol na siyang gagamitin ko sa pagsibak. Hindi naman ako tanga para hindi alam kung paano gamitin ito pero tangna!! Mahirap din pala! Nakakailang minuto na ako sa pagsibak pero hindi ko pa natatapos ang isang kahoy. Minsan kasi eh hindi tumatama ang palakol sa kahoy.
"Mali kasi 'yang ginagawa mo. Sandali at ipapakita ko sa'yo para hindi ka masyado mahirapan," napalingon ako sa kanya nang magsalita siya.
Kinuha niya sa akin ang palakol at pinatabi niya ako. Sinabihan niya akong panuorin siya na siya namang ginawa. Sa isang iglap, nahati ang kahoy sa dalawa. Ang isang hati naman ang pinalakol niya at nahati na naman sa dalawa at pagkatapos ay sinunod na niya ang isa pang kalahati. Kung titignan, ang dali dali lang magsibak pero kapag ako na, nahihirapan na ako!
"Ano? Nakuha mo?" tanong niya na tinanguan ko na lang.
Ibinigay niya muli sa akin ang palakol at pwumesto na ako para sibakin ang nakahandang kahoy. Nang sinimulan ko na, hindi ko na naman magawa ng maayos pero kahit na ganoon ay pinilit ko pa rin.
"Nanood ka ba o tumunganga? Ganito kasi!" sabi niya at pwumesto siya sa aking likod.
Ilang saglit pa ay hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa palakol. Ramdam na ramdam ko ang katawan niya sa aking likuran at ang hangin na nanggagaling sa kanyang ilong na tumatama sa aking batok. Para akong naestatwa sa pwesto namin.nanlamig ang katawan ko na 'di ko alam.
Gamit ang kanyang kamay, inangat niya ang palakol. Napasunod naman ang aking kamay kasi nakahawak din ako sa palakol. Wala akong lakas na ibinigay s apagsibak dahil para akong nawawalan ng lakas dahil sa pwesto namin.
"Ganyan dapat! Para kang babae kung magsibak,eh!" hindi na lang ako nagsalita sa kanyang sinabi.
Bumalik siya sa kanyang kinauupuan kanina at ako naman ay nagsimula nang magsibak. Sa una talaga ay nahibirapan ako kung oaano ko gamitin ang palakol para makasibak pero kalaunan ay medyo nakukuha ko na naman.
Halos kalahating oras na rin akong nagsisibak at nararamdaman ko na ang pagod. Kinuhanan naman ako ni Samuel ng tubig kaya kapag natutuyuan ako ng lalamanunan ay umiinom ako.
Habang nasa ganoon akong pagsisibak, napansin kong tumayo si Samuel at pumasok ng bahay. Hindi ko na lang inintindi at nagpatuloy na lang ako kung ano ang ginagawa ko. Dahil wala naman si Samuel na nanonood, pasimple akong tumitigil para makapagpahinga. Hindi naman ako robot para hindi mapagod kaya sasamantalahin ko na ang pagkawala niya para makahinga naman ako kahit saglit lang. Habang nakaupo ako ay tumitingin ako sa pinto. Mahirap na baka biglang dumating si Samuel.
Nang makapagpahinga ako ay pinagpatuloy ko na ang pagsibak para matapos na. Pero nang tignan ko ang mga kahoy na sisibakin ko, napasimangot na lang ako dahil hindi ko pa nakakalahati ito. Mukhang papahirapan talaga ako ng lalaking 'yun! Kapag nakanap talaga ako ng pagkakataon, tatakas ako dito sa lugar na ito! Pero ngayon, kailangan ko munang magpanggap. Hindi natin alam, baka wala pa akong isang linggo ay ihahatid na niya ako pauwi.
Hindi ko na alam kung ilang minuto o ilang oras na akong nagsisibak. Napatigil lang ako sa aking ginagawa nang may tumawag sa akin. Si Samuel.
"Itigil mo na 'yan, ituloy mo na lang bukas. Mananghalian na muna tayo at pagkatapos ay mag-iigib ka pa ng tubig sa Cr at lababo," nakangisi niyang sambit sa akin.
Binitawan ko na ang palakol at polit na nginitian siya. Naglakad ako sa kanyang kinaroroonan at sabay kaming pumasok ng bahay. Pagdating namin sa kusina, doon ko lang naramdaman ang gutom nang makita ko ang mga nakahanda! May sinigang na bangus at prinitong isda!
Agad akong umupo sa harap ng hapagkainan habang si Nanay Manda ay nagpreprepare ng mga plato at kutsara't tinidor. Nang umupo na silang dalawa ay magsasandok na sana ako ng kanin nang tapikin ako ni Samuel. Napatingin naman ako sa kanya ng masama.
"Magdasal na muna tayo," sabi niya sa akin na kinasimangot ko.
Kailangan pa bang magdasal? Siguro sa kanila oo pero sa akin, hindi ko nakasanayan ang magdasal bago kumain. Sabi pa nga nila na kapag nagising ka sa umaga at bago matulog sa gabi, magdasal ka muna. Alam ko naman ang tungkol diyan pero sa totoo lang ay hindi ko iyon ginagawa. Alam kong hindi ako nag-iisa. Marami diyan ang nakakalimot magdasal at saka lang nila alam tawagan ang Maykapal kapag may problemang pinagdadaanan.
Matapos magdasal, para akong asong gutom. Wala akong pakialam basta nagugutom ako! Ikaw ba naman ang pagsibakin ng maraming kahoy, hindi ka ba mawawalan ng lakas?
Nang matapos kaming kumain ay nagpunta ako sa labas at nahiga sa papag na gawa sa kawayan sa lilim ng kahoy na nasa gilid ng bahay. Dahil na rin siguro sa pagod at nabusog ako, napapikit ako ng aking mata at nakatulog.
Napadilat ako ng aking mga mata nang pakiramdam ko ay mahuhulog ako pero hindi naman pala. Umupo ako sa pagkakahiga at napatingin sa malawak na sakahan. Nanatili akong nakaupo hanggang sa dumating si Nanay Manda na may dalang meryenda. Galing,ah. Saktong sakto talaga sa paggising ko.
"Buti naman at nagising ka na. Magmeryenda ka muna at kung gusto mong maligo mamaya ay maraming tubig sa Cr," sabi niya sa akin.
Inilapag niya ang meryenda. Banana cue at juice ang inihanda niya. Kinuha ko ang isang tusok at nagsimulang kumain. Tinabihan naman niya ako at nakisabay magmeryenda.
"Pagpasensyahan mo na lang si Samuel kung ganoon ang inaasta niya sa'yo. Humingi kasi si Sir Alfonso ng pabor sa anak ko na kung pwede ay baguhin ka namin sa kung ano ka ngayon. Hindi lingid sa aming kaalaman kung ano ang pinaggagawa mo sa syudad. Dahil na rin sa utang na loob namin sa tatay mo, hindi kami nagdalawang-isip na tulungan siya para sa'yo," sabi niya sa akin. Hindi na lang ako nagsalita at nakinig sa kanya.
"Alam mo ba na napakabait na anak si Samuel? Lahat ay gagawin niya para sa aming dalawa. Noong nakapagtapos na siya ng pag-aaral sa kolihiyo, gusto niya na sanang magtrabaho agad pero hindi nangyari 'yun dahil sa biglaang pagkakaospital ko dahil sa isang karamdaman. Binantayan niya ako, inalagaan at sinakripisyo niya ang pagkakaroon ng trabaho para sa akin. Matagal ko nang sinabi sa kanya na magtrabaho na siya dahil ok na naman ako pero sabi niya, ayaw daw niya akong iwanan dito. Pinilit ko siya noon pero sa huli, ayaw na niya at ok na siya dito sa Purok Paraiso Ligaya," pagpapatuloy niya.
"Ilan taon na ba si Samuel?" hindi ko alam kung bakit 'yan ang natanong ko.
"Ano sa palagay mo?" balik niyang tanong sa akin. Ok din ito,ah. Nagtanong pa ako kung ipapahula lang n'ya. Gusto ko sana siyang barain pero baka makwento niya ito kay Samuel at 'di ako makauwi.
"22?" patanong kong sagot sa kanya.
Napatawa naman siya ng kaunti at sinabi niyang 28 na siya. 28!!? Matanda na pala ang lalaking 'yun! Ukluban na pala siya! Napailing na lang ako habang nakangisi.
"Wala ba siyang asawa? Kasintahan?" mga tanong ko pa sa kanya pero 'di siya sumagot at kung gusto ko raw malaman ay siya na lang ang tanungin ko.
Pashowbiz amputs! Bakit hindi na lang niya sabihin eh kami kami lang naman.
"Nasaan pala siya?" tanong ko pa.
"Nasa barangay hall siya. Basta biyernes ay nagpupunta siya doon," sagot niya sa akin at tumayo.
Aalis na sana ako papunta doon sa barangay hall nang tumigil ako.
"Saan pala ang Barangay Hall?" tanong ko sa kanya.
Napangiti na lang siya sa akin at itinuro kung saan. Agad ko namang nakuha ito at sinunod ang daang itinuro niya.
Hindi naman masyado malayo ang Barangay Hall dito. Nang makarating ako ay nakita ko siyang nakaupo sa hagdan ng isang stage at sa harapan niya ay mga batang nakaupo sa sahig. Nakatingala sa kanya ang mga ito. Lumapit ako sa kanila at nang makita niya ako, tumayo siya.
"Sige mga bata, ilabas niyo ang mga papel at lapis ninyo at isulat ang buong pangalan niyo. Punuin niyo ito hanggang sa likod," utos niya sa mga ito na agad naman nilang ginawa.
Nilapitan ko siya at tinanong kung ano ang ginagawa niya dito.
"Tinuturuan ko ang mga batang 'yan na magsulat at magbilang," sagot niya sa akin na nakangiti.
"Bakit? Edukasyon ba ang tinapos mo?" tanong ko. Hindi ko kasi natanong kay Manda kanina kung ano ang natapos niya.
"Hindi."
"Eh, bakit mo tinuturuan ang mga batang 'yan?"
"Alam mo, hindi lahat ng mga bata dito ay nakakapag-aral dahil sa hirap ng buhay. Ilan nga sa mga batang 'yan ay lima o anim na taon na sila pero 'di pa sila pumapasok ng paaralan," sabi niya habang nakatingin sa mga batang nagsusulat.
"Malas nila,no? Kaya naisipan namin na turuan ang mga batang hindi marunong magsulat at magbasa para kapag lumaki na sila ay hindi sila maluluko ng ibang tao," dagdag pa niya na tinanguan ko na lang.
"Sa totoo lang, hindi ko lubos maisip kung ano ang pumapasok sa ibang kabataan ngayon kung bakit hindi nila sineseryoso ang pag-aaral. Meron diyan na pumapasok lang para makita ang mga Crushes nila, meron ding pumapasok para lang sabihin nag-aaral pero ang totoo ay panggulo lang pala sila, meron din diyang ang akala ng mga magulang ay pumapasok pero nasa galaan pala sila, sa computer shop o ang matindi pa ay nasa sugalan lalo na 'yung pinanganak na may gintong kutsara," sabi pa niya na nagpasingkit ng aking mga mata.
"First Kill!!"
"Yung mga kabataang sinasayang lang ang pagod ng kanilang mga magulang. Imbes na pumunta sa paaralan, nasa bahay-aliwan pala sila,"
"Double kill!!"
"Yung mga kabataang imbes na pumasok sa silid-aralan para matuto, nandoon sila at nanggugulo,nangbubully at minsan pa nga nambubugbog,"
"Triple Kill!"
"Meron din 'yung mga kabataan na pumupunta sa mga bahay-aliwan. Hindi na nila iniisip kung paano mag-aalala ang mga magulang kapag gabing gabi na umuuwi at ang matindi pa, nang-uuwi pa ng laruan sa kama!"
"Maniac!!!"
"Hindi ko naman sila masisisi kasi mayaman sila pero para sa akin, ang mga ganoong tao ay patapon sa lipunan at walang silbi ang buhay!!"
"Savage!!!"
"Alam mo ba..." hindi na niya natuloy ang kanyang sasabihin dahil anglakad na ako palayo sa kanya.
"Oh? Saan ka na pupunta?" tanong pa niya sa akin.
"Retreat!!!!" sigaw ko sa kanya. Nakita ko naman ang pagtataka sa kanyang mukha kaya napapikit na lang ako.
"Sabay na tayo umuwi mamaya. Malapit na naman matapos,eh" sabiniya sa akin.
Napabuntong hininga na lang ako at umupo na lang sa may gilid para hintayin siya.
Habang nakaupo ako, napaisip ako sa mga sinabi niya. Parang pinaringgan niya ako,ah! Napatingin ako kay Samuel ng masama kasi medyo nasaktan ako sa sinabi niya sa huli.