Chapter 4

1221 Words
Nang makita kong tumayo na ang mga batang tinuturuan ni Samuel ay tumayo na rin ako at nilapitan siya. Nakita naman niya akong papalapit sa kanya kaya ngumiti siya sa akin habang ako ay seryoso lang ang mukha.  " Ano? Uwi na tayo? " tanong ko sa kanya. Tinignan niya ang mga batang nag-aayos at muling tumingin sa akin.  " Hintayin na lang natin ang mga bata na makapag-ayos ng gamit nila at uuwi na tayo, " nakangiti naman niyang sagot sa akin. Napatingin ako sa mga bata. May ilan sa kanila na may dalang lumang bag at karamihan ay plastik kung saan nila inilalagay ang kanilang papel at lapis. Habang pinagmamasdan ko sila, hindi ko maiwasang mapatanong sa aking isipan dahil sa nakikita ng aking mga mata.  Bakit nila nararanasan ang mga ito? Bakit hindi sila pag-aralin ng kanilang magulang? Dahil ba sa hirap ng buhay? Kung mahirap pala ang buhay nila, bakit pa sila gumawa ng bata kung hindi naman nila ito susustentuhan sa mga pangangailangan nila? Napailing na lang ako sa mga iniisip ko. Tumingin kay Samuel at muling inayang umuwi. " Kuya Jemuel, laro muna tayo bago kayo umuwi, " napatingin ako sa batang nagsalita. Isang batang lalaki. NAkangiti siya na nakaangat ang ulo sa akin. Medyo madungis ang kanyang mukha, ang kanyang suot ay luma na rin pero khit na ganoon, nakikita ko ang pagkacute nito at ang inosente niyang mukha.  " Oo nga,kuya Jemuel! Laro muna tayo!! " segunda naman ng ilan pang bata kaya napalibot ako ng tingin sa mga ito.  Nakaharap silang lahat sa akin at nghihintay ng aking sagot sa anyaya nilang maglaro.  Napatingin ako kay Samuel na pangiti ngiti lang na nakatayo. " Naku,sa susu.." 'di ko na natapos ang sasabihin ko nangmagsalita si Samuel. " Hindi ba sabi mo kanina sa akin na gusto mo silang kalaro,Jemuel? " napalaki ako ng aking mga dahil sa sinabi niya. Kailan ko sinabi 'yun? Narinig ko naman na naghiyawan ang mga bata. May humawak sa dalawa kong kamay at iginaya sa gitna. " Alam mo bang laruin yung patintero,Kuya Jemuel? " tanong ng isa sa humila sa akin. Parintero? Naririnig ko ang larong 'yan noon pero 'di pa ako nakakalaro. Paano naman kasi, noong bata ako ay nasa loob lang ako ng bahay. Nilalaro ang mga laruang bigay sa akin nina Mommy at Tanda noon. Noong mga 12 years old naman ako ay sa play station o mga online games na ako naadik at ngayon bago ako mapunta sa lugar na ito ay sa sugal na. " Syempre naman,magaling ako diyan! " sagot ko sa batang nagtanong. " Sige mga bata, tumabi muna kayo para mapaghandaan ang laro, " sigaw ni Samuel sa mga ito at nagsimula na siyang gumuhit ng mga linya. Nang matapos siyang gumuhit ay nagsimula na ang pilian ng kupunan. May kasama akong apat na bata. Tatlong lalaki at isang babae habang si Samuel naman ay apat na lalaki. Parang unfair naman ang team. Pabuhat lang ang batang babae sa akin,eh!! " Ibon o Araw? " tanong sa akin ni Samuel habang pinapakita niya sa akin ang isang barya. " Ibon, " sagot ko na lang at sa isang iglap ay binato niya ito pataas. Nagpatalbog talbogang barya hanggang sa tumigil ito at humarap ang ibon.napangisi na lang ako. Swerteko talagabsa sugal! Kaya ang siste, sila ang taya. Nagsimula ang laro nang mag-apir kami ni Samuel. Siya kasi ang nasa unahan, isa rin sa likod at dalawa sa gitna. Madali lang itong laruin kaya sinisigurado kong kami ang mananalo.  Pumasok na ang apat na bata habang ako aynaiwan sa labas. Nakita kong ngumisi si Samuel sa akin. Anong akala niya sa akin, matatalo niya? Nagsimula naakong gumalaw. Sa kanan, sa kaliwa. Nililito ko siya pero parang matibaydin ito. May nakakalayo na rin sa mga kasama kong mga bata at sa bawat galaw nila ay sumisigaw at nagtatawanan ang mga ito. " Ano,Jemuel? Hindi ka makakalusot sa akin, " pang-aalaska niya sakin. Nginisian ko naman siya, " Tignan na lang natin,Samuel, " sabi ko sa kanya.  Muli na naman akong gumalaw. Sinusubukan kong pumasok pero mahigpit ang kanyang paggwardya. Galaw lang ako nang galaw, sa kanan, sa kaliwa. Mabilis ang galaw ko pero nakakasabay siya. " Kahit na anong gawin mo, hindi ka makakatakas sa akin, " nakangisi niyang pang-aalaska sa akin na sinagot ko rin ng pagngisi. Kahit na anong gawin ko, hindi ako makalusotsa kanya. Medyo nakaramdam na rin ako ng pagod pero hindi ako magpapatalo sa kanya.   Rinig na rinig ang tawanan, ang sigawan ng mga kasama naming batang naglalaro. Kitang kita sa kanila ang pag-eenjoy sa paglalaro na aminin ko naman na naeenjoy ko rin ito. Hindi ko namamalayan, nakangiti na akong nakikipaglaro sa kanila. Nagpatuloy ang laro. Parang hindi ko maramdaman ang pagod sa hindi ko alam na dahilan. 'Yung mga bata, kitang kita ang sigla ng kanilang katawan, ang malulutong nilang mga tawanan. Ganito ba? Ganito ba kasaya ang makapaglaro ng mga ganito? Mga larong kalye na sa unang pagkakataon ay nararanasan ko? Napatigil kami sa paglalaro para makapagpahinga ng kaunti. Habang nasa ganoong posisyon kami, napansin ko ang ilang mga tao na nanonood sa amin na pinagtaka ko. " Mga magulang ng mga bata ang mga iyan. Susunduin na nila siguro ang mga anak nila kasi gumagabi na rin, " sabi sa akin ni Samuel. Muli akong napatingin sa mga tao sa paligid. Nakangiti lang sila. Nakatingin sa mga bata at ilan ay sa amin ni Samuel. " Mga bata, sa susunod na lang ulit tayo maglalaro kasi nandyan na ang mga magulang niyo! " sigaw ni Samuel sa mga bata na karamihan ay napasimangot pa. " Huwag kayong malungkot, sabi sa akin ni Kuya Jemuel niyo na babalik siya dito para makipaglaro sa inyo, " sabi pa niya at pagkatapos ay tumingin sa akin. " Hindi ba,Jemuel? " tanong naman niya sa akin. "Syempre naman!" nakangiti kong sagot sa kanya at sa huli ay ngumiti ang mga bata. Bago sila magsilapitan sa kanilang mga magulang, lumapit na muna sila na pinagtaka ko. May ilan nakatayo lang na nakangiti at may dalawa sa kanila ay hinawakan ang aking dalawang kamay. Hinila nila akong palapit sa mga taong nandito at nang makalapit kami ay saka sila lumapit sa kanilang mga magulang. " Ginagalak ka namin makita dito sir Jemuel, " nakangiting sambit ng isang babae sa akin. Lumapit ang mga magulang ng mga bata sa akin at nakipagkamay. Nginitian ko na lang sila para hindi ako magmukhang bastos pero tangna!!! Wala kaya silang mga sakit? Wala kaya silang galis o ano mang mga sakit sa balat!!? Pagkauwi namin, maliligo ako da alkohol para maeala lahat ng duming dumidikit sa akin ngayon. " Sana ay dalasan mong pumunta rito,Sir Jemuel at makipaglaro sa aming mga anak. Alam mo ba na matagal ka na naming hinihintay? Kaya sobrang tuwa namin noong malaman naming nandito ka na, " sabi pa ng isang lalaki sa akin na pinagtaka ko. Matagal na nila akong hinihintay? At bakit parang kilala nila akong lahat dito? Ganun na ba ako kasikat na kahit sa hindi ko alam na isla ay kilalang kilala ako? " Makakaasa po kayo na babalik po ako dito para sa mga bata, " nakangiti ko na lang ring sagot. " Aasahan namin 'yan,sir Jemuel. Maauna kami at dumidilim na. Sana ay mag-enjoy ka sa pananatili mo dito, " sabi pa niya sa akin bago sila umalis. " Tara na? " sabi sa akin ni Samuel. Ngumiti lang siya sa akin at pagkatapos ay lumapit. Inakbayan niya ako at sabay kaming naglakad pauwi sa kanilang bahay.  **ITUTULOY**
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD