Chapter 2

2418 Words
"Purok Paraiso Ligaya!? Anong lugar ito? Bakit ako nandito!!? Nasaan si tanda at sino ba kayo!!?" pasigaw ko pa ring tanong sa kanila. Lumapit ang lalaki sa aking kinatatayuan at hinawakan ang aking balikad. Napalunok ako ng aking laway dahil may diin ang pagkakahawak niya sa aking balikat. "Relax ka lang,Jemuel. Hindi ka naming kakainin pero kung hindi ka titigil sa kakatanong baka kainin kita dahil sa gutom," nakangiti niyang sagot sa akin. Napatingin ako mula ulo hanggang paa sa kanya. Matangkad ang lalaki. Sa tantsa ko ay mga 6' ang taas niya. Medyo maitim ang kanyang balat pero kahit na ganoon ay parang makinis naman ito.  Masasabi kong may ipagmamalaki siya pagdating sa itsura, maganda ang tabas ng kanyang mukha, nababagay ang kanyang mata sa kanya, may mapupulang labi siya at siguro ang pinaka asset niya ay ang kanyang kilay na parang isang demonyo pero kapag nakangiti ay parang isang anghel. Nakasuot siya ng lumang puting damit na nangingilaw na rin at butas butas na pantalon. Nakapaa lang siya at may bitbit na bayong na may lamang mga gulay. "Sagutin ninyo ang aking mga tanong kung ayaw niyong ipadampot ko kayo sa pulis at kasuhan ng kidnapping!" banta ko sa kanila na tinawanan lang nila. Napasingkit ako ng aking mga mata nang 'di nila ako pansinin. Naglakad ang lalaki palapit sa matandang babae at nagmano. Pagkatapos ay ibinigay niya ang hawak niyang bayong dito. "Sasagutin ko ang mga tanong mo kapag tapos na tayong kumain. Maaga pa akong gumising kanina para pumitas ng mga gulay sa aming mga tanim," sabi ng lalaki sa akin. "Halika,Ijo at mag-agahan muna tayo at pag-usapan natin tungkol sa pagparito mo," nakangiting anyaya sa akin ng matandang babae. Umupo sila sa plastik na upuan na nakaharap sa isang mesang gawa sa flywood. May nakahaing mga pagkain  sa mesa na kung titignan, mga pagkain ng mga mahihirap! Tuyo, itlog at may parang salad na 'di ko alam kung anong klaseng salad ito. Habang nakatingin ako sa mga pagkain, bigla akong nakaramdam ng gutom pero hindi ako nagpatinag. Hindi ako lumapit sa kanila. "Sagutin niyo na lang ako! Dami niyo pang sinasabi!" sigaw ko na siyang nagpailing sa kanilang dalawa. "Ako si Samuel,Sam ang tawag nila sa akin dito sa Purok Paraiso Ligaya at siya naman ang aking ina na si Amanda," sagot ng lalaking nagpakilalang Samuel. "Pero tawagin mo na lang akong Nana  Manda kung gusto mo," sabat naman ng matandang babae. "Nandito ka dahil dinala ka ni Manong Alfonso dito. Kung nagtatanong ka kung bakit ka niya dinala dito, siguro naman ay alam mo na ang dahilan,hindi ba?" napa- isip ako sa kanyang sinabi. Ang tinawag niyang manong Alfonso ay ang aking ama at anong sinasabi niyang alam ko na ang dahilan? "Pinagsasabi mo? Siguro ay kinidnap niyo ako para humingi ng ransom,no!? Magkano ba ang kailangan niyo at tatawagin ko si tanda para kunin niya ako dito sa napakaruming bahay na ito'! Ano? Sabihin niyo!" sigaw ko sa dalawa. Napapapikit at napapailing silang dalawa dahil sa aking mga sinasabi. Ilang saglit pa ay tumingin sa akin si Samuel. May kahulugan ang tingin niya pero hindi ko ito pinansin. "Sa estado ng inyong buhay, sigurado akong pera lang ang katapat niyo! Kayong mga mahihirap, ginagawa niyo ang lahat para magkapera. May mga kilala nga akong nakikipagkaibigan ang mga mahihirap sa mga mayayaman para ano? Para pagkwartaan lang, para maambunan ng yaman at para masabing may mga kaibigan silang mayaman! Alam ko na 'yang style niyong bulok kaya pwede ba!? Sabihin niyo kung magkano ang kailangan niyo para makaalis na ako sa lugar na ito!!" sabi ko sa kanila. Tumayo si Samuel mula sa pagkakaupo na nakangisi. Humarap siya sa akin at ako naman ay taas noo ko siyang linabanan ng titigan. Sa bilis ng pangyayari, hindi ko inaasahan ang kanyang ginawa. Bigla niya akong sinuntok na nagdahilan para matumba ako sa lupa! Napahawak ako sa aking pisnging sinuntok niya. Tangna! Ang sakit,ah!! "Kung gusto mong umalis, umalis ka na. Hindi ka naming pipiliting manatili dito dahil sa baluktot mong ugali," sabi niya sa akin sa mahinahong boses pero ramdam ko ang diin. Pinanlisikan ko siya ng mata at agad na tumayo. Padabog akong naglakad papunta sa pintuan at lumabas. Sa paglabas ko, nagulat ako nang makita ko ang isang malawak na bukirin. Ang sarap ng simoy ng hangin. May mga kahoy din akong nakikita. May mga taong abala na sa pagsasaka. Merong nagpapatubig, merong nagtatanim, meron ding pumipitas ng mga gulay. "Teka lang,Jemuel!" napalingon ako sa tumawag sa akin..si Samuel. "Ito pala ang maleta na iniwan ni Manong Alfonso," sabi niya sa akin sabay bigay ng maleta. "Sundin mo lang ang daanan. Siguro naman hindi ka kasingtanga ng alimango,no? Kaya mo na ang sarili mo!" sabi pa niya bago isara ang pinto ng bahay. Napabuntong hininga na lang ako at nagsimula nang maglakad. Habang naglalakad ako, nakikita kong napapatingin ang mga tao sa akin dito na nakangiti.  Marami ring mga kabahayan dito na karamihan ay gawa sa kawayan at meron din naman kalahating sementado at kalahating kawayan. Gaya nang sinabi sa akin ni Samuel, sinundan ko ang daanan hanggang sa parang papasok ako sa isang kagubatan. May daanan naman dito at hindi naman masukal kaya nagpatuloy na lang ako. At sa pagpapatuloy ko, napagtanto kong gubat talaga ang pinasukan ko. May mga malalaking kahoy sa paligid. Pababa ang daan at mabato. Paano ako nadala ni Tanda dito kung ganito ang daanan!!? Lakad lang ako nang lakad. Minsan ay nagpapahinga ako sa malalaking ugat ng puno dito dahil gutom na rin ako! Sana pala kumain na lang muna ako bago ako umalis sa bahay na 'yun! Nanunuyo na rin ang aking lalamunan dahil hindi ako nakapagdala ng tubig at sagabal pa itong maleta na ibibigay ni Samuel kanina sa akin! Halos isang kalahating-oras din ako naglakad hanggang sa makalabas ako ng gubat at sa paglabas ko, tumambad sa akin ang isang malawak at napaka-asul na karagatan! Karagatan!!? "Langya! Tama ba ang nilakaran ko!!?" Sigaw ko. Napabitaw ako sa maletang hawak ko at napaluhod sa buhanginan. Paano ako makakaalis sa lugar na ito!? "Tama ang nilakaran mo," narinig kong sambit ng lalaki. Napalingon ako dito at nakita ko si Samuel na nagkangisi. Langyang to!! Pinagtritripan ba niya ako!!? Agad akong napatayo at hinawakan ang kanyang damit. "Langya ka tol!pinagtritripan mo ba ako!? Sabihin mo ang totoo kung nasaan tayo kung ayaw mong humiram ng mukha sa buhangin!" banta ko sa kanya na tinawanan niya lang. "Huwag mo akong tawanan g*go! Nasaan tayo at paano ako makakaalis sa lugar na ito!!?" "Alam mo ikaw? Napaka-ingay mo. Para kang babaeng may dalaw kapag umasta. Relax ka lang. Sasabihin ko naman sa'yo ang lahat,eh. Bakit ba parang nagmamadali ka?" sabi niya sa akin na nakangisi. Isang ngisi pa nito, masusuntok ko na rin siya gaya ng ginawa niya sa akin kanina. "At bakit ang tagal mong maglakad? Halos sampong minuto na ako dito pero ikaw kararating mo lang?" sabi pa niya sa akin. "Wala kang pakialam! Ang gusto kong sabihin 'yang bibig mo ay kung anong lugar ito!? Naiintindihan mo ba!?" "Bitawan mo muna ako kung ayaw mong halikan kita," sabi niya sa akin kaya agad ko siyang naitulak. Langyang to! Lakas ng topak! "Nandito ka sa tinatawag nilang Barangay Puro. Isang maliit na isla sa isang bayan. Alam mo naman siguro kung ano ang isla,'di ba? Ang kinalalagyan natin ay napapalibutan ng dagat kaya hindi ka basta basta makakalabas dito. Kung gusto mong pumunta sa bayan, gagamit ka pa ng bangka at magbyabyahe ng lima hanggang sampong kilometro pero kung gusto mong lumangoy, hindi kita pipigilan pero mag-ingat ka lang dahil malakas ang kuryente sa dagat..." panimula niya. "Ang pinanggalingan naman natin ay Isang Purok lang. Ang Purok Paraiso Ligaya. May apat na Purok dito sa Puro at sa Silangang bahagi ng isla nito ay nakatayo ang barangay hall. Kompleto naman dito sa Puro. May Health Center, may pamilihan din naman pero hindi gaya sa pinanggalingan mo na may mga malalaking gusali at mall, may elementarya at sekondaryang paaralan pero walang kolehiyo dahil nasa bayan pa 'yun. May simbahan din dito at sa tantya ko halos dalawang libo ang papulasyon dito. Ano? May tanong ka pa?" pagtatapos niya. "Saan ako makakakita ng bangka?" imbes na sagutin ang tanong niya ay nagtanong pa ako. "Doon," sabi niya at itinuro ito. Napasunod ako sa kanyang itinuro at parang maglalakad pa ako papunta doon. "Pero huwag ka nang mag-aksaya pa ng pagod dahil sigurado akong hindi ka nila ihahatid sa bayan," nakangisi niyang babala sa akin. "Paano ka makakasigurado!? Pera lang katapat ng mga 'yun!" sabi na nagpailing na naman sa kanya. "Hindi ko alam kung anak ka ba talaga ni Manong Alfonso o ampon ka lang niya. Bakit? Kasi ibang iba ka kay Manong Alfonso,eh!" napakunit ako ng nuo dahil sa kanyang sinabi. "Alam mo,Jemuel, hindi sa lahat ng bagay nabibili ng perang pinagmamalaki mo. May mga tao pa ring hindi nabibili ng pera dahil meron silang paninindigan at alam nilang tumanaw ng utang na loob," sabi pa niya sa akin. "Paninidigan? Alam mo rin,Samuel na ang paninindigan ay natutunaw din 'yan kapag pinaharapan mo ng malaking halaga. Utang na loob? Bakit? May utang na loob ba kayo kay tanda kaya ganyan ka na lang makapagsalita?" panunumbat ko da kanya. "Siguro tama ka sinabi mo pero ibahin mo ang mga tao dito dahil alam kong hindi kami magpapabayad sayo," sabi niya sa akin. "At ayun sa pananalita mo, hindi mo kilala ang iyong ama. Hindi mo alam kung ano ang ginagawa niya, kung ano ang pinagkakaabalhan niya at kung kamusta na ba siya. Naisip mo na ba kung anong klaseng anak ka sa kanya?" dagdag pa niya na nagpatahimik sa akin. Wala naman akong pakialam kay tanda dahil hindi naman niya ako pinapakialaman kung ano ang ginagawa ko o kung nasaan ako. Paano naman kasi eh paggising ko sa umaga, wala na siya at hindi ko na naman alam kung nasaan siya. Simula noong nagbakasyon si Mommy sa kabilang buhay, hindi na kami masyadong nagkikita o nagkakausap ni tanda. Ayaw ko rin naman kasing kausapin siya dahil hanggang ngayon ay may galit ako sa kanya. Hindi naman kasi siya mawawala kung hindi dahil sa kanya,eh. Siyam taong gulang ako noon mawala si mommy. Sa pagkakaalala ko, nagbakasyon kaming lahat noon sa Maldives. 'Yung akala kong magiging masaya kaming lahat sa bakasyong iyon pero isang trahedya ang nangyari. Hindi ko alam ang lahat ng detalye pero ayon sa pagkakaintindi ko noon ay tumaob ang bangkang sinakyan nilang dalawa sa dagat at nalunod si mommy. Alam kong isang disgrasya ang nangyari pero habang nakaburol noon si mommy, may mga usap-usapan noon na pinatay ni tanda si mommy. Bakit? Dahil sa yaman ni mommy na namana niya sa kanyang mga magulang. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ko na mahirap lang si tanda noon. Anak siya ng mga magsasaka at nakapagtapos siya ng kursong Business Administration sa pinag-aralan ni mommy na kung saan sila nagkakilala. Ang pinagtataka ko pa, paano nalunod si mommy kung siya ay nakaligtas? Hindi man lang ba niya iniligtas si mommy noon o talagang naplano niya ang lahat? "Ano? Hindi ka makasagot? Kasi ikaw, sarili mo lang ang iniisip mo, sarili mo lang ang prinoproblema mo at sarili mo lang ang mahalaga sa'yo!" sabi pa niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. "Wala kang alam tungkol sa akin, tungkol sa buhay ko kaya huwag kang magsalita ng ganyan!" galit kong sambit sa kanya. "At bakit ka pa nandito!?" dagdag ko pang tanong. "Nandito ako para ibalik ka sa bahay. Wala ka rin naman mapapala kasi hindi ka makakaalis dito sa isla," sabi niya sa akin. Tinignan ko siya ng matalim. Binitiwan ko ang maletang hawak ko at naglakad papunta sa dagat. "Saan ka pupunta!?" tanong niya sa akin. 'Di ko siya pinansin at nagtuloy tuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa tubig. "Teka, lima hanggang sampong kilometro ang layo dito hangang sa papang sa kabila! Nababaliw ka na ba!?" sigaw niya sa akin. Nagpatuloy ako sa pagsuong hanggang sa napatigil ako da paglalakad sa tubig nang may humawak sa aking beywang. "Ano bang pakialam mo kung uuwi na ako! Ayaw kong tumira dito sa lugar na ito!" sigaw ko sa kanya na simabayan ko ng pagpalag. Hindi niya ako binitawan at mas humigpit pa ang paghawak niya sa akin. "Magpapakamatay ka ba!?Hindi ka makakarating ng buhay doon! Malakas ang kuryente sa dagat!" "Wala kang pakialam kung magpapakamatay ako!" nang sinabi ko ang mga katagang 'yan, bigla niya akong binitawan. Napalingon ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin at tumahimik. Naging seryosoang kanyang mukha na pinagtaka ko. Iba siya ngayon,hindi gaya kanina. Ilang saglit pa ay nagulat ako nang bigla niya akong buhatin. Inilagay niya ako sa kanyang balikat. Ang aking ulo ay nasa kanyang likod ang aking mga paa ay nasa kanyang harapan. "Bitawan mo akong langya ka! Aalis ako sa lugar na ito!!" sabi ko sa kanya sabay hampas sa kanyang likoran pero parang wala siyang nararamdaman. Paulit ulit ko siyang sinisigawang ibaba niya ako at paulit ulit ko rin siyang hinahampas sa likoran pero hindi siya umiimil, hindi siya nagrereklamo hanggang sa tumigil siya sa paglalakad. Pak!! "Aray!! Bakit mo ako pinalo sa pwet!!?" sigaw kong tanong sa kanya. "Ang liit liit mong tao, napakaingay mo!" sagot niya sa akin. "Langya ka!! Ibaba mo ako! Suntokan na lang tayo kung 'yan ang gusto mo! Atyaka, hindi ako maliit, matangkad ka lang bakulaw ka!! Ibaba mo ako!!" Pak! Pak!! "Kung 'di ka titigil, papaluin kita hanggang sa makarating tayo sa bahay! Hindi ka naman makapalag sa akin kasi mahina ka, maliit pa!" sabi niya sa akin. "Tangnang buhay 'to,oh!! Ibaba mo ako sabi,eh! Hindi ka ba nakakaintin..Aray!!" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sa malakas na namang palo niya sa aking pwet. "Ano? 'di ka titigil? Habang tumatagal, lumalakas ang pagpalo ko sa pwet mo,sige ka!" banta niya sa akin. "Anong aka...." Pak!!Pak!!Pak!! "Tangna!! Masakit na ah!!"daing jo sa kanya. "Hindi ka tumitigil,eh!" "Ayaw kong bumalik doon, uuwi na ako!!" sabi ko sa kanya. "Sige," napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Sumuko rin sa wakas!! "Mananatili ka dito ng dalawang linggo at kapag may nakita akong pagbabago sa'yo ay ako pa mismo maghahatid sa iyo sa bahay ninyo," sabi niya na kinalaki ng mata ko. "Ano? Dalawang linggo!!? Ano ako baliw!!? Ayaw ko!!" matigas kong sambit sa kanya. "Kahit na ayaw mo, wala ka na ring magagawa. Dalawang linggo lang at kapag nagbago ka ng mas maaga, baka mas maaga kang makakauwi. Ano? Deal or Deal!?" sabi niya sa akin. "Ito ba ang utos ni Tanda sa inyo!? Ang pahirapan ako!?" "Hindi, nandito ka para rin sa'yo kaya huwag nang matigas ang ulo," sabi niya at nagsimula na naman siyang maglakad. Natahimik ako sa kanyang sinabi. Para sa akin? Bakit? Ano ba itong ginagawa sa akin ni Tanda!? Napailing na lang ako at tumahimik. Parang wala din naman akong magagawa,eh. Hindi ako makakatakas sa kanya at pagod na pagod na rin ako at gutom na gutom!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD