Chapter 26: Impyerno

2284 Words

Nilapag ng ale ang inorder kong lomi. Napatingin ako rito pero hindi ko agad kinakain. Dinadama ko lang ang init ng usok habang pinagmamasdan ang bawat pagpatak ng malalakas na ulan sa daan. Unti unti na ring nagsisiuwian ang mga customers sa bawat pag paglalim ng gabi. Minu minutong sumasagi sa isipan ko ang mga salitang binitiwan ni Ellie. Tumatak iyon sa aking kokote na kahit ilang beses kong subukang alisin ay hindi ko magawa. Hindi ako mahinang tao pero nang sumagi sa isipan kong muli ay tumulo ang aking luha. Agad kong pinunasan ito at ngumisi. Para saan ang luha, Becky? Dahil nasaktan ka? Patunayan mong hindi ka inutil gaya ng sinasabi niya! Pero paano? Nakabalik ako sa ulirat nang tumunog ang aking phone sa aking bulsa. Dinukot ko ito at nagdadalawang isip kung sasagutin nang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD