Chapter 19

2305 Words

"SABI na, eh," bulalas ni Yngrid matapos niyang i-kwento dito ang tungkol sa pagpunta ni David sa bahay nila para ipaalam sa Tatay niya na liligawan siya nito. "Sa effort na nga lang niya sa pagsundo at sa paghihintay sa 'yo ay may something na. May gusto talaga sa 'yo si David," dagdag pa na wika ng kaibigan sa kanya. Bumuntong-hininga na lang naman siya. "Anong balak mo?" mayamaya ay tanong ni Yngrid sa kanya. "Papayagan mo ba si David na manligaw sa 'yo?" Humugot si Victoria ng malalim na buntong-hininga. "H-hindi ko alam," sagot niya kay Yngrid. Sa totoo lang ay hindi alam ni Victoria ang gagawin. Hindi niya alam kung papayagan ba niya si David na magpatuloy na manligaw o hindi. Pumayag ang Tatay niya ng magpaalam ito na manligaw. Pero ang sabi ng Tatay niya ay siya pa din daw an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD