Oceane Six am tumunog na ang bell. Matapos maligo at magbihis sabay kaming tatlo bumaba sa dining hall. Ako, si Zaiden at si Tim. Masayang kasama sina Zaiden at Tim dahil sa mga kulitan nila, kahit ako ay di mapigilan matawa. Sa dining room, kinawayan ako ni Jacob, simpleng ngiti lang ang iginanti ko, At katabi na naman niya ang babaeng kasama niya kahapon. Humiwalay sa amin ni Tim pagpasok namin sa dining hall, si Tim sa Second Level naupo at kami ni Zaiden ang magkatabi. "Did you sleep well?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami papalapit sa table namin "Oo naman. Masarap matulog sa silid ko ngayon." Sabi ko naman “That’s good! Akala ko napuyat ka kagabi.” Sabi pa ni Tim “Hindi naman. Pagdating ko naman sa room ko, natulog kaagad ako.” Sabi ko Sa mundong kinalakihan ko, hind