Oceane Pagpasok ko sa loob, maayos naman ang loob ng bahay, katulad pa rin noong iniwan ko. Ibinaba ko sa aking kama ang bag ko at sinilip ko naman sa kabilang silid si Mama. Wala doon si Mama. ‘Saan naman kaya nagpunta si Mama?’ Dumiretso ako sa kusina, may pagkain sa lamesa, mainit pa ‘yon. Walang bawas ang sinaing sa kaldero at paborito kong ulam ang niluto ni Mama. Bahagya akong napangiti. Matapos kung kumain, nagsimula na akong maglinis ng bahay, maglaba ng mga maruruming damit. Nanood ako ng tv, oras na kasi ng paborito kong palabas tuwing sabado ng tanghali. Isa yon variety show at talagang nag eenjoy ako habang pinapanood yon. Pagkatapos noon ay nagmeryenda naman ako ngunit hapon na wala pa rin si Mama kaya naman, sa sala ng bahay, doon ako nagbasa ng libro, History of the Acade