KABANATA 2

1586 Words
Iniwan si Maxine ng kanyang boyfriend na dapat fiance niya na rin ngayon. Simula ng lokohin siya nito — hindi na siya muling nagkainteres sa mga lalaki at lagi na siyang naiinis pag nalalapit siya sa mga ito. Halos kaibigan na lahat ni Maxine ang mga miyembro rito. Hinikayat niya ang kanyang kapatid na si Amari na bumisita rito minsan ngunit hindi ito pumayag. Malayong-malayo kasi ang kapatid nito sa kanya. Naniniwala kasi ito sa true love at kung talagang mahal ka ng isang lalaki. Hinding-hindi ka nito iiwan kahit ano mang problema ang dumating. Maingat na pinakawalan niya ang hiningang hinugot saka i-sin-wipe ang kanyang personal card para bumukas ang heavy tinted glass na pintuan. When the glass door slide and automatically open, she smiled when she finally saw her face again. It was her friend at ang pangalan nito ay si Hiera. Isang half korean model na rito na naninirahan.  “Oh, what’s with that face again? Tuwing papasok ka rito ganyan ang itsura mo.” Tanong sa kanya ni Hiera nang makita ang mukha nito. Maxine rolled her eyes and sat on the soft pink chair in front of Hiera. “Mom again…” “Again.” Maarteng inilapag nito ang tasa sa ibabaw ng mesa saka tumingin sa kaniya. “Bakit ba parati na lang kayong nag-aaway ng Mom mo? Tell me what’s happened?” Nagkibit-balikat na lang siya saka itinaas ang kamay para kunin ang atensyon ng waitress na nakatayo sa gilid ng counter. “I don’t know… hindi lang talaga kami magkasundo.” Pakiramdam talaga ni Maxine ay mainit ang dugo ng ina niya sa kanya dahil parati nitong napapansin ang mga ginagawa niya ultimo maliliit na bagay. “Maybe may nagawa kang mali sa kanya before or now na hindi mo matandaan?” ani ni Heira saka itinaas at sinenyasan ang waitress para lumapit sa kanya. Hindi ata nito napansin ang pagkaway ng kamay ni Maxine kanina. “I don’t know either.” Tipid na sagot niya. “Yes, Ma’am?” Ana ng waitress saka inilapag ang dalawang menu board sa dalawa. “Here Ma’am, I’ll be back for you order.” Nginitian ng dalawa ang waitress at sinimulan ng tingnan ang menu. Habang namimili ng makakain, bumalik ang waitress mga ilang minuto ang nakalilipas. Nakaabang din ito sa dalawa at tinitingnan kung tapos ng mamili. “Isang black brew coffee without creamer,” ani ni Heira sa waitress. “Yes, Ma’am, how about you, Miss Maxine?” Bumaling ang waitress sa kanya. “Iced tea and one slice of carrot cake,” aniya bago ibaba ang menu board sa table. “Copy, Ma’am,” magalang na tugon nito. “Any order pa po?” “Dalhan mo ako ng metallic straw, okay?” dagdag ni Heira at ibinaba na rin ang menu board. “Sige po, Ma’am,” ani ng waitress at nakangiting tumalikod sa kanila pabalik sa counter.  Mga ilang minuto lang ang nakalipas ay bumalik na ito bitbit ang order nila at ang metallic straw na ipinakuha ni Heira. Nang maibaba iyon ng waitress ay agad din naman itong umalis. Takang napatingin si Maxine sa kaibigan nang ilubog nito ang metallic straw sa mainit nitong kape sabay sumipsip doon. “What the hell, Heira?” Nakataas ang isang kilay niya habang nakatitig sa kaibigan. “What?” Hiera sipped again na parang wala siyang ginagawang kakaiba.  “What are you doing?” “Umiinom ng kape? What’s wrong?” “Using straw for real? Hindi ba napapaso ‘yang dila mo?” Napangiwi si Hiera at tumigil sa paghigop ng black coffee. “Bakit naman? Sanay na ako sa pasuan. Remember when the day I told you that my husband poured me hot coffee? Isa pa, ayokong mabura ang lipstick ko no.” Napailing-iling nalang siya sa kawierdohan ni Hiera. Kapag talaga ito ang nag-isip at gumawa mapapailing ka nalang. Pati sa paghigop ng normal black coffee may fashion sense pa rin ito. Heira can make a thirty-page report in just one day. Ganon ito kagaling sa trabaho. Hindi lang ito model, designer din ng mga kilalang brand gaya ng Hieraś. “So, how’s the wedding? Oh, let me guess. Maganda no?” She rolled her eyes. “Syempre masaya sila sa una. Pero maghihiwalay rin ang mga ‘yon. At kapag nangyari ‘yon pagtatawanan ko talaga si Amari. Ayaw niya kasing makinig sa’kin.” “Ang bitter mo naman masyado, Maxine. Well, nasaktan din naman ako pero hindi ganyan ka-bitter.” “Kanya-kanya tayo ng hinanakit sa mundo, Heira. By the way, meron nga palang kumausap sa’king lalaki kanina.” Kwento niya at kitang-kita ang frustration sa mukha niya habang sinasabi iyon. “Really? Wag mong sabihin na pinisikan mo na naman ng pepper-spray si guy?” “Definitely no.” She rolled her eyes again, “Para siyang ewan, tinanong ba naman sa’kin kung kilala ko siya or natatandaan ko siya. At syempre ako naman nagtaray at sinungitan siya.” Nag-uumpisa na namang mainis si Maxine ng maalala ang nangyari kanina. “Nakakainis talaga ang mga lalaki. Ang lakas makaubos at makaabala sa oras ko. Saka may tattoo pa halatang hindi mapagkakatiwalaan.” Naalala niya bigla ang mukha nito. He was f*cking hot at alam iyon ni Maxine sa sarili niya. Umingos naman si Heira sa sinabi niya. “I know Maxine you’re a famous model. Pero baka naman talagang nagkatagpo na kayo before.” Pinaikot niya lang ang kanyang mata at tinuon na ang tingin sa order niyang carrot cake. Kung meron mang gutom ngayon, si Maxine iyon. Nag walk out siya sa kasal ng kapatid niya na ang ina niya lang ang nakakakita. Naiwan ang cake na kinakain niya kanina doon. At hindi naman talaga siya makakain doon dahil hindi siya natutuwa sa ka-sweet-tan ng bagong kasal na tiyak niyang maghihiwalay rin. Habang nginunguya niya ang paborito niyang carrot cake. Pumasok na naman sa utak niya ang lalaking iyon na pilit na sumisingit sa eksena. He’s f*cking handsome. Those hazel eyes. His curvy lips na mas kissable pa sa labi ni Maxine. His shiny hair. Parang napaka-perpekto ng pagkakahulma ng mukha nito. And his muscles. Pakiramdam ni Maxine ay mabibilaukan siya tuwing naalala niya ang katawan nito. He’s really gorgeous. I hate men! I hate them! I hate them. Mariing paalala niya sa sarili at huminga ng maluwag para mawala sa isip niya ang itsura ng lalaking iyon.  Good self. Wag mong alalahanin ang mga toxic na lalaki. …. “Sir, naipasa ko na po lahat ng kontrata kay Manager Yves. Bukas na bukas din ho, kung sakaling tanggapin niya ang project, pupunta silang dalawa rito ng manager niya,” ani ng sekretarya ni Law habang nakatayo sa harap ng mesa niya. Kung meron mang batas na gwapo. Si Law Del Fierro iyon. Law took a deep breath and sighed. Matagal na itong naghahanap ng bagong model. “Do you think she’ll take the job?” Gena, his secretary, smiled. “She’s a well-known model and we’ll be paying her well, base sa pagkakaalam ko, Sir. Malaki talaga ang kinikita niya. For sure hindi niya hihindian ang offer mo dahil kilala ka ng lahat.” Sinandal niya ang likod sa malambot niyang swivel chair. “I want her to take the job. Kahit magkano pa ang sweldo.” “Oo nga, Sir, nakita ko na ang mga previous runway niya, masasabi ko talagang napakaganda niya. Bagay sa produkto natin.” Gena was grinning. Fan na fan kasi talaga siya nito simula nang makita ang mga runway walk niya. “Pero base sa pagkakaalam ko, Sir. Wala pa siyang boyfriend.”  That pique his interest more. “Do you think totoo yon? Hindi kasi lahat ng nasa article totoo.” Umiling si Gena. “Sigurado ako Sir, wala talaga. Saka isa sa pinaka malaking usapan pag nagka-boyfriend siya kaya for sure mapa-publish iyon kung meron man.” Napatango-tango siya. “I see, magdadalawang taon na siyang model tama ba?” tanong niya sa sikretarya niya at tinitingnan ang profile ng babae.  “Are you really single?” Pabulong niyang tanong sa sarili habang hawak ang larawan nito. Napabuntong hininga si Law at nag-angat ng tingin sa sekretarya niya. “Contact her manager; I want to see her as soon as possible. Bukas na bukas din.” “Sir?” gulat na sabi ni Gena. “Just do what I said.” Ibinalik niya ang larawang hawak sa maliit na cabinet doon sa ilalim ng kanyang desk. “You can go now. I need to finish my project proposal for monday conference.” “Yes, Sir.” Nang makaalis ang sekretarya niya, humugot na naman ito ng malalim na hininga saka napabuntong. “Maxine Blues. Now I’m finally sure na ikaw ang babaeng iyon. After 1 year… I finally found you.” he took a deep breath. “But why the f*ck can’t you remember me? Hindi ko maintindihan. I never lose you in my mind the day I meet you.” Matagal-tagal umikot sa pag-iisip ni Law si Maxine sa matagal na panahon. At dahil ngayon ngang nahanap na niya ito. Hindi na siya magdadalawang isip na ipaalam sa kanya ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD