Final Chapter

728 Words
"Dahil sa pag-ibig natutunan ko kung paano magmahal. Dahil sa pag-ibig naranasan ko kung paano magtampo at magselos. Dahil sa pag-ibig natuto akong magpatawad at humingi ng tawad. Dahil sa pag-ibig naranasan ko kung paano masaktan. Dahil sa pag-ibig pinaramdam sa akin na masarap pala ang magmahal. Dahil sa pag-ibig natuto akong maghintay. Dahil sa pag-ibig naranasan ko kung paano kiligin. Dahil sa pag-ibig pinaramdam sa akin yung pakiramdam na umiyak at tumawa dahil sa taong mahal ko. Dahil sa pag-ibig natuto rin akong magpatawad at lumimot. Dahil sa pag-ibig naranasan ko na okay lang kahit mapuyat basta kausap ko yung taong special sa akin. Dahil sa pag-ibig naging bitter ako minsan. Dahil sa pag-ibig nasaktan ko na rin ang sarili ko. Dahil sa pag-ibig natutunan kong ibaba ang pride ko para sa taong mahal ko. Dahil sa pag-ibig marami akong lessons sa buhay na natutunan. Dahil sa pag-ibig nagkakaroon ako ng pag-asa. Dahil sa pag-ibig naging malungkot ako. Dahil sa pag-ibig natutunan kong ipaglaban at sundin kung ano ang sinasabi ng puso ko. Dahil sa pag-ibig nag-eeffort ako para sa taong mahal ko kahit walang kapalit." Hinaplos ni Star ang pisngi ni Blaire na kaylapad ng pagkakangiti sa kanya. Katatapos lang ng garden wedding nila at nakauwi na rin ang lahat ng kanilang bisita. Nakaupo sya sa kandungan ng asawa na panay ang halik sa labi nya habang nagsasalita sya. "Ako naman ang masasabi ko, dahil sa pag-ibig.. marami akong naranasan, maganda man o hindi, ganun pa man marami akong natutunan. Natuto akong magpatawad, humingi ng tawad, maghintay kahit imposible, magselos, magalit, magtampo, at marami pang iba. Dahil sa pag-ibig, masaya ako at nakakapagpa-saya ako, kaya dito ako kumukuha ng inspirasyon ko. Masarap sa pakiramdam yung may minamahal ka na alam mong mahal ka din. I love you Star." Hinalikan nya sa labi ang asawa. "With all my heart." Inalalayan nyang tumayo si Star pagkatapos hugutin ang cellphone nya sa bulsa.. Hinanap nyang isa sa mga paborito nyang kanta , ng makita pinindot nya kaagad ang play. Nakangiti syang humarap kay Star inabot nyang kamay nito saka inilagay sa kanyang leeg. "Sayaw tayo! Nabitin kasi ako kanina sa sayaw natin eh, marami kasing namemeste." Pinalibot nyang mga braso sa bewang ng asawa saka mahinang iginalaw ang katawan. Ginaya naman ni Star ang bawat galaw ng katawan nya. Habang sumasayaw sila ng dahan dahan sinasabayan nya rin ang kanta. Nangingiti na lang si Star kapag mali mali ang lyrics ni Blaire. At least nag e effort ang kanyang asawa para mapasaya lang sya. "Nakakatawa tayo, eh hindi naman sweet music yung kanta ah." Hinampas nyang likod ni Blaire na natawa lang sa ginawa nya. "Yaan mo na! Gusto kong magkadikit ang katawan natin eh, kaya ok lang yan hmmm." Niyakap na lang nyang asawa saka ihinilig ang kanyang ulo sa balikat nito. "I love you too Blaire." Ipinikit nyang mga mata para damhin ang kaligayahang nadarama. Tuloy lang si Blaire sa pagkanta kahit madalas mali maling lyrics ang nasasabi nito. Ok lang yun, Ang mahalaga masaya silang dalawa at magsasama habang sila'y nabubuhay. ?❤ "True love is something so elusive that many refuse to accept that it exists. Their incredulity is understandable considering what a me-first world we live in. When people seek only to please themselves, they will never be capable of finding true love. True love is self sacrificing. True love is not blind to faults, but it is willing to look for the best in others, focus on their good qualities. True love is not principally about receiving, but rather true love looks for opportunities to give. True love between two people is the most precious of gifts. It is the one of the few things left in this world that can endure an entire lifetime, for true love is stronger even than death. - Blaire & Star❤Story - "The day I met you, my life changed. The way you make me feel is hard to explain. You make me smile in a special kind of way, you make me fall deeper in love everyday." -THE END - We’re all a little weird. And life is a little weird. And when we find someone whose weirdness is compatible with ours, we join up with them and fall into mutually satisfying weirdness—and call it love—true love. ?MahikaNiAyana

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD