bc

Sparing Creep

book_age16+
148
FOLLOW
1K
READ
forbidden
HE
like
intro-logo
Blurb

Isa si Kitch sa anim na magkakaklase na naisipang gawing paksa ang isa sa lugar ng Davao para sa kanilang documentary project. Subalit, bigla na lamang magbabago ang lahat sapagkat mapupunta sila sa isang bayan na kailanma'y hindi nila ginustong puntahan, doon nila makikilala si Lola Esma, ang matandang babae na matagal nang naninirahan doon, wika niya'y may misteryong itinatago ang bayan na iyon, dahilan para magdesisyon silang manatili roon at doon na lamang magsaliksik.

Sa kanilang pananaliksik ng katotohanan ay hindi nila akalain na iyon na ang simula ng pagbabago ng kanilang buhay.

Ano ang kanilang matutuklasan sa bayan na iyon at may misteryo nga bang nagtatago na tanging sarili lang nila ang makakaalam?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"MAKIKITA sa isang bayan ng Davao ang isa sa alam kong may malaking maitutulong sa documentary natin," suhestyon ni Kitch sa mga kaklase. Tinaasan naman siya ng kilay ni Loise na ngayon ay tila hindi pa rin sang-ayon sa suhestyon niya. "Sigurado ka ba talagang sa Davao ang napupusuan mo?" paniniguro pa nito sa kaniya. Napatango si Kitch at hiningi ang opinyon ng mga kaklase maliban kay Loise na sina Siobe, Devee, Daizy at Fudge. "E, kayo? Payag ba kayo sa suhestyon ko?" At dahan-dahan ang mga itong napatango. "Siguro naman ay maganda ang ideya ni Kitch, at isa pa, malaki naman ang Davao kaya hindi malabong makakuha tayo ng magandang introduction about doon.. medyo malaki nga lang ang gagastusin natin sa pamasahe dahil malayo-layo ito," pagsang-ayon ni Devee habang npapatango naman ang tatlo na sina Siobe, Daizy at Fudge. At medyo nawala ang pag-aalinlangan ni Kitch nang marinig ang sinabi ni Fudge, "May sasakyan naman kami, p'wedeng sa gasolina na lang ang pag-ambagan natin, at isa pa, marunong naman akong magmaneho," pagpipresinta pa nito. Lumaki kasi si Fudge na nasanay sa mga gawaing panlalaki dahil siya lang ang nag-iisang babae sa magkakapatid kahit na batid niya sa sariling may pagkapusong lalaki. "Oh, ayon naman pala, e. Dadalhin ko na rin ang atlas book ko!" dagdag pa ni Daizy. "Tama 'yon, dapat maging handa tayo," napapangiting sabi ni Kitch. "Kung ganoon, bahala kayo," mataray na sabi ni Loise at saka ito tumayo upang talikuran sila. "Hayaan ninyo siya, ang kitid kasi ng utak, e," naiinis na sabi ni Fudge na isa sa malapit na kaibigan ni Loise sa kanilang anim. Kalauna'y nagpasya na nga silang mag-research tungkol sa kalagayan ng Davao, ang kasaysayan nito at ang estado ng pamumuhay rito. Tulungan sila habang hindi mawari ang inaasal ni Loise na ngayon ay pairap-irap lang habang pinagmamasdan ang lima. "Hoy, Loise, e.. kung tumulong ka kaya sa pagri-research, hindi 'yung nag-e-emote ka riyan," puna sa kaniya ni Siobe. "Paano naman ako tutulong kung halos lahat ay ginawa ni'yo na," mataray nitong sagot dahilan para mapatingin ang lima sa kanya. "Loise, hindi sa inaagawan ka namin ng gawain.. pero-- pagtatalunan pa ba natin 'to?" kalmadong sagot ni Kitch kaya natahimik siya at pailing-iling habang ginagalaw ang mouse pad. "Anong gagawin mo?" pagtataka ni Devee nang ilipat niya ang tab at pindutin ang YouTube site. "May bagong kanta ang idol kong si Michael Pangili--" "Shut up, Loise. Hindi makakatulong 'yang kaartehan mo sa documentary project natin!" matapang na sabi ni Kitch at kaagad nitong binura ang tab ng YouTube. Napairap na lang si Loise sa kanya at tila nagdabog pa ito nang maramdamang na-a-out of place siya. "Kitch! Halika," tawag pansin ni Fudge. At agad naman lumapit si Kitch dito sabay tanong ng, "Bakit?" "Mukhang maganda rito." Itinuro pa ni Fudge ang nakitang tourist spot sa Davao. "People's park?" wika ni Kitch at sandali siyang napaisip sa suhestyon ni Fudge habang nakisilip din naman sina Devee, Siobe at Daizy sa laptop na gamit ni Fudge. "Mukhang maganda nga, ah.." opinyon ni Siobe. "Pero alam ni'yo ba kung paano pumunta riyan?" tanong ni Daizy. "Edi, magtatanong-tanong tayo. Tutal naman ay kinakailangan natin nang mahabang oras para sa biyahe, magbaon na rin tayo ng maraming pamalit na damit at maraming pagkain para handa tayo sakaling abutin tayo ng ilang araw," opinyon ni Kitch na kaagad naman sinang-ayunan ng apat, samantalang si Loise ay walang pakialam at nakikinig na lang ng music sa cellphone nito. "Tama si Kitch, hindi biro ang lalakbayin natin kaya-- Loise naman!" Halos mapatalon sa gulat si Loise sa biglaang pagsigaw ni Fudge. "Gusto mo bang pumasa o hindi? Napaka-etsosera mo talaga, e, 'no?!" panenermon nito sa kaibigan at napanguso na lang si Loise habang inililigpit sa bag ang earphone. "Heto na nga, tutulong naman ako, e. Huwag kayong mag-alala," walang ganang anito sa lahat. "Mabuti kung gano'n, Loise. Inuulit ko, kagaya nang sinabi ni Fudge, hindi biro ang lalakbayin natin upang makakuha ng maraming impormasyon at maging matagumpay ang documentary, kaya kailangan natin ng pagtutulungan, okay?" may dedikasyong turan ni Kitch. Araw ng Miyerkules, ika-lima ng Setyembre, dalawang libo't labing walong taon nang magpasya ang magkakaibigan na lisanin ang bayan ng Sorsogon upang magtungo sa Davao at para masimulan na ang kanilang documentary project. Napag-alaman din nila na aabutin ng halos isang araw ang buong biyahe kung kaya't mas pinaghandaan nila ang paglalakbay. "Siobe, 'yung camera? Naka-full charge ba?" paniniguro ni Kitch sa kaklase. "Oo naman, yes!" masayang wika nito. "E, 'yung tripod, Devee?" "Nakahanda na," nakangiti rin nitong sagot. "Good," nakangiti niyang tugon. "Kaya natin 'to, ga-graduate tayo!" malakas na paninindigan ni Devee sa sarili. "O, my gosh! Ang ganda ng tanawin!" napapahangang sabi ni Loise at nagawa pa nitong kuhanan ng litrato ang mga tanawin. Napapailing na lang si Fudge habang nagmamaneho, at sa tulong ng google map ay may guide siya patungo sa tamang daan. Samantala'y katabi niya sa driver seat si Kitch habang ang apat naman ay magkakatabi sa back seat. At matapos ang halos apat na oras na biyahe ay nakalikas na rin sila ng Bicol Region. "Fudge," pagtawag pansin ni Kitch. Napuna kasi niyang nanahimik na ang apat sa likod. Pasimple niyang sinilip ang mga ito at magkakabaluktot ang mga ulo nito habang natutulog ng mahimbing. "Mukhang mas pagod pa sa'yo ang apat," natatawa pa niyang wika. Napangisi lang si Fudge na akala mo'y lalaking-lalaki na. "Gusto mo bang magpahinga, p'wede naman tayong huminto muna," nag-aalalang anito sa kaibigan. "Hindi na, saka na siguro kapag nasa Leyte na tayo, ayos lang ako, gusto ko rin kasi na makapunta tayo ron ng saktong gabi." "Ikaw bahala.." At ginawaran pa siya ng ngiti nito bago pa man siya manahimik. Alas tres ng hapon nang magising si Daizy at Devee sa biyahe. "Nasaan ang atlas book ko?" bungad kaagad ni Daizy at kaagad na napataas ng kamay si Kitch na ngayon ay hawak-hawak ang libro niya. "Here!" "Naku, pasensya na ah.. kung nakatulog ako," napapakamot na sabi ni Daizy. Napangisi lang si Fudge at wari ay nadadama na niya ang pagod. "Naku." Tila naagaw ang atensyon nila sa tinuran ni Fudge. "Bakit?" tanong kaagad ni Loise na ngayon ay kagigising lang. Nagising na rin si Siobe nang dahil sa pagkakagalaw niya. "Mukhang mauubusan na naman tayo ng gaas," wika ni Fudge. Sinilip kaagad ni Kitch kung saan may malapit na gasoline station. At nagkaroon siya ng pag-asa nang matanaw sa hindi kalayuan iyon. "Kaya pa ba? Mayroon doon sa susunod na stoplight," wika ni Kitch. Napatango si Fudge at siyang pa-soundtrip naman ng malakas ni Loise. "Ano ba 'yan, p'wede naman pahinaan 'yan, e!" pag-angal ni Siobe na katabi lang niya. Kaya napairap lang si Loise at nagawang pahinaan iyon. Samantala ay napapangisi lang ang apat habang pinakikinggan sila. Matapos nilang magpagasolina ay narating na rin nila ang bayan ng Leyte. "Matagal pa ba ang biyahe?" naiinip na tanong ni Loise. "Medyo malapit na rin, nasa kalagitnaan na tayo, e," ani Kitch na ngayon ay nakatingin lamang sa atlas book. "Kumain na kaya muna tayo, kaninang alas diyes pa ng umaga ang huling kain natin, e," sabi ni Devee na ngayon ay nanghihina na sa kagutuman. "O, sige, pakibigyan na lang kami rito sa harap," napapangiting sabi ni Fudge. Binuksan ni Devee ang lunch box niyang may laman na maling na iniluto pa niya ng umaga at ipinalaman iyon sa tasty bread na binili pa nilang magkakaibigan kahapon. Hindi man iyon labis na nakakabusog pero ayos na 'yon sa kanila para sa kumakalam na tiyan. At pagkatapos nilang kumain ay kaniya-kaniya rin silang diskarte kung paano makakapagbanyo maliban kay Devee. Hanggang sa nag-umpisa na ulit magmaneho si Fudge. Subalit bago pa man sila makalagpas ng Baybay City ay tila hindi mapakali sa inuupuan si Devee. Kaya naman kwinestyon kaagad ito ng malapit na kaibigan na si Daizy, "Anong nangyayari sa'yo? Okay ka lang?" "Naiihi ako, Daizy, kainis!" At doo'y napabagal sa pagmamaneho si Fudge hanggang sa tuluyan na nitong ihinto ang makina. Ilang sandali pa ay muli itong nagsalita,"Bakit ba kasi hindi nakisama ang pantog ko no'ng nasa gas station pa tayo, e." Narinig pa nilang wika ni Devee bago pa man ito bumaba. "Ganiyan talaga, Devee, hayaan mo na, hihintayin ka na lang namin," kalmadong sabi ni Fudge habang parang may sarili lang si Loise. Pasado alas nuwebe na ng gabi nang tuluyan nilang matunton ang bayan ng Davao. Samantalang alas dose sila ng madaling araw nagsimulang bumiyahe. Pero biglang napakunot ang noo nila nang tila sa ibang bayan sila napunta. "Parang hindi naman 'to 'yon," pagpuna ni Siobe. "Hayaan n'yo na, magtatanong-tanong tayo kung saan may matutuluyan muna rito at bukas na muli natin hanapin ang People's park, malalim na rin ang gabi, e, " suhestyon ni Kitch sa mga kasama. Sumang-ayon naman kaagad sila maliban kay Loise na nililibot-libot ang tingin. Batid niyang may kakaibang presensya ang lugar na iyon pero nagawa niya na lang muna iyong sarilinin. Grupo ng mga lalaki ang napagtanungan nila kung saan ay tila kinikilatis ang kanilang itsura. "Magandang gabi po, itatanong lang po sana namin kung saan may malapit na matutuluyan dito," ani Kitch na ngayon ay kaharap na ang mga ito. "Ay, sa lugar na ito ay wala talaga, pero kung gusto ninyo naman ay doon na muna kayo tumuloy sa maliit na kubo namin," sagot ng isang lalaking sa tingin niya ay hindi lalampas sa bente singko anyos ang edad. "Ay naku, huwag na ho, magtatanong-tanong na lang kami sa may kabilang bayan," magalang na pagtanggi ni Fudge at saka sinenyasan si Kitch na lumapit na sa kanila. "Aba'y tinanggihan ka pare, mukhang hindi iyan tagarito, mukhang laking Maynila," napapangising sabi ng isa sa mga ito na sa tingin nila'y hindi mapagkakatiwalaan ang itsura. "Kitch, umalis na tayo rito," bulong ni Daizy sa kaniya na ngayon ay kinakabahan na. Kaya naghawak-hawak sila ng kamay at buong p'wersang tumakbo papalayo sa mga kalalakihang iyon. Subalit hindi na nila narinig ang mga salitang binitiwan nito, "May bago na naman tayong iaalay!" natatawang sabi no'ng isa. Subalit, sa kanilang paghahanap ng matutuluyan ay isang butihing matanda ang lumapit sa kanila. "Lola, makikiusap lang po sana kami kung maaari po ba kaming makituloy sa inyo kahit ngayong gabi lang.." pagmamakaawa ni Kitch. "Tagasaan ba kayong mga bata kayo?" "Taga-Sorsogon ho kami, at lumuwas po kami para sa isang documentary project," sagot ni Fudge na hindi pa rin mapawi ang kaba. "Pumasok kayo sa loob," tila nag-aalang anito. Napalibot ang tingin nila sa bahay kubo nito at doon lang napawi ang kaba nila. "Mag-isa ka lang po rito, lola?" tanong ni Devee. "Oo, nasanay na lang ako na mabuhay nang mag-isa," sagot nito saka nadapo ang tingin nito sa kanilang lahat. "E, kayo, bakit kayo nagpunta sa lugar na ito?" Napayuko ito at muling nagpatuloy sa pagsasalita, "Hindi na dapat kayo nagpunta rito.." Halos manginig ang buong katawan nila nang banggitin pa lamang iyon ng matanda kasabay nang pagtataka sa kanilang mga mata.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.2K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

His Obsession

read
74.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook