KABANATA 16 Joziah Marzelus’ POV "Hindi manlang ako nakapagpaalam kay Fiona, nakakalungkot isipin." Napatingin ako kay Zemetrius na malayo ang tingin sa binatana ng Mansion. Tama ang sinabi ng alaga kong uwak. Nagising na ang Prinsesa kaya makakauwi na siya sa kaniyang mundo. Pero nagtataka parin ako sa nakasulat sa Propesiya na magigising lamang ang Prinsesa sa pamamagitan ng dugo ng isang mortal. Hindi ko maiiwasang makaramdam ng lungkot na hindi ko na makikita ang mortal na iyon. Maging si Izaiah ay hindi niya mapigilang pumunta sa matandang puno. Sana makita kita muli, Fiona. *** Izaiah Hezekioh's POV Pagdating ko sa matandang puno ay napansin ko kaagad ang bakas ni Fiona sa tapat nito. Bumalik nga talaga siya sa kaniyang mundo. Napapikit na lang ako at sininuntok ko ang puno