KABANATA 19 Fiona Serenity's POV "Kamahalan, tila may nararamdaman akong mali sa paligid,” seryosong wika ng uwak habang nakapatong sa pinatuyong kahoy. "Ano ang ibig mong sabihin, Ginoong uwak." "Parang may nararamadaman akong kakaibang presensiya sa paligid. Masama ang kutob ko,” sagot niya. Napatingin naman ako sa mahaba kong buhok na nasa hita ko. Kahit ako, hindi makapaniwalang ako ang Prinsesa. Nabuhay pala sakin ang katawan ni Prinsesa Izabella at ang kinaibahan lang, hindi pa ako bampira pero ang kapangyarihan at sagradong dugo ay nasa akin. Dapat sabi ng uwak, nu’ng naglaho na ang katawan ni Prinsesa Izzabella dapat naging bampira na ako. "Huwag kang magalala, marami tayong alagad kung ano man ang masamang mangyari." Napatingin ako kay Zarkuz na nakangiti habang papalapit s